Chapter Thirty Six

162 5 0
                                    

Ysah's POV

Maaga ako nagising kasi magpapahatid ako kay kuya patungo kela JJ at nilutuan ko sya ng almusal nya, pambawi ko man lang sa nagawa kong kasalanan sakanya.

Nakapagluto na ako at patapos na magayos nung kumatok si kuya.

"Yes kuya?" Tanong ko sakanya pagbukas nya ng pinto ng kwarto ko.

"May bisita ka" nakangiti sya sakin pero nakakunot naman noo ko sa sinabi nya pero tumango na lang din ako. Ang aga pa para sa bisita. Sumilip ako sa bintana ko para makita kung sino yun, pero di ko talaga kilala. Isang white sedan ang nasa tapat ng bahay namin. Wala naman akong kilalang may ari ng white sedan. Itim lahat ng sasakyan ni JJ, si Arianne silver, si Jonas naman red. Di ko na lang inintindi at bumaba na ako.

"Kuya sino yung--JJ?" Nanlaki ang mata ko nung nakita ko si JJ andito, may bitbit na flowers at nakangiti. Pero kahit nakangiti sya kitang kita ko ang pamumugto ng mga mata nya. Paniguradong umiyak s'ya.

Dahil doon parang sinaksak ang puso ko. 'yung taong walang ginawa kung hindi mahalin ako sinasaktan ko. Hindi ko maiwasan isipin kung paano ako biniyayaan ng ganitong kabait na tao.

Di ko alam kung ano dapat reaksyon ko, pero naestatwa na ako sa kinatatayuan ko. Bakit ganun? Bakit sya andito? Ako dapat yung babawi di ba? Ako dapat yung pupunta sakanya.

"B-babe..." tawag nya sakin. Di ko alam pero parang naiiyak ako.

"Hmm..." Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko, para akong napipi. Nawalan ng lakas na magsalita.

"Flowers for you" mahinahon nyang sabi sakin at di ko napansin na malapit na s'ya sa akin.

Ngumiti naman ako at kinuha yung bulaklak na bigay nya. As I was about to say something to her ng biglang sumulpot si kuya at sinabing kakain na kami.

Tumango naman ako at naglakad na kami papuntang dining. Still the gentlewoman she is, pinaghila nya ako ng upuan at saka naupo sa tabi ko.

Nagsimula na kaming kumain, kuya mentioned na ako nagluto ng almusal at sinulyapan ako ni JJ sabay ngiti sa akin. Tipid na ngiti lang ang naisagot ko sakanya. Hindi ko alam pero parang bumalik na naman kami sa ligawan stage, nahihiya ako sakanya.

Lolo would ask JJ about the business at ganun din si kuya and she would answer naman. Sa bawat sagot nya halatang halata na alam na alam na nya ang takbo ng trabaho nya. Napaka professional din nya kung sumagot sa mga tanong nila, para tuloy akong nasa business meeting kung magusap sila.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako na kukunin ko na mga gamit ko at maghahanda na para pumasok.

Ilang sandali lang ay bumaba na rin ako at sakto naman na nasa sala na silang lahat.

"Lo, la, kuya, alis na po kami" paalam nya sa pamilya ko nung nakita nya akong nakababa na.

"Nice catching up with you po" dagdag pa nya at hinarap ako para kunin ang bag ko. Di na ako tumutol, sino ba naman ako para tumutol pa di ba? Ako na nga may kasalanan s'ya pa itong nageeffort ngayon.

"Lets play golf again nila dad mo" habol ni lolo sa amin habang palabas kami.

"Yes po, I'll tell dad po. We better go po, baka malate po si Ysah" paalam nya at tumango naman silang lahat sa amin.

Paglabas namin ng bahay ay pinagbuksan naman nya ako ng pinto ng sasakyan nya bago sya sumakay.

Tahimik ang byahe, walang nagsasalita, wala ring tunog ang radyo nya. Tanging mumunting tunog na galing lamang sa labas ang maririnig.

Paminsan minsan ay sinusulyapan ko s'ya, gustong gusto ko na s'yang yakapin at halikan. Pero di ko alam parang bigla akong natakot sa kung anong sasabihin n'ya sa akin. Baka magaway kami. Kaya minabuti ko na lang na di na lang magsalita at tumingin na lang ako sa bintana.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon