Chapter Twenty three

216 7 0
                                    

Ysah's POV

When ate Pau said na mapapagod kami pag naglakad lang kami sa paglilibot ng beach house nila JJ ay totoo ito. Napakalawak ng beach house nila. May farm sila at may maliit na boat house kung saan nakadaong yung malaking yate nila at mga jetski.

May cottage din na malapit lang sa beach, actually di sya cottage parang maliit na kubo with aircon at CR. Sosyal di ba. Iba na talaga pag rich kid.

After mga one hour ay nakabalik na kami sa bahay nila at saktong nakahanda na yung pagkain. Ako na nagpresinta na tumawag kay Gab at Martha.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko binuksan ng dahan dahan ang pinto. Inilibot ko ang mata ko at to my surprise nasa sofa bed sila at magkayakap na natutulog, nakaunan si ate Martha sa braso ni Gab at nakayakap naman sa bewang nya si Gab. Naiiling na lang ako sa dalawang ito, mga pabebe kasi.

Tinapik ko si Gab para gisingin dahil kakain na kami. Mabuti at di ako nahirapan na gisingin sya. She nods and mouthed 'sunod kami' pertaining to ate Martha na tulog na tulog pa rin.

"Oh asan na yung mga pabebe?" Tanong ni ate Pau the moment she saw me.

"Ayun magkayakap, ginising ko na si Gab at susunod na daw sila" I said while walking towards my place beside my love.

"Hay naku talaga ang pabebe" sabi ni ate Pau habang nagcecellphone.

Dahil sabi nila susunod sila, inantay na namin sila. Di naman nagtagal at dumating na sila, holding hands at nagkukulitan.

"Mukhang wala ng gera" Sabi ni Arianne habang patay malisya na nagcecellphone din.

"Finally! Jusko akala ko di pa kayo magkakaayos eh, paguuntugin ko kayo" Sabi ni ate Pau.

"Napakasadista mo talaga couz!" Singit naman ni JJ sabay tago sa likod ko dahil may hawak na tinidor si ate Pau. Kahit kelan parang bata talaga 'tong magpinsan na ito.

Di nagtagal at kumain na kami, gutom na kaming lahat dahil nga sa layo ng byahe.

"Guys ano gusto nyo gawin ngayong araw? We can do island hopping, snorkeling, scuba diving, cliff diving" Tanong ni JJ habang kumakain kami.

"Parang bet ko yang island hopping" sabi ni Arianne at tumango naman silang lahat bilang sagot. Mga busy sa pagkain eh.

"Okay island hopping it is" Sabi ni JJ at tinuloy na yung pagkain nya.

"Ysah bakit tayo magsasasakyan? Sobrang layo ba nung bangka?" Takang tanong ni Martha dahil inaayos namin yung mga dadalhin namin.

"Its a surprise guys" si JJ na yung sumagot, kaya naman tumahimik na lang sila. Actually parang may idea na ako kung san kami pupunta.

After ilang minutes ay hininto na ni JJ yung sasakyan at bumaba na kaming lahat dala yung mga bags namin.

Sinundan lang namin si JJ na nauuna na maglakad, and just like what I thought. Andito kami sa boat house nila, naabutan namin si JJ na kausap yung matandang lalake.

"Oh guys tara dito" Kaya naman nagmadali kaming pumunta sakanya.

"Guys si manong Mario, sya yung maghahatid sa atin sa mga islands, manong mga kaibigan ko po at girlfriend ko" Binati naman namin si manong.

"Naku dalaga na... Este binata na pala ang alaga namin" natatawang sabi ni manong sabay gulo ng buhok ni JJ.

"Manong naman" Angal ni JJ sa paggulo ng buhok nya pero halata naman na di sya naiinis dahil kita ang saya sa mga labi nya.

"Oh tara na mga hija" Aya ni manong at sinundan namin sya.

"Wait" Pagpigil ni Martha sakin sa paglalakad, nahuli tuloy kami. Kunot noo ko naman syang tiningnan.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon