Chapter Fourty Four

283 10 0
                                    

JJ POV's

"Yun na yun?"

"Ang bitin naman!"

"Paano na sila?"

"Naging sila ba ulit?"

"Wala na po bang kasunod?"

"Finish na?"

Ilan lang yan sa mga bulungan na mga tanong ng mga college students dito sa loob ng auditorium.

"Miss Klein, pwede po magtanong?" Sabi nung babae dun sa likod.

"Sure, go ahead"

"Do you still talk? Like ilang years na nakalipas. Do you still keep in touch?" I smiled with her question.

"We do talk. Everyday actually" Tapos nakarinig na ako ng mga kinikilig. Mga bata nga naman.

"So nagkabalikan kayo?" Tanong nung isa

Natawa naman ako.

"Bakit curious kayo?" Narinig ko naman ang pagkadismaya nila.

"Mahal mo pa ba?" Biglang sigaw nung lalake sa likod.

"Yes, di naman nawala pagmamahal ko sakanya" Matapang na sagot ko sakanila.

"Miss Klein sagutin mo na, nagkabalikan ba kayo?" Atat na tanong nung isa.

"Why do you guys want to know?" Natatawang tanong ko.

"Kasi gusto namin malaman na happy ending" sagot nung isa.

"Well... Its not a happy ending uunahan ko na kayo" Nalungkot naman silang lahat sa sinabi ko.

"Bakit naman ganun?"

"Di ka na ba mahal ni ma'am Ysah?"

"Anong nangyari? Bakit hindi happy ending?"

"Naging sila ba nung Jonas?"

"Ang dami n'yong tanong. Isa isa lang mahina kalaban" natatawa kong sabi sakanila.

"Alam mo couz ang arte mo, sabihin mo na kasi! Dami mo pang alam eh!" Bulong sakin ni Pau, kasama ko nga pala s'ya.

"Asaan yung excitement kung ibibigay ko na agad? Hahaha! Chill ka lang. Andyan na ba s'ya?" Nakatikim naman ako ng kurot sa tagiliran.

"Hay naku traffic palabas ng airport. Alam mo naman dito sa Pinas" Sabi n'ya sakin.

"Alam mo JJ kung di lang kita kilala, ikaw pa yung pabebe. Nakakainis!" Sita naman ni Andrea, yes kasama ko s'ya.

Flashback...

After our encounter ni Ysah sa garden namin di na ako lumabas pa ng kwarto ko, I told mom na magpapahinga na ako since maaga pa ang flight ko kinabukasan.

Late dumating si Andrea.

"Bes ang aga aga pa andyan ka na? 7pm pa lang! Tara na dun sa labas" Aya ni Andrea sakin.

"Pagod ako, isa pa 3am ang flight ko, please let me rest" Sabi ko at tumalikod na.

Bumuntong hininga naman s'ya at tinapik ang balikat ko.

"Bangon ka may papakita ako sa'yo" She said kaya naman bumangon na ako.

She handed me an envelope, kumunot naman noo ko sa pagtataka pero tumango lang s'ya. So I opened it. Plane ticket and visa.

I looked at her at nakangiti s'ya sa akin.

"Surprise! Sasama ako sa'yo sa states! Mom and dad allowed me. Besides andun na sila, sooo we are going to be roomies!" Excited n'yang sabi sakin.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon