Chapter Thirty One

184 7 0
                                    

JJ's POV

Its almost two months na nung nagdinner kami sa isa sa hotel na tinayo ng firm namin. Buti na lang at nakapagpareserve ako at napahanda ko ayon sa gusto ko ang penthouse nila.

Patapos na rin yung crucial part ng project ko at nang hingi ako kay dad kung pwedeng wag muna field work ang gawin ko at pumayag naman sya. Kaya eto maluwag ang schedule ko. Pero I still see to it na nagvivisit ako sa site to make sure na ayos lahat.

I thought magiging okay na yung time namin ni Ysah, but I was wrong. She is graduating na rin so all the load is on her shoulder, from acads to the team.

Andito ako ngayon sa office ko doing the presentation for our project, magpepresent kasi kami ng progress ng project this Friday. Si Pau ayun nagpaiwan sa site, sya daw muna titingin doon habang andito ako. If I know ayaw nya lang ng numbers. Hahaha!

Kakarating ko lang dito sa office pero gusto ko na umuwi at puntahan si Ysah. Namimiss ko na sya.

Tawagan ko nga.

Calling Babe ♥️...

"Hello" boses ng lalake.

"Uhm sino ito? Asan si Ysah?" Fuck! Pinapainit talaga netong lalake na 'to ulo ko.

"Akin na nga yan Jonas ano ba!" Tangina andun na naman yung Jonas na yun. When I heard Ysah, I felt relieved somehow.

"Hello babe?" She ask, I composed myself ayaw ko marinig ni Ysah ang inis na nararamdaman ko. Bakit kasi si Jonas yung sumagot ng tawag ko.

"Hi babe" napapikit na lang ako sa pagsagot, sana di nya mahalata sa boses ko na naiinis ako.

"Sorry po ah, si Jonas kasi hilig makialam ng phone. Anyway kamusta po? Nasa office ka na?" Fuck! That guy is really getting into my nerves! Gather yourself together JJ.

"Ayos lang, yeah andito na ako sa office tambak ang works pero ayos lang" cold ko pa ring sagot sakanya. Sana talaga di nya mahalata.

"Nagbreakfast ka ba? Wag kang papagutom ha" lambing nya sa akin

Jonas can you stop! Please?

Rinig ko sa background. Tangina ano ba ginagawa nun?!

"Yeah tapos na, ikaw kumain ka na din ha" shit! I sounded odd. Sana di nya nahalata.

"Babe I need to go kailangan ako sa meeting room. Bye, I love you" binaba ko na agad yung tawag. I made an excuse, tangina! Ewan ko ba! May tiwala ako kay Ysah but on that Jonas, babalatan ko ng buhay yun.

From: Babe ♥️

I miss you! Busy ka na naman. See you soon, please?

Di na ako nagreply at ginawa ko na yung mga report na I need to present sa client by Friday.

Almost lunch na at biglang pumasok ang secretary ko.

"Miss Klein, miss Tolentino is looking for you" sabi nya sakin, nagtataka man ako ay sinabi ko na papasukin na nya.

"Good afternoon miss Tolentino, have a seat please, what can I do for you?" Pormal kong tanong sakanya.

"Drop that 'Miss Tolentino' just call me Julia" she said at ngumiti.

"Okay Julia, ano mapaglikingkod ko sayo?" I ask her again.

"Ang ganda pala ng office mo, sino interior designer mo?" Tanong nya agad sakin.

"One of my employees, actually she is part of my team, yung interior designer din ng building nyo. I can assure you your interiors are in good hands" she nods

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon