Chapter Thirty Four

172 6 1
                                    

Ysah's POV

"Bes tara lunch, stress ako sa surprise quiz" sabi ko sakanya habang palabas kami ng room namin.

"Ah bes sorry di kita masasamahan ngayon, may lunch kasi kami ni Hannah" sabi nya ng hindi nakatingin sakin at busy sa pagtipa sa cellphone nya.

"Sama na lang kita, okay lang sa'yo?" Dagdag pa nya habang di pa rin nakatingin sa akin.

"Naku wag na, magthirdwheel pa ako sa inyo" natatawang sabi ko sakanya.

"Tara na, parang di ako nagthirdwheel sa inyo ni JJ dati ah" pagpupumilit nya sa akin.

"Di ka nagthirdwheel sa amin. Lagi nating kasama si ate Pau nun, wag ka nga!" Natatawa kong sagot sakanya.

"Dali na kasi sama ka na" pagpupumilit nya, sasagot na sana ako nung biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Hi Ysah, lunch tayo?" Si Jonas, well totoo mga sinabi nya sa akin the last time na nagusap kami. Hindi na nya pinipilit ang sarili nya sakin at naging kaibigan ko na talaga sya. But still sweet pa rin pero walang malisya.

"Uy Jonas! Sakto gutom na ako. Si Arianne kasi may lunch date" panlalaglag ko kay Arianne na syang sama naman ng tingin nya sa akin.

"Sige na bes baka malate ka sa date nyo ni Hannah, ingat!" Sabi ko sakanya at niyakap sya.

"Gonzalez siguraduhin mong healthy ang kakainin nyang si Ysah kundi patay ka sakin" pagbabanta pa ni Arianne, kaya naman natawa na lang si Jonas sa sinabi nya.

"Oo naman, ako pa ba?" Sagot nya kay Arianne at hinatid namin sya sa kotse nya since on the way naman ang cafeteria.

"Tara na? Ako na magbuhat ng books mo" wala na akong nagawa kasi naagaw na nya sakin yung mga dala ko.

"Hay naku ka, sige na. Gusto ko ng salad ngayon at pasta" sabi ko sakanya habang naglalakad kami.

Pagdating namin sa cafeteria ay pinaupo nya muna ako at sya na daw oorder ng pagkain namin. Sakto naman pagalis nya tumawag si JJ.

"Hello babe!" Masigla kong bati sakanya. Sobrang busy nya na lunch na lang talaga ang time namin na magusap. Kaya as much as possible ay bibilisan kong kumain para makapagusap kami or maguusap muna kami bago ako kumain.

"Hi babe, kumain ka na?" Halata sa boses nya na pagod na sya. Kawawa naman ang babe ko. Dami kasing revisions ang pinapagawa. Tsk!

"Kakain pa lang, kasama ko si Jonas. Wala si Arianne eh, may date kasama si Hannah. Alam mo na" sabi ko sakanya na natatawa pa. Nasabi ko na rin sakanya yung usapan namin ni Jonas at she is cool about it naman daw.

"Baka unhealthy kinakain mo ha, bubugbugin ko yang si Jonas" tumawa naman ako sa sinabi nya. Masyadong protective.

"Don't worry babe, nagbilin na si Arianne at sure ako na susundin nya yun. Pasta at salad lang naman gusto kong kainin ngayon" sakto naman na dumating na si Jonas dala ang pagkain namin. I mouthed 'JJ' at alam na nya yun. Inayos naman ni Jonas yung pagkain kaya nagthank you ako sakanya.

"Okay okay, basta don't eat unhealthy foods ha" tumango ako kahit di naman nya nakikita.

"By the way babe lets get some dinner tomorrow, I'll pick you up" masiglang aya nya sakin.

"Ah ano kasi babe nagpapasama kasi sakin si Jonas na bumili ng gift for his moms birthday" malungkot kong sabi sakanya.

"Ganun ba? Sunduin na lang kita after nyo magmall, then lets have dinner ng mabilis lang, I miss you so much na eh" She said, as much as I want to alam kong pagod sya sa work nya at nasa field sya this week. Ayaw ko naman na mapagod sya ng sobra.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon