Chapter 16

2.6K 38 0
                                    

Maayos at maingat kaming nakabalik ng Manila kasama si Dad at si Yaya. Pagdating ko sa bahay nagkulong muna ako sa kwarto ko, pano ba naman nandito rin ang anak ng asawa ni Daddy wala ako sa mood makipagusap sakanya nakakairita lang msyado ang presensya nya.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinext si Gabriel siguro naman marunong syang magcellphone diba? Hayyy

Ako: kararating palang namin Mahal miss na agad kita :(

Ilang minuto rin ako naghintay ng reply nya at nagmadali akong basahin ito.

Sya: Miss na din kita Mahal..

Napangiti nalang ako sa text nya, umidlip na rin ako kahit sandali dahil papasok ako ngayon.




"Sure ka papabol mo yan?" Nagtatakang tanong ni Sam saakin. Nagkita kami sa cafe malapit sa school namin bago pumasok. Pinakita ko sakanya ang picture namin ni Gabriel bago ako umalis kaso medyo madilim dahil gabi namin kinuha yung picture pero kahit ganun ang pogi parin nya hihi.

"Oo nga!" Sabi ko tapos nagtititili sya sa kilig at pinaghahampas ako natawa nlang ako sakanya.. "Omg ang pogi naman nakajockpot ka girl!" Sabi pa nya. "I know right" pagmamayabang ko. Naku kahit naman sinong babae ang makakita sakanya talagang mapopogian. Nasa kanya na kaya ang lahat hihi.

"Sya ba yung papabol na napagkamalan mong beki?" Tanong nya at tumango naman ako pinaghahampas nya ulit ako gaga tong babaeng to ah haha. "Kahit naman beki yan papatulan ko parin yan kyaaahhh" binatukan ko naman sya. "Akin lang yan wag kanang makisawsaw" hahaha.

Tapos biglang tumawag si Gabriel tapos pinakita ko kay Sam at binelatan sya inirapan nya lang ako.  "Mahal?Eww" nabasa nya kasi yung pangalan sa phone ko haha nandiri bigla.

"Hello Mahal?" Sabi ko.
"Ah oo maayos naman"
"May pasok ako ngayon kasama ko si Sam"
"Hindi naman ako pagod"
"Opo nagalmusal po ako ng mabuti"
"Sige mahal miss na din kita"

Tapos binaba ko na ang tawag habang ang ngiti ko hanggang tenga at tiningnan lang ako ni Sam ng nakataas ang kilay pero pinaghahampas nya ulit ako, nakakarami na sya ah.

"Parang ang sweet ng jowa mo kyaahhh ang swerte mo" sabi nya. "Bakit hindi ba sweet si Liam?" Pagbibiro ko at nagpout naman sya. "Naku baka masuka yun pag ganyan kami magusap sa phone tulad nyo" tinawanan ko lang sya, Well.... wala tayong magagawa dyan hahahaha

Super inspired ako mag aral ngayon at kahit tatlong buwan ako nawala, hinabol ko agad ang mga namissed kong lessons at hindi naman ako nahirapan dahil na rin sa tulong ni Sam. Habang nag aaral ako hindi ko maiwasang mapangiting mag isa para akong loka loka ganito ba talaga ang epekto saakin ni Gabriel? Hayyy


A/n: So next chapter palang magsisimula ang POV ni Gabriel. Sinadya ko talagang patagalin yung POV nya. Enjoy

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon