Chapter Thirty Five

175 6 0
                                    

Ysah's POV

I woke up na masama pa rin ang loob ko. I did not bother to check my phone since wala ako sa mood. I did my morning rituals na para di ako mahuli sa training.

Morning with fam is great as usual, quick catch up and me drinking milk. JJ does not want me to drink coffee kasi di daw healthy. Nakasanayan ko na rin na di kumain ng marami sa bahay kasi laging may paalmusal si JJ sa akin.

"Bunso saan plano nyo ni JJ mamaya?" Tanong ni kuya sakin habang kumakain kami.

Plano? Bakit? Ano ba meron? Kami walang plano pero sila ni Julia baka meron. Magsama sila.

"Di ko pa alam kuya eh" simpleng sagot ko sakanya. Sana di mahalata ni kuya na inis ako kay JJ.

"Eh di ba mo-" di ko na sya pinatapos at tumayo na ako at nagpaalam sakanila dahil may narinig na akong busina, hudyat na andyan na sundo ko.

Pero nadismaya ako dahil si Bryan ang nagaantay sa akin at hindi si JJ. Sabagay dapat expected ko na di sya ang maghahatid sa akin. Malamang busy na naman yun kay Julia.

"Good morning ma'am Ysah" masiglang bati sakin ni Bryan at pinagbuksan nya ako ng pinto.

Pagpasok ko may boquet ng rose with card sa upuan ko at may paper bag na may lamang almusal, naiinis pa rin ako.

"Ma'am pinapabigay po ni miss JJ" sabi ni Bryan nung makapasok na sya. Isa na naman sa mga pambawi nya, I thought. I did not bother to read whats inside the card. Tinago ko na lang ito sa bag ko, I smiled at him at nagdrive na sya papuntang school.

"Good morning!" Bati sakin ni Jonas pagkababa ko pa lang ng sasakyan. Parang inaabangan talaga nya ako.

"Oh ang aga mo ha, mamaya pa practice nyo" sabi ko sakanya habang naglalakad at bitbit ang boquet at breakfast ni JJ.

"Magjojogging kasi ako, kaya maaga ako" tumango na lang ako bilang sagot sakanya. Wala talaga ako sa mood.

"Ang aga naman nyang flowers mo" basag nya sa katahimikan namin.

Nginitian ko lang sya ng tipid bilang sagot, pagkatapos nun di na sya nangulit pa at lumabas na ng gym.

"Good morning capt!" Bati sakin ng bawat isang team mate ko na darating, with matching ngiti pa. Mga weirdo talaga.

"Good morning bes!" Masiglang bati ni Arianne sakin nung makarating sya.

"Oh ang aga aga nakasimangot ka, may pabulaklak na at breakfast ganyan ka pa, anong problema?" sita nya sakin habang inaayos nya yung gamit nya.

"Wala, naiinis lang ako kay JJ" tinitigan nya lang ako kaya naman nagpatuloy ako.

"I ditched her kagabi sa dinner kasi may project kaming ginawa ni Jonas di ba?" Tumango naman sya bilang sagot nya.

"So expected ko magegets nya, I'm waiting for her to text me or check up on me kaso wala. Tapos pagbukas ko ng twitter ko ang bubungad sakin yung picture nila ni Julia na kumain sila sa restaurant" halata na sa boses ko ang inis pero tahimik pa rin na nakikinig sa akin si Arianne.

"So pag di ko tinanggap yung dinner ay iba aayain nya? Ganun ba yun ha? Ano ba kami? Girlfriend nya ako diba? Bakit parang hindi, parang magtropa lang kami na pag di ko sya sinamahan may iba syang aayain. Tapos ni-like at nagreply pa sya" pumikit na lang ako sa sobrang inis ko.

"Tinanong mo na ba sya kung bakit? Malay mo may explanation sya, tsaka isa pa di ba big client nila yun, so she has to be friendly to her" depensa ni Arianne kay JJ.

"Kahit pa, ni hindi nga sya nagpaalam sakin. Kung hindi pa nya ni-like yung picture di ko pa makikita" naiiling naman si Arianne sa sagot ko.

"Maaayos nyo rin yan bes, malay mo naman may magandang reason sya kung bakit sila nagdinner" at niyakap nya ako.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon