Chapter Seventeen

212 10 0
                                    

Ysah's POV

Midterms na, mas naging busy na kami sa trainings at acads. Madalang na kami magkita ni JJ dahil sa thesis nya at sa preparation for our rival school. Sa loob ng isang linggo ay mga dalawang beses na lang kami kung magkita. Pero di pa rin nababawasan ang pagkasweet nya, palagi pa rin syang may mga surprises. Random gifts, flowers, chocolates, at ang kinatutuwa ko sakanya ay di sya pumalya na magsimba kasama kami ng pamilya ko.

Tuwing magsisimba kami at andun na sa part na magdasal for personal intention ay tinititigan ako ni JJ, I find it sweet. Kahit di ko alam kung ano yung ipinagdarasal nya. Pag peace be with you naman ay nagmamano sya kay lolo at lola, tapos magpapalitan sila ng peace be with you ni kuya at pagdating sakin ay bebeso sya. Sweet gestures.

After church ay maglulunch lang kami tapos uuwi na, halos buong hapon ng sunday ay nasa bahay lang kami kasama si JJ, manonood ng movie, or kung gusto ni lolo maggolf ay sasama kami at makikilaro si JJ. Di ko alam na marunong pala syang maggolf.

For the past month ay ganyan ang routine namin, sinisiguro namin na sunday ay bonding time namin. At dahil din dun hindi ko na masyadong nakakasama si Arianne. Tuwing aayain ko naman sya after practice pag di kami magkikita ni JJ ay busy sya, may lakad sya, or pinapauwi sya agad ni tita. Di ko alam kung iniiwasan nya ako or sadyang busy lang sya. Kailangan ko syang makausap.

"Ysah?" si Arianne.

Andito kami ngayon sa library at gumagawa ng research paper. Tahimik sya at seryosong gumagawa ng research paper namin, pati sa classroom seryoso sya lagi, sa training naman bihira lang din kami magusap, pag magkateam lang kami sa scrimage. Ang daming nagbago sakanya, sa amin.

"Oh?"

"Tapos ka na ba? Baka malate tayo sa next class natin" sabi nya habang inaayos na yung mga gamit nya. I don't know kung ano nagawa ko at naging ganito kami, I hate this feeling, masakit na yung best friend mo na parang kapatid mo na ay ganito ang treatment sayo.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Yeah tapos na rin. Ayusin ko lang gamit ko" tumango naman sya bilang sagot sa akin. Kailangan kong maayos ito, di ako sanay na ganito kami.

"Arianne may gagawin ka ba after practice?" lakas loob kong tanong sakanya.

"Mer-" di na ako nakatiis. I cut her off.

"Arianne ano bang problema?" I tried to keep calm at hinaan ang boses kasi nasa loob pa rin kami ng library.

"Wala" sabi nya at nilagay na nya lahat ng gamit nya sa bag nya at akmang tatayo na pero hinawakan ko sya sa braso nya.

"Arianne please kung ano man yan pagusapan natin, please?" pagmamakaawa ko sakanya.

"Lika na, malelate tayo" cold na sabi nya sakin.

"Please Arianne" pumikit sya at huminga ng malalim bago tumingin sa mga mata ko.

"Mamaya na natin pagusapan, ayaw ko malate sa klase" and with that naiwan ako magisa sa library.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko, I have two more subjects, and training later, di ako pwede mawala sa focus.

Natapos ang class namin na hindi kami nagpapansinan ni Arianne. Bothered ako ng sobra, di naman sya ganito eh. Di naman kami ganito. Sana sa training di nila mahalata yung gap samin ni Arianne.

Training is done, cooldown na lang kami. Lahat ay nakaupo at nagpapahinga pa, kung dati si Arianne ang katabi ko, ngayon si ate Pau na. Sobrang nakakapanibago ito.

Tumayo ako at lumapit kay Arianne.

"Bes, magusap naman tayo, bakit ba ganito?" I asked, di malakas pagkakasabi ko kasi ayaw ko na madamay pa sila sa kung ano meron samin ni Arianne ngayon.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon