Chapter Twenty Seven

151 8 0
                                    

JJ's POV

Saturday (Ysah's game day)

2pm

"That is all for today miss Klein, looking forward to work with you" nginitian ko naman sya at kinamayan. Si Miss Julia Tolentino, ang client namin na sinasabi ni dad.

"Thank you for trusting our company Miss Tolentino" I said habang hawak pa rin nya ang kamay ko. Sabay ngiti sa akin.

"I think we should go na" sabi nya sabay tingin sa mga kasama namin sa meeting room. Nagsitanguan naman silang lahat at nagayos ng mga gamit nila. Mabuti na lang maaga natapos ang meeting at may oras pa ako para bilhan ng gift ang grilfriend ko, pambawi sa mga days na di kami nagkikita at nagkakasama. Inayos ko na rin yung gamit nung biglang magsalita ulit si Julia.

"Miss Klein are you good na? Lets go na sa site" sabi nya sabay labas ng meeting room.

What?! May site visit agad? Di ba pwedeng sa Monday na ito. Malelate na ako sa game ni Ysah. Damn!

I fetched my phone from my pocket and I saw 3messages from Ysah

From: Babe ❤️

Hi babe! Andito na ako sa school, preparing na kami ng buong team for the game later, may mga pahabol na bilin lang si coach kaya medyo maaga kami dito. I love you babe!

Hmm walang reply, maybe you are just busy, any ways papunta na kami sa venue at doon na din kakain. I miss you big time! So excited to see you babe!

Hey babe andito na kami sa venue at katatapos lang kumain, ilang minutes na lang ng pagtitiis at magkikita na tayo ulit. I will do all my best para makuha ang game na ito. See you later! 😘

Siniko ko si Pau.

"Couz alam mo bang may site visit? Malelate ako sa game ni Ysah neto" protesta ko sakanya habang pababa kami ng building.

"Di ko alam, ang akala ko meeting lang talaga ito" sagot naman nya sa akin. Patay na talaga ako neto.

Since big client ito at ayaw ko madisappoint si dad, sumunod na lang kami. Convoy na lang kami ng team ko sakanila. Pero I opted to bring my car para pag tapos neto diretso na ako sa game ni Ysah.

3pm

Andito na kami sa site. Malapit lang naman pero dahil traffic natagalan kami.

She discussed some things na gusto nya mangyari sa building nya kaya naman kami ng buong team ko nakikinig lang sakanya. After 30mins na discussion ay natapos din kami.

After ko magpaalam sakanilang lahat ay sumakay na ako ng kotse ko para makahabol sa game nila Ysah. At kung malas talaga, ang traffic.

I checked my phone at may 5missed calls at 5messages, lahat galing kay Ysah. Di ko na binasa isa isa at nagfocus na lang ako sa pagdrive ko.

5pm

Wooh! Kakarating ko lang dito sa venue at agad akong tumakbo para makita na si Ysah. Pagkatingin ko sa scoreboard ay third set na at lamang ng two sets sila Ysah. Thank you Lord at umabot ako!

Agad ko namang hinanap sila kuya at tumabi sakanila. Nagmano ako sa lolo at lola nya at saka humingi na rin ng pasensya dahil late ako. Naintindihan naman nila ito at nagfocus na kami sa game.

Sweep! Panalo sila Ysah!

After the game agad akong nagtungo sa locker room nila para puntahan sya, tulad ng lagi kong ginagawa.

"Babe!!!!" Sigaw ni Ysah nung nakita nya akong nagaabang sa pinto ng locker nila. Agad naman nya akong niyakap kaya muntik na kaming matumba.

"Congrats team captain" bulong ko sakanya sabay halik sa ulo nya.

"Bolera" sabi nya sabay taboy palayo ng mukha ko sa mukha nya. Naiilang na naman sya.

"Ang tagal mo, di mo sinasagot mga texts at tawag ko sayo" tampo nya sa akin habang hawak ko pa rin sya sa bewang nya sabay pout. Hay naku Ysah ang cute cute mo, hahalikan kita dyan eh.

"Sorry babe, nagsite visit pa kasi kami para sa Monday masimulan na namin" pageexplain ko naman sakanya, pero tahimik lang sya. Naiinis na naman ito.

"I'm all yours bukas babe, walang work so we can do church together" and there I saw her smile.

"Talaga babe?" Masigla nyang tanong sa akin at tumango lang ako bilang sagot. Agad naman nya akong niyakap muli at nagnakaw pa ng halik sa pisngi ko.

"Ehem" si Arianne, andito pala sya.

"Capt tara may announcement si coach at para makapagshower na tayo at mamaya na kayo maglampungan dyan" natawa naman ako ng konti kaya tinapik ako sa pisngi ni Ysah para matigil.

"Sige na babe I'll wait for you sa exit" I sad at hinalikan sya sa pisngi bago bumitaw. Kita ko naman na namula sya.

Hinila na sya ni Arianne papasok ng locker room nila at ako naman ay lumabas na sa exit kasama sila kuya.

We did the same routine every after game nya. Dinner then catch up, tapos dadaan kami ng mcdo to buy mcflurry, when in fact palusot lang nya ito dahil gusto nya akong masolo.

"We're here na babe, sorry I don't have anything to give to you, nagmamadali na kasi akong makarating sa game mo" J said habang nakayuko kasi hiyang hiya ako.

Then I felt home, she hugged me. I return her hug.

"Sssshhhh ano ka ba babe, the fact that you still came kahit na super busy that is more than enough for me" she said habang yakap yakap pa rin nya ako.

"I love you babe" then I kiss her temple and let go of the hug but not letting go of her hand.

"Tara na babe late na, magsisimba pa tayo bukas" sabay halik sa likod ng kamay nya, kahit madilim kita ko ang pamumula nya.

"I want to be with you pa babe" reklamo nya sakin. God! Why are you so cute Ysah?

"Ako din, but you have to get a good sleep kasi may date tayo bukas" I said and winked at her, naramdaman ko naman na humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

Tumango naman sya kaya bumaba na ako agad at pinagbuksan sya ng pinto habang hawak ko ang kamay nya para alalayan syang bumaba ng kotse ko.

Hinatid ko sya sa gate nila still not letting go of her hand.

Pagtapat namin sa gate nila I kissed her forehead and with that automatic na yumakap si Ysah.

"Dito ka na lang babe" she said with a soft voice.

"Soon babe di na ako aalis sa tabi mo at magkatabi tayong matutulog" I assured her. I felt her sighed. Ayaw ko talaga ng ganito, when she is being clingy at wala akong magawa.

"Get inside na, malamig na dito sa labas baka sipunin ka" I smiled at her.

"Alright, take care ha, wag magtext or call while driving. Call me when you get home. I'll be waiting" sabi nya sa akin at tumango naman ako.

I stepped back, still not letting go of her hand.

"Good night babe, I love you" we said in unison kaya natawa kami.

"Go na bago pa magbago isip ko at pilitin kita na dito matulog" so possesive babe.

"Parang mas gusto ko yan" I jokingly said to her at tinaasan ako ng kilay.

"Joke lang babe, I better go na para makapahinga ka" lumapit ako ulit at niyakap at hinalikan sya ng mabilis sa noo.

"Good night, call me ha!" She said at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi.

Sumakay na ako agad ng kotse ko at nagdrive na pauwi. Tomorrow will be a good day!

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon