Chapter Thirty Eight

183 6 0
                                    

Ysah's POV

Malapit na magpasukan pero yung OJT namin di pa tapos, mageextend pa kami ng 3weeks as per our prof, wala naman kaso dapat kung di kami varsity player, kaso wala eh. Kailangan namin matapos ito para di na sagabal sa schedule namin ng trainings at games. Mas mahirap pag nagkasabay sabay sila.

Si Ethan one week na lang dito sa OJT n'ya at tapos na s'ya. Nakakainggit kasi may one week pa bago ang pasukan nila sa school n'ya, makakapagpahinga pa s'ya. Samantalang kami ni Jonas magooverlap ang OJT at start ng first sem.

Tapos na ang oras ng opisina namin ng lumapit si Ethan dito sa table ko, magaaya na naman ito panigurado.

"Tara inom tayo!" Aya ni Ethan sa amin. See tama ako.

"Di ako umiinom eh, si Jonas na lang ayain mo" sabi ko sakanya habang nagaayos ng gamit at uuwi na.

"KJ naman neto, sige na. Di ka namin papainumin. Sumama ka na, one week na lang ako dito" pagpapaawa n'ya pero tinaasan ko lang s'ya ng kilay. Actually umiinom naman ako pero pag kasama ko lang sila Arianne.

"Jonas tara shot" tiningnan naman ako ni Jonas kaya tinaasan ko rin s'ya ng kilay. Magkatabi lang kasi yung table namin at tapos na s'ya magayos ng gamit n'ya.

"Ano ba naman yan, sige na kasi pumayag na kayo, alam kong athlete kayo pero sige na pagbigyan n'yo na ako, di sasama si Donna kung kaming dalawa lang ang iinom" nakayukong sabi n'ya. Naawa naman ako kaya tinapik ko ang balikat n'ya at nagangat s'ya ng tingin sa akin.

"Fine, 'til 8pm lang ako" sabi ko sakanya at napasuntok naman s'ya sa hangin sa sinabi ko.

"Sure ka Ysah?" Takang tanong ni Jonas sakin pagkalapit n'ya.

"Bakit naman hindi? Di naman ako iinom, para na rin makabonding natin yang mokong na yan, for sure mamimiss ko kakulitan n'yan eh" tumango naman s'ya at tumingin kay Jonas.

"Sige pre, sagot mo ba?" Nakangising sabi ni Jonas. Magaasaran na naman sila, naiiling na lang ako sa mga sira ulong ito.

"KKB tayo pare pero syempre sagot ko na si Donna" dinig kong sabi n'ya dito.

"Kahit kelan talaga basta chix nililibre mo" sita nito at inakbayan si Ethan.

"Syempre, pampadagdag pogi points yun!" Proud na sabi ni Ethan kaya naman natawa kaming dalawa ni Jonas at tinulak n'ya ito palayo sakanya.

Naglalakad na kami papuntang elevator at hindi pa rin matigil yung dalawa sa asaran.

I texted JJ na sasamahan ko lang uminom sila Ethan at last bonding na rin namin dahil last week na n'ya. Kahit na pwede naman sa last day n'ya. Araw daw nila ni Donna yun at magdedate sila. Tinamaan talaga ang loko.

NagYes naman si JJ at sinabi ko na si Bryan na ang bahala sa akin. Ayaw ko na s'ya masyado istorbohin dahil nga sunod sunod ang project ng team n'ya at laging full ang sched n'ya. Sinabihan ko na rin si Bryan kung saan kami pupuntang bar para alam na n'ya kung san n'ya ako susunduin.

"Oh ano natext mo na si Donna?" Sabi ko kay Ethan habang nagaabang kami ng elevator. Tumango naman s'ya at kitang kita ang excitement sa mata n'ya.

"Nasa baba na daw s'ya inaantay tayo" tumango naman ako bilang sagot.

"Cheers!" Sigaw ni Ethan nung dumating yung inorder n'yang isang bucket ng red horse.

"Oh bakit walang laman baso mo?" Tanong ni Donna sa akin.

"Di ako umiinom" simpleng sagot ko sakanya pero ang loka loka pinagpalit yung baso namin kaya naman may laman na itong red horse at nilagyan n'ya ng laman yung baso ko kanina.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon