"Aliya" sino ba tong nangigising eh antok na antok pa nga ako "Aliya gising na" niyuyugna yung katawan ko at pinagsasasapak na yung mukha ko, langya sino ba to. Sa sobrang inis ko napaupo ako bigla.... "Ano ba!- " shit si Lola pala
Tiningnan ako ni Lola ng nakakalokong tingin yun bang parang pinupush nya ako na magkwento.
"Lola bakit po?" Tanong ko.
"May bisita ka" Sabi ni Lola
Napangiti naman ako, Gabriel ano ba yan ang aga aga mo naman akong mamiss. Dahil dun dali dali ako naligo at nagpaganda. I'm coming my love!
Lumabas na ako, inaayos ko yung damit ko dahil ang suot ko ngayon eh yung karaniwang sinusuot ng mga trabahador na babae doon sa hycienda. Baka kasi maturn off si Gabriel pagnkita nyang nakashorts na naman ako.
Paglabas ko sa sala nkita ko ang isang lalaking nakatalikod. Nakadamit ng maayos at magara, sobrang porma. Imposible namang si Gabriel to.
Napansin siguro nung lalake na nasa likod ako kaya humarap sya.
"Daniel?"
Si Daniel, ang stepbrother ko. Sya yung tinutukoy ko na galing U.S na doon na titira sa bahay pero bakit sya nandito ngayon?
"Don't you miss me Ali?" Lumapit sya at niyakap ako, agad naman akong kumalas sa pagkakayakap nya. Di ba sya nandidiri sa sinabi nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong.
"I'm here to check on you, inutusan ako ni Tito Eduardo but don't worry hindi naman ako magtatagal aalis din ako maya maya" hayyyyy mabuti naman. Teka check on me? Bakit naman kailangan ni dad ipagawa yun?
Maya maya pa dumating na si Gabriel para sunduin ako papuntang sakahan. Bigla ata sya nagtaka kung sino yung lalaking kasama ko. Tiningnan naman sya ni Daniel mula ulo hanggang paa dahilan para mapayuko si Gabriel.
"Mam Aliya tara na po sa sakahan" sabi nya sabay talikod. "T-teka lang sabay na tayo" sabi ko tapos hinabol sya.
"Looks like na aaraw arawin ko ang pagbibisita sayo dito Ali, mukang msyado mong naeenjoy ang stay mo dito. Hayaan mo hindi to makakarating kay Tito Eduardo" pahabol nyang sabi. Alam kong narinig ni Gabriel yung sinabi nya. Pero di ko alam bigla akong kinabahan.
Naglalakad na kami ngayon ni Gabriel medyo malayo na kmi sa bahay kaya binagalan na nya ang paglalakad nya kaya ngayon pantay at sabay na kming maglakad, hindi ko namang maiwasan mapangiti.
"Sino yun?" Tanong nya. Iee curiuos baka jelous? Hihi
"Si Daniel stepbrother ko" napahinga naman ng malalim si Gabriel.
"Akala ko Nobyo mo" pagbibiro nya. Kinurot ko sya dahil sa sinabi nya ano akala nya sakin two timer? Nagflashback tuloy sakin yung mga nangyari kagabi.
"Diba ikaw yung Nobyo ko?" Naramdaman ko namang napangiti sya, wait kinilig ba sya?
"Halika nga dito" hinila nya ako papalapit sakanya at inakbayan nya ako.
Dug.dug.dug.dug
"Akin ka lang ha" sa sinabi nyang yun nanigas bigla ang buong katawan ko, hindi ako sanayyyyyyyy bat ba ganyan syaaaa!!!! Kinikilig ako ehhhh.
Wait dapat may pangbawi din ako sa sinabi nya...
"Opo Sayo lang ako" nginitian nya ako tapos pinulupot ko yung kamay ko sa waist nya habang sya nakaakbay sakin at ang isa nyang kamay nasa bulsa tapos naglakad na ulit kami. Naramdaman ko yung abs nya hihi yun talaga ang plano ko.
Habang naglalakad kmi ng nakaganun, napabitaw kami bigla sa isat isa dahil nakasalubong namin si Danilo ngunit huli na dahil habang papalapit sya kitang kita namin yung ngiti nya na para bang mapupunit na yung mukha nya, yan ba yung tinatawag na nakakaasar na ngiti? Kasi effective eh, naasar ako eh.
"Naku Kuya Gabriel di mo naman sinabi clingy ka pala" panunukso nya kay Gabriel, natawa at kinilig naman ako sa sinabi nya.
Binatukan naman sya ng mahina ni Gabriel at napapout at napakamot si Danilo sa batok nya. "Aray ko ah porket nakapilipit sayo ang kamay ni Mam Aliya ginaganyan mo nalang ako" aba itong batang to, tiningnan ko naman si Gabriel na pinanlakihan ng mata si Danilo dahilan para di na umimik.
"Ang kulit nyong dalawa" natatawa ako sakanila, lagi silang nag aasaran pero halatang super close nila sa isat'isa. Nacucurious lang ako kung pano sila nagkakilala at kung pano sila napadpad dito sa hycienda namin.
"Tara na nga iwan na natin yan si Danilo" tapos hinila ni Gabriel yung wrist ko saka naglakad narinig naman namin si Danilo na sinabing "Gusto mo lang masolo si Mam Aliya" tumawa nalang ako pero napasmirk naman si Gabriel. Ayieee
"Teka lang Gabriel matagal ka na ba dito sa amin?" Bigla kong tanong, napalingon naman sya sakin at tumango "Oo mahal ko, katorse palang ako nung mapunta dito sa hycienda bale 7 taon na ako dito" sagot nya. Ahh so 21 years old talaga sya kala ko 25 d-joke pero wait-- 'Mahal ko'? Totoo ba yung narinig ko? Yan na ba yung endearment namin? Yyiiieeeee
"M-mahal ko?" Tanong ko habang tinatago ang kilig. Napatigil naman sya sa paglakad tapos humarap sakin "Bakit ayaw mo bang tawagin kitang Mahal?" Umiling naman ako tapos napangiti sya. "Mabuti naman, tara na?" tapos hinalikan nya kamay ko.
Di ko alam na may ganung side pala siya. Di ko akalain na minsan ko syang napagkamalang bakla. Omo my heart otuke?
Natatawa at naaawa ako sa sarili ko habang nagtatanim ng palay, always lumulubog yung mga paa ko dahil sa sobrang lambot ng lupa dahilan para mapatili ako pag nangyayari yun napapalingon ako kay Gabriel tapos lagi ko syang nahuhuling natatawa kaya pinandidilatan ko ng mata. Di naman si Gabriel yung nagtuturo saakin kundi yung Mamang matanda na ewan ko kung sino samantalang si Gabriel nagtatanim rin. Gusto ko ng umiyak dahil ang init pero di ko pinapahalata dahil baka maartehan sila sakin. "Mam Aliya kaya pa ho ba?" Tanong nung matanda nginitian ko sya at tumango kahit di naman talaga. Ang sakit kaya sa likod!
Tiningnan ko naman si Gabriel na super focus pero tapos na ata sya kasi paalis na sya sa tinataniman nya habang naglalakad sya hinuhubad nya yung damit nya at pinupunasan ng towel yung buong katawan nya, napanganga nalang ako kasi kahit nakatalikod bakas bakas parin yung muscle nya, gusto ko sana syang twagin para humarap sya at makita ko kung ilan ang abs nya! Kyaahhh ene be yen pinagnanasaan ko ang aking love of my life!
"Mam Aliya ayus lang ho ba kayo? Gusto nyo po bang magpahinga muna?" Tanong sakin. "Pwede po ba?" At tumango naman sila. Sa wakas!
Habang naglalakad ako paalis sa malambot na lupang to, pagewang gewang yung katawan ko dahil ang hirap ibalance ng katawan ko. Kada lubog ng paa ko isang tili kaya napapatingin yung mga trabahador saakin. Naiinis ako kasi di man lang ako alalayan ni Gabriel. Hmm. Mas lalong lumakas ang tili ko ng mastock ang paa ko sa lupa dahilan para maiyak ako ng malakas, yung fake lang naman na iyak yung walang luha "YUNG PAA KOOOOOO HUHUHU TULONG." Tapos nagtakbuhan sakin yung mga trabahador na lalaki pero ang bagal nila dahil sa putik.
"Ayyy!" Nagulat ako ng biglang pumunta sa kinatatayuan ko si Gabriel at binuhat ako bridal style. "Bakit di kasi ako tawagin? Pinipilit mong kayanin di mo naman kaya" malumanay yung boses nya pero sermon ata yun? Naghiyawan naman yung mga tao dito parang sila ata yung kinilig. Narealize ko na ang init ng katawan nya yun pala shirtless parin sya, bigla naman namula yung mukha ko sa hiya at sa kilig. Ang tigas..... nung muscles! Kyahhhhhh
![](https://img.wattpad.com/cover/159303631-288-k542200.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...