"Akala ko ba wala kang kasintahan?"
Nasa balkunahe ako ngayon ng bahay, binabasa ko ang mga emails saakin sa laptop na dala ko. Bigla akong napalingon sa boses na narinig ko, napairap ako ng makitang si Gabriel iyon.
Lumapit sya at naupo sa pasamano malapit sakin. Shit oo nga pala yun yung sabi ko sakanya waaahhhh! "Joke ko lang yun" tapos nginitian ko sya ng parang natatae. Teka! Ano bang ginagawa nya dito? Tiningnan naman nya ako na parang hindi sya kumbinsido.
"Mukha namang kasintahan mo talaga sya, halatang halata naman sa mga galaw ninyo napakalambing nyo sa isa't isa" sinarado ko naman ang laptop at inalis ang eye glasses ko, yep malabo ang aking mga mata friends! Pero hindi naman gaano, ginagamit ko lang sya pag magbabasa ako or maglalaptop. "Kayo rin naman ni Trish ahh" sabi ko sakanya pero umiwas sya ng tingin, mukhang badmood sya. "Teka bat hindi mo sya kasama? Asan sya? Nasa bahay nila Danilo?" Sunod sunod kong tanong. Napailing naman sya "Bumalik na syang manila kanina lang" what? Ang bilis naman! Nag away ba sila? Kaya ba sya badmood?
Tumango nalang ako. "Hindi na matutuloy ang kasal namin" bigla nyang sabi.... with that napalakas ang boses ko "ANO?!" Nagulat naman sya sa reaksyon ko. Parang wala lang sakanya kasi natawa pa sya saakin. Di man lang ba sya affected? "Nahanap ko na kasi ang gusto ko malaman at naintindihan naman nya iyon" sabi nya "Joke lang" tapos tumawa sya at tinuro nya yung eyeglasses na nakalapag sa mesa "Malabo na ba mga mata mo?" Naalimpungatan naman ako sa tanong nya, bakit nya iniba ang usapan. "Ah eh hindi naman, sakto lang" tapos tumango sya at tumayo na "Sige aalis na ako, nandyan na ang love mo" sabay turo kay Seb na papunta sa direksyon namin. Ohhh so hot basa pa ang hair galing ata mag shower. Tapos nag paalam na si Gabriel. Hindi ko naman yan love ehhh, ikaw yung love ko.
"Sorry sumulpot agad ako bigla, nabitin ka ata sa usapan ninyo ng ex mo" pagbibiro ni Seb at umupo sa tapat ko naka dekwatro pa. "Seb, anong mararamdaman mo kung malaman mong single na ulit ang taong matagal mo nang hinihintay?" Naweirduhan ata sya sa tanong ko dahil napakunot ang noo nya pero napa 'AAHHHH' sya nang marealise nya kung sino ang tinutukoy ko. "For me? I will grab the chance and the opportunity na maipagtapat sakanya ang feelings ko, pero hindi ako mageexpect. Ayaw ko kasing magsisi na hindi ko na naman masasabi sakanya na mahal ko siya, baka kasi eto na yung last chance ko para masabi yun" Napatulala naman ako sa mga sinabi nya, this is not so him. Pero may point sya, this might be the last chance at ayaw kong pagsisihan iyon.
"Seb the thoughts of him being with Trish, kissing and hugging her..... parang pinapatay ang puso ko. Galit ako sakanya pero noon yun after kong malaman ang reason kung bakit nya ako hiniwalayan. Pero hindi ko matanggap na may pinalit sya saaking iba, samantalang ako hindi ko nagawang magmahal ng iba kahit pa limang taon akong single dahil walang ni kahit sino ang makakapantay sa pagmamahal na binigay at pinaramdam nya saakin noon" napangiti naman si Seb at hinawakan ang kamay ko.
"You really love him and you still do right?" Tumango ako sakanya. "Then go get him, aalis na rin naman ako bukas at kung gusto mo ipagtapat ko sakanya na hindi naman talaga tayo" suggest pa nya pero pinigilan ko sya. "Don't, wala naman akong balak aminin skanya ang nararamdaman ko. Sapat na saakin ang nakikita ko syang nakangiti sa piling ng iba alam ko namang magbabalikan rin naman sila ni Trish at isa pa hindi naman siguro malaking bagay ang pinag awayan nila para hindi na ituloy ang kasal diba?" Parang naiiyak na ako na ewan... hayyyyys hanggang dito nalang siguro kami.
-
Hinatatid ko hanggang gate si Seb, babyahe na sya ngayon pabalik ng Manila sasama na sana ako sakanya kaso ayaw nya raw akong kasabay hmp! Sa makalawa nalang ako aalis, dahil susunduin ako ni Dad ayaw nya naman akong pasakayin ng Bus at ayaw ko namang mageroplano.
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...