Chapter 22

2.3K 35 2
                                    

Basang basa ako ng ulan ng umuwi sa bahay. Gabing gabi na kaya ayus lang kahit pumasok ako ng hindi nila nalalaman dahil wala naman akong balak magpakita sakanila.

Pagbukas ko ng Gate nagulat ako dahil nandoon si Yaya naghihitay...... hindi ako nagdalawang isip yakapin sya. Sa pagkakataong ito, wala akong ibang masasandalan kundi si Yaya na sa simula palang ay binusog ako ng pagmamahal.

"Ssssshhhh taha na anak" hinahaplos nya ang likod ko at dinig na dinig ko ang lungkot sa mga boses nya.

"Yaya....." pagiyak ko.

Hinigpitan lalo ni Yaya ang pagyakip saakin. "Nandito lang ako para sa'yo Aliya"

"Iniwan nya na ako Ya, hindi nya na ako mahal"

"Hindi totoo yan, alam mo at natin na mahal na mahal ka nya"

Lalong lumakas ang pagiyak ko. Kung mahal nya ako hindi sya susuko.

Ilang araw rin akong nagmukmok sa kwarto ko, hindi ako kumakain at hindi rin ako pumapasok sa skwela. Sinubukan akong kausapin ni Sam at Liam ngunit gusto kong mapag isa dahil Hilaw pa ang mga sugat sa puso ko, sugat mula kay Daddy at sugat mula kay Gabriel na duwag mag mahal.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal muli. Ayaw ko nang masaktan ulit, ayaw ko nang maranasan ang maiwan ng mga taong mahal ko. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para maging ganito.

Gusto kong gumanti. Gustong gusto ko pero hindi ko alam kung paano.

Ngunit kailangan kong bumangon, hindi kailangang habang buhay ako magmukmok. Walang mangyayari sa buhay ko kung magpapalamon ako sa sakit, hindi nya deserve na iyakan dahil wala syang kwentang tao... si Gabriel.














Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon