Chapter 20

2.7K 37 0
                                    

Aliya's POV

Hinalikan nya ako.

Hinalikan nya ako.

Hinalikan nya ako.

Hinalikan nya ako.

"Aliya are you ok?" Pinitik ni Daniel yung ilong ko. Nakatulala ba ako?

"What happened?" Tanong nya ulit. Umiling lang ako.... teka close ba kami?

"Teka nga bat ka ba nandito sa kwarto ko?" Tanong ko sakanya. Ngumiti naman sya "Just so you know tumawag si Tito Eduardo na may pupuntahan syang business trip...so it will be just the three of us here including yaya" sabi nya, naiirita ako sa pananalita nya para syang bakla dinaig pa ang babae. Tinanguan ko lang sya at sinenyasan na lumabas.

Humiga ako sa kama ko at nakatingala lang ako ngayon sa kisame. Hawak hawak ko ang labi ko tapos nagpagulong gulong sa kilig. Gosh! Mababaliw na ata ako.

*1 new message*

Kinuha ko ang phone ko at mas lalo akong napangiti ng makita ko kung sino yung nag text..

Gabriel: Goodnight Sinta ko :)

Nagpagulong gulong na naman ako sa kilig with matching pasipa sipa pa. Waahhh

Ako: Matutulog na ba ang mahal ko?

*new message*

Gabriel: Hindi ako makatulog :(

Ako: Hala bakit?

Gabriel: iniisip pa kasi kita :*

Waaahhhhh ang puso kooooooo! Gulong gulo na ang cover ng kama ko dahil kanina pa ako nagwawala para akong sinasaniban.

Ako: Kinikilig ako Mahal....

Gabriel: Mas kinilig ako ng hinalikan kita Mahal :)

Ene be yen! Waahhh

Ako: Gusto mo pa ng isa? ;)

Gabriel: Pwede ba mahal? Pupuntahan kita ngayon mismo dyan sainyo

Hala adik ata to? Haha

Ako: Joke lang Mahal hehe

Gabriel: :(

Ako: Wag nang malungkot I love you ok?

Gabriel: Opo Mahal Matulog kana di ka pwede magpuyat. Mahal kita


Tinapat ko yung cellphone ko sa dibdib ko, ang saya ng puso ko para silang nagpaparty party sa loob ng dibdib ko.. hayyyy
Pinagmasdan ko ang first picture namin ni Gabriel, "Ang pogi naman ng Mahal ko" sabi ko sa picture hehe. Sorry nakakabaliw pala ang pagibig! Gosh



Nagising ako kinaumagahan ng may napakalaking ngiti sa aking mga labi.

"Goodmorning Yaya!!" Masigla kong bati sakanya. "Ang ganda naman ng umaga ng alaga ko, parang napaniginipan ata si Gabriel" tumawa lang ako at tumango. Tiningnan nya naman ako at napahinga ng malalim saka niyakap... "Ang alaga ko dalaga na" sabi nya. "Yaya naiiyak ba kayo? Yuck ha" pagbibiro ko saknya. "Pasaway ka tlaga" nag iba yung mood ko dahil bumaba na si Tita Amy at Daniel, feel na feel nila ang pagtira sa bahay namin ah. "Goodmorning Aliya, si Daniel ang maghahatid saiyo ngayon ha" sabi nya tapos pinat ang ulo ko. Ang sipsip talaga.


So ayun nga, si Daniel talaga anh naghatid saakin hay badtrip. "Saan mo balak magtrabaho pagkagraduate mo?" Bigla nyang tanong. "Sa kompanya namin malamang, para san pa't tinayo yun ni Dad" If I know gusto nilang solohin ang negosyo ni Dad. Tumango tango naman sya.

Nasa tapat na kmi ng gate ng school at bumaba na ako "Salamat wag mo na akong sunduin mamaya" sabi ko tapos sinara ng malakas ang pinto at bumusena nalang sya.

"Aliya!" Narinig kong may tumawag saakin pagtingin ko si Liam pala. "Uy Liam asan ang haliparot mong jowa?" Tanong ko, "Malelate daw sya masakit raw ang katawan nya" sabi ni Liam at napa tsk tsk naman ako tiningnan lang ako ni Liam pero biglang nagiba ang tingin nya ng marealize nya na may ibig sabihin ako napailing iling naman sya at nagsign na mali ang iniisip ko "okay okay" sabi ko. Oh diba mata ang gamit namin pag naguusap haha.

"Pupunta kang Cafe mamayang Lunch?" Tanong nya. Naglalakad kami ngayon papuntang classroom since magkaklase kami first subject sa Entrep. "Oh yes para makita ko ang aking pinakamamahal" tumawa naman sya.. "You're so whipped" sabi nya na lang. "I know right" wala akong pake haha.

Gaya ng sinabi ko kay Liam, nandito ako ngayon sa Cafe at kumukulo ang dugo ko dahil si Sheena todo kung makahaplos sa braso ni Gabriel at eto namang si Gabriel parang bet na bet ang nangyayari dahil nakikingiti pa. Kung nakakamatay lang ang tingin siguradong inaagnas na sana ngayon si Sheena.

Nakita ako ni Sheena at kunware nagulat na nandito ako saka bumitaw kay Gabriel, nagulat naman si Gabriel nang makita ako. Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil linapitan ako ni Sheena at naupo sa harapan ko. "You know what Aliya wala ka namang dapat ipag-alala, I just found out na your boyfriend is poor.... like eww how did you ended up dating such guy?" Pang iinsulto nya. Sa sobrang lakas ng boses nya nakatingin saamin ngayon ang mga tao halatang gusto nya kaming ipahiya ni Gabriel. At for sure narinig din ni Gabriel ang sinabi nya dahil nakayuko lang sya habang nililigpit ang mga kinainan ng customers na umalis na.

Tinaasan ko sya ng kilay "Oh really? Bakit meron ka bang GWAPONG jowa na kasing GWAPO ng jowa KO??" pagmamayabang ko. Narinig ko naman na tumawa yung mga nandito dahil inemphasize ko talaga yung gwapo na word eh. Nanlaki naman ang mga mata nya kasi wala syang panlaban "Aanhin mo naman yang gwapo mong jowa na walang taste sa pananamit and walang pinag aralan plus ikaw talaga? Eh fuckgirl ka kaya" Sabi nya ng nakangiti aba langya tong babaeng to ah babalatan ko talaga to ng buhay nagawa pa nyang gumanti ayaw na ayaw magpatalo. Sasabunutan ko na sana sya kaso biglang may humawak ng kamay ko.... Si Gabriel at sinenyasan ako ng 'Wag' at dahil doon napaupo ako ulit pero nagulat ako ng umupo sya dala dala nya pa yung tray na walang laman so bale kaming tatlo ngayon ang magkakaharap, tiningnan naman sya ni Sheena na parang kambing dahil sa kakanguya ng bubble gum.

"Mawalang galang na binibini, tanggap ko pang pagsalitaan mo ako ng hindi maganda pero.... hinding hindi ko matatanggap na pati ang kasintahan ko ay idadamay mo" Ang cool ng pagkakasabi nya nun, biglang natahimik ang mga tao sa loob maging si Tita Jo nakichismis narin dahil huminto sya sa pagbibilang ng pera.

Hindi naman napaimik si Sheena "Pareho kayong cheap!" Sabi nya tapos biglang tumayo ng padabog at nagwalk out. Pero pinahabulan ko pa sya "Mas cheap ka!" Natawa naman si Gabriel saakin at binigyan ng ang-tapang-naman-ng-mahal-ko-look.

"Wag kang makikinig sa mga pinagsasabi nya ha?" Sabi ko kay Gabriel. Umiling naman sya at ngumiti. Hayyyyyy


Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon