Maagang nawalan ng ina si Aliya kung kaya't ang ama lamang nya ang mag isang nagpalaki sa kanya sa tulong ng kanilang matagal nang kasambahay na si Aling Martah.
Mabait, matalino at masunuring bata si Aliya kahit pa kulang ito sa pagkalinga ng isang ina dahil lahat ng iyon ay pinunan ng kanyang ama. Lahat ng gusto mapamateryal man na bagay o hindi ay nakukuha nya dahil isa ang kanyang ama sa pinamayaman na negosyante sa Maynila.
Ngunit, lahat ng iyon ay nagbago mula ng mag asawa ulit ang kanyang ama. Nagsimula syang magrebelde at gumawa ng mga bagay na tipikal na gngawa ng mga kabataan sa henerasyon ngayon, ika nga sabi nila clubbing, shopping at iba pa.
Sa kabila ng pagiging pakawala nya, ay ang labis naman na pag iingat ng kanyang ama sa kaniyang personalidad dahil sya ang nakatakdang taga pag mana ng kanilang kompanya sa buong Pilipinas.
ALIYA'S POV
*Phone ringing*
"Aliya where are you na ba naghihintay ako sa labas ng street ninyo?"
Tanong ni Sam.
"Wait lang okay? Nasa labas si Dad baka makita ako!"
Narinig kong napahinga nalang ng malalim si Sam.
Eh pano ba naman, manonood kami ng car racing ngayon at kailangang kailangan kong pumunta. Pumusta ako ng malaki sa boyfriend ni Sam.
At si Dad saktong nasa labas ng bahay. Bakit ba kasi dyan pa sya tumambay.
Nakadungaw ako ngayon sa bintana ko at hinihintay umalis sya.
At boom yun na nga napatayo na sya at papasok na nang bahay, dali dali kong kinuha ang bag ko at sumakba sa bintana ko at tumalon pababa. Hindi naman gaano kataas at may mga bakal naman akong hinahawakan para di mahulog at mapilayan, ano ako shunga? Duuhhh.
Dahil nakasara na ang gate, nag over the bakod ako. Medyo umingay yung gate dahil sa pag akyat ko bigla naman akong nanigas nung maaninag ko ang anino papalabas ng pinto. Dali dali akong tumalon ng makitang si Dad iyon.
Whew! Muntik na ako doon.
"Aliya sakay"
Nanlaki ang mata ko ng makita si Sam, baliw ba sya sa harap pa mismo ng bahay ko?
Dali dali akong sumakay at pagkaupo ko binatukan ko sya.
"Are you crazy? Sa harap talaga ng bahay ko?" Inis kong sabi sa kanya at natawa lang sya.
"Ang tagal mo kasi magsisimula na sila"
Omg.
"Edi bilisan na natin" sabi ko
"Sabi mo eh" ngumiti muna sya saka binilisan ang pagmamaneho napahawak naman ako sa upuan ko talagang sineryoso nya ang sinabi ko.
_
"We're here! Baba na" masayang sabi ni Sam pero ako na istatwa.Nanigas buong katawan ko kanina lang nasa harap kami ng bahay tapos in just a blink of an eye andito n kami.
Kumurap kurap muna ako saka bumaba ng sasakyan.
"Wow Sam that was...fast" tugon ko
"Para saan pa't nag boyfriend ako ng racer" sabay kindat at akbay sakin papunta sa place.
Naghihiyawan ang mga taong nandito at halatang magsisimula na nga dahil ang iingay na ng Kotse.
Nakita ko ang boyfriend ni Sam at lumapit sya samin, bago pa sya bigyan ng goodluck kiss ng haliparot kong bff inunahan ko nang hilahin si Liam at binulungan.
"Ayusin mo Liam ha isang taong pang allowance ko nakataya dito" sabi ko sabay tingin ng matalim sakanya.
Napangiti naman sya.
"Trust me Aliya, pero pwede mo namang bawasan ang pusta mo baka patayin ka ng daddy mo" tumawa naman sila sabay ni Sam.
No way! Desidido na ako. Kailangan kong madoble ang pera ko. Papatayin nga ako ni daddy pero heto na to icareer ko na.
Kinurot ko naman si Liam. "Kaya nga ayusin mo"
"Liam magistart na" tawag ng lalaking nakahawak ng flag na black and white na squares.
At nagsimula na nga.
Fingers crossed, yung dibdib ko sasabog na. Magkahawak kmi ngayong ng kamay ni Sam.
"Ano ba kasing gagawin mo sa pera ang o.a ng pusta mo ah!" Tanong nya.
Napakunot nalng ako ng noo at tiningnan sya.
"Wag kana lang maingay at ipagdasal mo na manalo ang jowa mo" kabado kong sabi.
Ilang minuto na ang nakalipas, sobrang ingay nang mga nagchicheer ngayon dito.
Nakikita ko na ang mga kotse papalapit sa finish line. Lumiwanag naman ang muka ko nang makita ang sasakyan ni Liam na nangunguna.
"Oh my God Aliya mananalo si Liam balatuhan mo ako ah" nagsasasyaw na sa tuwa si Sam pero ako focus parin wag naman sana sya maflatan.
*boom*
May narinig kaming sumabog at sumiwit. Hinanap ko ang tunog na yun and....
Nakita ko ang sasakyan ni Liam nag paikot ikot sa gitna dahilan para maunahan sya ng ibang sasakyan.
"Shit"
Oh no! Hindi pwede to.
May nanalo na.
At hindi si Liam yun.
Paano na?
"Naflatan si Liam!" sigaw ng barkada nya agad sila tumakbo papunta sa sasakyan ni Liam at hinila din ako ni Sam papunta doon, tulala.
Nkita ko si Liam inis na inis ang mukha at tiningnan ako dahilan para mapapalo sya sa manibela ng malakas. Agad naman lumapit si Sam.
"Babe it's okay bumaba kana" Nag aalalang sabi ni Sam.
___
Nandito kami ngayon sa parking lot.
Magkakaharap kami ngayong tatlo nakatayo sina Liam ako at si Sam.
"Sorry Aliya, hindi ko ineexpect yun" Disappointed na sabi ni Liam.
"It's okay Liam wala na tayong magagawa, nakita naman namin yung effort mo" Sabi ko nalang. Totoo naman eh, kitang kita na namin na sya yung nangunguna at lahat naman kmi di makapaniwala sa nangyari.
"Pano na yung allowance mo?" Sabi nya
Shit oo nga pala, mamumulubi ako ng isang taon. It's not like wala na akong iba pang savings kaya lang hindi sapat yun for one year.
"Okay lang yun ang mahalaga walang nangyaring masama sayo" Ngumiti nalang ako kahit nalulungkot ako.
Hinug naman ako ni Sam.
"Sorry and Thank you Ali kala ko magiging monster ka knina"
Tumawa naman ako ng konti.
"Ano ka ba bakit ko naman gagawin yun. Magaling si Liam pero yung gulong nya hindi" Biniro ko nalang sila at inirapan si Liam na kunware galit ako.
Patay ako ni Daddy neto.
"Ihahatid kana namin" Sabi nila.
Nasa harap na kmi ng gate 3:00 am na ng umaga at may pasok pa kmi ng 8am bukas.
Umakyat na ako sa gate. Super confident ako kasi master na master ko na to eh, kung di lang namin to bahay mapapagkamalan na akong magnanakaw neto.
Success naman ang pag akyat ko. Nasa taas na ako ngayon at pababa na papasok sa loob namin.
"Ehem"
Wait.
Dahan dahan kong hinanap ang ubong yun.
Pagtingin ko nanlaki ang mga mata ko.
"I'm dead"
"You are" naka crossed arms si Dad at nakatingin sakin sa taas.
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...