Chapter Tweleve

289 12 1
                                    

JJ's POV

After that confession I made with Pau and Andrea di na nila ako tinigilan. They told me to make a move, pinilit nila ako na ayain agad si Ysah sa isang date.

Flashback

Its Sunday morning.

Kakagising lang naming tatlo, athlete instinct siguro na maaga kami magising kahit na late na kami natulog kakanood at kakabully nila sakin kay Ysah.

"Hey J ano na?" tanong ni Andrea habang bumabangon.

"Anong ano na?" I asked kahit alam ko naman ang tinutukoy nya.

"Hay naku Joanna kung ayaw mo, kami na gagawa ng paraan. Wala kang lakad after lunch di ba?" tanong naman ni Pau habang nakahiga pa rin sya. Umiling naman ako bilang sagot sa tanong nya sa akin.

Mabilis pa sa palos na nakuha ni Pau sakin ang phone ko. Pinipigilan ako ni Andrea para makuha ulit ang phone ko pero di ko naman maagaw kasi di ko maitulak si Andrea na nakadagan sa akin habang nakadapa ako.

The next thing I know Pau gave back my phone and showed me na nagDM sya kay Ysah.

Sus. Yun lang pala, nagDM lang kay Ysah kailangan pa daganan ako.

I was about to go to the CR to do my morning rituals nung narealize ko ang ginawa ni Pau. What the f?!!!

"Pauline! Andrea!" I exclaimed, pero tawa lang sila ng tawa ni Andrea.

"HAHAHAHA!" wala akong nakuhang sagot sakanila kundi tawa lang ng tawa.

"Couz naman, I'm not ready yet to confess to her" pagmamaktol ko sakanya, actually sakanila kasi dalawa sila.

"Couz tigilan mo ako, wag kang OA dyan, di naman namin sinabi na magconfess ka agad, ang gusto lang namin is magkaroon kayo ng solo time nyo together" pagpapaliwanag ni Pau habang nakaupo sa kama namin.

"Oo nga naman J, tsaka OK yun para mas makilala mo pa sya. Thank us later" sabi naman ni Andrea habang nakangiti sa akin. Naiiling na lang ako sakanila.

End of flashback

And yeah that is the reason kung bakit kami nakalabas ni Ysah nung Sunday at hindi ko naman pinagsisihan yung date namin na iyon.

Monday morning, sinadya ko gumising ng maaga kahit pa medyo puyat ako dahil late na ako nakauwi kagabi. I wanted to make breakfast for Ysah.

"Oh J ang aga mo ata nagising" bati sakin ni manang Cely habang nagtitimpla ng kape nya.

"Gusto ko kasi ng pancake manang" sagot ko habang nagluluto.

"Sana sinabi mo sa akin kagabi para ako na ang nagluto nyan" akmang aagawin na ni manang sa akin ang syanse.

"Manang kaya ko na ito, ako pa ba, besides malaki na ako manang" di naman na sya nangulit at umalis na.

After ko magluto ay inayos ko na ito sa lalagyan at nilagay sa paper bag.

Nagpaalam na ako sakanya at sinabi na papasok na ako sa school. Di naman na sya nagtanong pa sakin kung bakit.

Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na.

Tinext ko naman si Pau kung nasa school na sya at himala, andun na sya. Sinabi ko sakanya yung plano ko at natuwa naman sya.

I drive off to school at dahil super aga pa wala masyadong traffic. I called Pau na puntahan ako sa labas ng gym para kunin yung paper bag.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon