Chapter Fourteen

280 11 0
                                    

Ysah's POV

Excited akong pumasok ngayon. Bakit? Kasi makikita ko ulit si JJ. Makikita ko ulit ang mahal ko. Mahal agad? Di ba pwedeng crush lang muna? Harot harot mo Ysah!

At magde-date kami mamaya after school, luh date agad? Di ba pwedeng magdidinner lang kami?

Inaayos ko ang gamit ko sa school at sa training nung biglang kumatok si kuya, which is di naman nya ginagawa, unless late na pero pagtingin ko sa relo sa kwarto ko maaga pa naman, di pa naman kami male-late. Bakit kaya?

"Oh kuya?" tanong ko sakanya nung buksan ko ang pinto.

"Di kita mahahatid ngayon bunso" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni kuya.

"Ha? Bakit kuya, masama ba pakiramdam mo? O may meeting ka ba today? Magta-taxi na lang ako" sunod sunod kong tanong kay kuya

"May nagaantay kasi sayo sa baba" sabi nya at lalong kumunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahan ngayon, at sobrang aga pa. Di rin naman nagmessage si Arianne, so hindi sya ang nagaantay sa akin. Sino kaya?

"Sino kuya?" tanong ko pero di na sya sumagot sa akin at sinabihan na lang ako na bumaba na.

Kinuha ko na ang gym bag ko at bumaba na.

Nagulat naman ako nung makita ko kung sino ang nagaantay sa akin.

Anong ginagawa nya dito?

Ang aga aga pa. Its just 5:18am.

Tsaka bakit sya andito?

"Oh andyan ka na pala apo, kanina ka pa inaantay nito" bati ni lola sabay turo kay J at nginitian naman ako ni J. Ang aga aga pa pinapakilig mo na ako.

Yes guys andito si J sa bahay namin. Sa loob ng bahay namin. Anong ginagawa nya dito? Hindi ko alam.

"Hi Ysah, good morning" bati nya sa akin at ngumiti ng napakatamis. Ayan na naman ang mga butterflies sa tyan ko, di na naman sila mapakali.

"Good morning din" sagot ko naman sakanya at di ko maiwasan na pagmasdan sya. Totoo ba ito? Andito sya?

"Lets go?" sabi nya sabay kuha ng gym bag sa balikat ko. At ako naman parang estatwa na dito sa kinatatayuan ko.

"Una na po kami ni Ysah" paalam nya kay lolo at lola at nagmano pa sakanila. Napakagalang naman nya.

"Kuya ako na po maghahatid kay Ysah sa school" sabi nya at tumango lang si kuya sakanya at ngumiti.

Ano daw? Sya na maghahatid sakin sa school? Bakit? Pero infairness kay J, maeffort. Kaya lalo akong nahuhulog sayo eh.

Teka di pa ba papasok si kuya? Baka malate sya.

"Kuya di ka pa sasabay?" tanong ko kay kuya bago kami lumabas ng bahay.

"Mamaya na ako, una na kayo baka malate kayo sa training mo, lagot ka" sabi ni kuya at ngumiti sa akin ng nakakaloko sabay tingin kay J at tumango lang.

Teka lang, may hindi ba ko alam? Bakit parang nagkakaintindihan sila.

Lumabas na kami ni J ng bahay at as usual pinagbuksan nya muna ako ng pinto at sya mismo naglagay ng seat belt ko bago nya ilagay ang bag ko sa backseat at pumunta sa driver seat.

Napakagentlewoman naman talaga.

Tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse, tanging tunog ng playlist nya ang maririnig mo.

Di ko alam pero di ko mapigilan ang sarili ko na titigan sya. Ang gwapo nya.

"Staring is rude, you know" she said while looking at the road.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon