Chapter Thirty Seven

170 5 0
                                    

Ysah's POV

The school year was over. Natalo kami last season, and it feels like kasalanan ko. Pero kahit talo kami di kami malungkot, parang mas naging motivated kami na makuha ang championship next season at syempre we will come back stronger. Lalo na at last year na namin ni Arianne sa team. We still celebrate after the championship game. Sabi nga nila its all in the mind. Kahit talo ka kung alam mo naman na binigay mo best mo you should still be thankful for that.

Summer was not great, since incoming fourth year na we have to do OJT na, OJT means less vacation. Less vacation means less time for my family and JJ, pero still they are as supportive as they can be.

Summer pa lang kinuha ko na yung OJT para di na s'ya dumagdag sa sched ko sa pasukan at para makapagtraining ako ng walang ibang iniintindi kundi yung subjects ko. Kaya eto summer pero nakaOJT ako, yung ibang classmates ko sa pasukan na sila kukuha ng OJT.

Buti na lang at kasama ko sa OJT ko si Jonas, at least may kaibigan na ako agad at makakasama. Si Arianne sa ibang company nakapagOJT, sad pero ayos lang naman.

JJ was busy as hell dahil may bagong project na naman sila, condominium naman ang itatayo nila after ng on going project nila ngayon and the client is still JT Group of companies, pagaari ni Julia Tolentino. Hindi naman na ako nagseselos sakanya, well there are times lalo na sa mga lumalabas sa news. Since big company sila may mga event na kasama si JJ at magkasama sila. They were even asked kung they are together but they already clarified na aside from business ay friends lang sila. Di ko naman masisi si JJ dahil nga big client nila ito at she always assures me na wala dapat ikaselos dahil pure business lang ang meron sakanila ni Julia.

"Huy tulala ka na naman dyan" sita sakin ni Ethan. Kasamahan namin sa OJT pero different school s'ya.

"Huh? Wala wala" nailing na lang s'ya bago sumagot.

"Hinahanap ka na ni miss Gomez, yung pinapaphotocopy n'ya daw at yung reports for this week kailangan na n'ya" tumango naman ako bilang sagot sakanya at inayos na yung mga bagay na hinahanap sakin ni miss Gomez.

"Ysah tara meryenda tayo" aya ni Jonas sa akin.

"Naku mamaya na, I have to go to miss Gomez at kailangan ko na ibigay sakanya itong papers" tumango naman si Jonas at di na n'ya ako ginulo.

Mabuti na lang at andyan s'ya, laging nagpapaalala na kumain. Madalas kasi nakakaligtaan ko na, halos isang buwan na kami dito sa company na pinapasukan namin at masasabi ko na medyo gamay ko na ang gawain sa araw araw at nababalanse ko na yung oras ko, pero still nakakalimot pa rin akong kumain dahil ayaw ko na may naiiwan akong gagawin.

"Uy lunch na, napakasipag mo naman" sita ni Ethan sakin na nakatayo sa tabi ng lamesa ko.

"Mauna ka na, kailangan ko pang tapusin ito at ayaw ko naman na matambakan ako ng gawain" sagot ko sakanya ng hindi s'ya tinitingnan, nakatutok lang ako sa computer ko.

"Alam mo, tatanda ka ng maaga sa kakatrabaho mo" natatawang sabi n'ya sa akin. Di ako sumagot at tuloy lang sa pagtipa ng keyboard ko.

"Jonas tara lunch na tayo"

"Naku pre mamaya na antayin ko na lang matapos si Ysah para may kasabay s'ya kumain" sagot ni Jonas na s'ya namang kinatawa ni Ethan.

"Hay naku kayo talagang magjowa kayo" asar sa amin ni Ethan na s'yang nakapagpalingon sa akin at tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Wag kang issue pare, isa pa taken na yan" sabi ni Jonas sabay akbay kay Ethan at tingin sakin.

"Akalain mo nga naman, may jowa na pala itong si Ysah, akala ko trabaho n'ya yung aasawahin n'ya eh" natatawang sabi ni Ethan, naiiling na lang ako sa kalokohan ng dalawang ito.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon