Its been months since the last time they talked, naka unblock na rin si JJ sa mga socmeds ni Ysah. But still hindi pa rin sila naguusap. Ysah always watch business channel lalo na pag nafe-feature si JJ at company nila. She also save copies of articles na featured si JJ. At piniprint pa n'ya, sa newspaper article naman ginugupit n'ya at itinatabi. She did save almost everything about JJ. She has this box full of articles about her. May magazine pa s'ya na pina-frame. Yung magazine na cover mismo si JJ. She is so proud of her.
In a span of months ang laki na ng company nila JJ at sikat na sikat ang firm nila dito sa Pinas. They even have plans to expand their business sa Calofornia.
Ysah was back to herself. She did get the crown and bag the MVP. Wala s'yang kaalam alam na nanonood si JJ sa championship games n'ya. JJ always make sure na makaattend s'ya ng last games ni Ysah. And when they won the championship she is beyond proud.
Arianne never failed to update JJ, s'ya ang nagiging mata ni JJ kay Ysah.
Ysah was the summa cum laude of her batch.
Ysah's POV
Graduation day
I'm still here sa kwarto ko, wearing my dress na padala lang sa akin ni ate Pau. It was her graduation gift daw at isuot ko daw ito, she will attend my graduation din daw.
It was a maxi dress na color power blue na terno sa sapatos na binili namin ni Arianne nung nakaraan para dito.
"Come in" sigaw ko habang nagaayos pa ng buhok.
"Hindi ka pa tapos? Baka malate tayo?" Kuya Enzo said.
"Almost done na kuya" I said habang tinitingnan muli ang mukha ko sa salamin.
"I'm so proud of you bunso" he said while looking at me through my reflection sa mirror.
"Thank you kuya, do you think mom and dad are proud too?" He nods and open his arms wide signaling me to hug him. So I did.
"I'll wait outside, finish up" he said at lumabas na ng kwarto ko.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Maybe because of my speech later? Ewan ko, or kasi graduation na at totoong mundo na ang kakaharapin ko? I shook my head at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Kaya mo yan, 'wag kang kabahan
Pagbaba ko, nakahanda na silang lahat, kuya, ate bernadette, lolo, at lola.
Bumeso ako kay ate Bernadette pati sa lolo at lola ko.
Habang nasa byahe kami ay panay ang vibrate ng phone ko, punong puno ng messages.
Greetings from different persons.
Pero nalungkot ako.
Yung taong inaasahan kong babati man lang sa akin ay wala. Kahit simpleng congratulations lang. Wala.
Tinago ko na yung phone ko at binasa yung speech ko para mamaya.
"Kinakabahan ka?" Si kuya.
"Normal lang naman kabahan di ba?" Tanong ko sakanya at nginitian lang ako sa rear view mirror. Si ate Bernadette kasi yung nasa shotgun seat, kaya nasa back seat ako with my grandparents.
Few more minutes ay nakarating na kami sa venue ng graduation. Napakaraming tao, mga graduates, mga parents at relatives ng graduates.
"Bes!"
"Bes! Congrats sa atin!" Bati ko kay Arianne.
Nagmano naman s'ya kay lolo at lola. Bumeso din kay kuya at ate Bernadette.
BINABASA MO ANG
Loving A Student-Athlete
Teen FictionYsah is a rookie volleyball player at their school, and JJ is a graduating student that will fall inlove with her. Can their love keep burning? Pano pagsasabay sabayin ang student life, athlete life at love life? Just pure imagination. Started: July...