Chapter Eleven

318 13 1
                                    

Ysah's POV

Sunday at family day namin. Were going to the church before 10am pero 7:30am na nakahiga pa rin ako. Napuyat ako kakaisip kagabi, maybe makakakuha ko ng sagot ngayon. Hopefully. Ang hirap kasi, di ko maintindihan pati sarili ko.

I looked for my phone sa bed side table ko at nakita ko na may mga notifs ako at may nagDM sakin sa Twitter.

When I checked it, it was JJ. Nakaramdam naman ako ng excitement at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

DM

06:25am
JJ: Good morning idol, free ka ba later?

06:37am
JJ: I just want to invite you sana for a coffee? I mean starbucks sana.

06:58am
JJ: If pwede lang naman 😊

Is she asking me for a date? Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. What should I reply? I don't know if may lakad kami nila kuya later, but I want to see her. Gusto ko sya makasama. I know its weird pero maisip ko lang na makikita ko sya at makakasama ay parang lumulundag sa excitement ang puso ko. Magpapaalam ako kay kuya, baka naman wala kaming lakad at payagan nya ako.

I went to the CR and do my morning rituals. After that bumaba na ako at naabutan ko sila na nagaalmusal na.

"Good morning" bati ko sakanila at bumeso kay lolo, lola, at kuya.

"Tinanghali ka ata ng gising ngayon" puna sa akin ni kuya habang paupo ako sa usual spot ko sa dining table namin. Since andito na sila lolo, si lolo na ang nasa gitna at si lola ang nasa kanan nya at kami naman ni kuya ang nasa kaliwa.

"Nagadvance study lang ako kuya, alam mo naman dapat mameet pa rin ang grades namin, tsaka malapit na ang interschool games namin" pagpapalusot ko, hindi naman talaga ako nagaral, nagisip ako ng tungkol kay JJ at sa nararamdaman ko sakanya, tumango naman si kuya bilang sagot at kumuha na ako ng almusal ko.

"Ah kuya may lakad ba tayo mamayang hapon?" I asked at napatingin naman silang lahat sa akin.

"Wala naman" tipid na sagot ni kuya.

O yun wala naman pala Ysah, go ask for permission. I took all my strengths para makapagpaalam kay kuya.

"C-can I go out l-later?" Shit! Nautal ako. Tiningnan naman ako nila lolo at lola tapos tiningnan nila si kuya.

Then there's silence, di na ako nagsalita ulit at tinuloy ko na lang ang pagkain ko. Bigla akong nalungkot, di ko makikita si JJ.

"San ka pupunta?" basag ni kuya sa katahimikan. Sila lolo at lola naman tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Sa starbucks lang" tipid na sagot ko, habang patuloy na kumakain.

"Sino kasama mo?" dagdag pa ni kuya.

Di naman ako nakasagot agad. Sasabihin ko ba na si JJ ang kasama ko? Papayagan kaya nya ako? O magsinungaling na lang ako na si Arianne ang kasama ko at sabihan ko na lang sya na wag ako ilaglag. Kaso magtatanong yun, tsaka baka sabihin ni kuya na dito na lang kami sa bahay since namimiss na nga rin sya nila lolo at lola. Hassel! Ang hirap naman ng ganito. Isa pa ayaw ko naman magsinungaling sakanila. Bahala na nga.

"S-si JJ k-kuya" kinakabahan pa rin ako.

Tumahimik na naman kami. Tanging tunog ng kubyertos namin na tumatama sa plato at nagtatama sa isat-isa ang maririnig mo.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko, mukhang malabo na payagan ako ni kuya. Di ako makatingin sakanila, nakayuko lang ako.

"Sige, anong oras ka nya susunduin? Magkikita lang ba kayo? Hatid na kita" sunod sunod na sabi ni kuya, para naman akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib sa sinabi ni kuya.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon