Ysah's POV
Andito kami sa gym, training day. Wala si JJ dahil may project naman sya, tapos na nga yung thesis nya, pero yung project nya hindi na maubos ubos. Hmmp! Nakakatampo, akala ko after ng thesis I will have her time, pero hindi pa rin pala.
Trainings get more intense, maganda ang standing ng team, wala pa kaming talo at pasok na kami sa semi finals.
Water break at nakaupo ako ngayon at hinahabol ang hininga ko, ang tindi ng drills namin at yung scrimage mas humahaba yung dating 3sets ay naging 7sets.
May nadagdag din na play na gusto ipagawa ni coach kaya naman puspusan ang practice namin para dito. Kahit na tinalo na namin sa elims yung team na kalaban namin sa semis ay di kami dapat makampante, bilog ang bola ika nga nila.
After three hours of training ay natapos din kami, nakapagshower na kami at palabas na ng gym. Kuya will pick me up kasi busy na naman si JJ.
"Ysah si JJ yun di ba?" sabi ni ate Martha at tiningnan ko naman ang direksyon ng tinitingnan nya.
What the?!!! Si JJ nga yun, di ako pwede magkamali, tindig pa lang alam ko na sya na yun. Sino yung kasama nya?
"Ang sweet talaga ni JJ oh, kita mo sya pa nagbitbit ng gamit nung girl" sabi pa ni Martha.
"Si Mona yan di ba? Yung patay na patay kay JJ?" rinig kong sabi ng isa sa mga kateam ko, di ko na alam kung sino nagsabi, basta alam ko naiinis ako.
Pagdating ni kuya padabog akong sumakay ng sasakyan. Di naman ako kinausap ni kuya kaya naman tahimik lang kaming dalawa buong byahe.
Hanggang ngayon naiinis ako, nagmano lang ako kela lolo at lola pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko.
JJ Calling...
Bahal sya, di ko sasagutin yan. Manigas sya.
3missed calls
5missed calls
9missed calls
Hanggang sa umabot pa ito ng bente. Nagsilent na lang ako ng phone ko at inayos ang mga gamit ko at mga assignments na gagawin ko.
Maya maya pinatawag na ako at kakain na daw kami ng dinner, bumaba naman ako agad.
Pagdating ko sa dinning area, nakita ko ang taong iniiwasan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" kunot noo kong tanong sakanya at umupo sa tabi ni kuya.
"Di mo kasi sinasagot mga tawag ko eh, nagalala ako kaya pinuntahan kita" sagot naman nya. Tumango naman ako at kumain na, tahimik akong kumain. Habang sila patuloy ang pakikipagkwentuhan kay JJ.
After dinner ay naupo kaming lahat sa sala at pinagpatuloy ang kwentuhan. Mostly sa business, golf, at kung ano ano pang kinukwento ni JJ.
I excuse myself at nakita ko naman na natigilan sila saglit. Tatayo sana si JJ ng pigilan ko sya.
"No its OK, marami akong gagawin eh" tumango naman sya kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko at ginawa ang mga dapat gawin.
10pm na, katatapos ko lang sa mga ginawa ko nang biglang kumatok si kuya.
"come in" walang ganang sagot ko sakanya.
"Kamusta ka naman?" casual na tanong ni kuya habang umupo sa couch sa loob ng kwarto ko.
"Ayos lang kuya, pagod lang" tumango naman sya.
"May gusto ka bang sabihin sakin?" takang tiningnan ko naman si kuya.
"Wala naman kuya" sagot ko habang pinagpatuloy ang pagaayos ng gamit ko.
"Nagaway ba kayo ni JJ?"
BINABASA MO ANG
Loving A Student-Athlete
Teen FictionYsah is a rookie volleyball player at their school, and JJ is a graduating student that will fall inlove with her. Can their love keep burning? Pano pagsasabay sabayin ang student life, athlete life at love life? Just pure imagination. Started: July...