Hmmmmmm umaga na pala ang sakit ng katawan ko, bakit parang mababalian ako ng buto? At ang tigas ng kama ko ngayon ah... inunat ko yung katawan ko ng....
"Gising kana pala" Si Gabriel.
Wait.
"Baka bukas pag gising mo mawala na ang pinakainiingat-ingatan mo?" Halaaaaa anu rin ang nangyayare sakanya? Epekto ba yan ng lagnat nya. Lasing ba sya?
Lasing ba kami?
Nagulat ako nung pumatong sya sakin. Wahhhh naistatwa yung buong katawan ko. Eto na ba to? Ready na ba ako?????
Linapit nya ang mukha nya tapos pumikit ako.
Nakakumot ako ngayon, tiningnan ko sya tapos tiningnan ko kung may saplot ako tapos tiningnan ko ulit sya.
Natawa naman sya. Nakahandig sya ngayon sa pinto at may dalang kape.
"Nag enjoy ka ba kagabi?" Pang aasar nyang tanong dahil dun tinakpan ko yung mukha ko ng unan.
Napahinga ako ng malalalim.
Dahil may damit pa naman ako.
Walang nangyari kagabi.
Kayo ahhhhhhh! Nag expect rin ba kayo kagaya ko? Humopia tayo mga beshy eh.
Nakabalik na ako sa bahay at si Gabriel nasa manggahan na babawi raw sya dahil hindi sya nakapagtrabaho kahapon.
"Anong ginawa nyo kagabi?" Pang aasar ni Yaya.
"Wala" sabi ko. Dissappointed ako kung alam nya lang. Haha joke!
"Wehh?" Di naniniwala. Bat ba ang chismosa nito.
"Wala nga" sabi ko ulit.
"Di nga? Wala talaga?" Tanong nya ulit.
"Yaya we're too young wala pa sa isip namin yun" sagot ko.
Napakunot naman ang noo nya.
"Alam mo bang si Lola Flora mismo ang nag sabi na matulog ka kay Gabriel? Gusto nya na raw kasi magkaapo wala raw syang pakialam sa Daddy mo hahahha" nabilaukan naman ako sa sinabi ni Yaya wow ha binugaw nila akong dalawa.
Tawa ng tawa parin si Yaya ngayon. Seryoso sinabi ni Lola yun?
"Joke lang naniwala kna man agad" hayyyy akala ko tunay na. Baliw talaga to
"Ewan ko sainyo" pagtataray ko.
"Walang ginawa si Gabriel?" Bakit ba ang curious nya?
"Mag asawa kana kasi Yaya nakuuuu" inasar ko nalang sya.
"Ang torpe naman pala ng lalaking yun" nadissappoint din sya kagaya ko?
"Hindi torpe ang tawag doon, ibig sabihin malaki ang respeto nya kay Aliya" nakisingit naman si Lola. Napangiti naman ako, kung alam nya lang hahaha
"Si Lola talaga, masyado kayong interesado ni Yaya sa love life ko" sabi ko nalang at natawa naman sya.
"Magbihis ka, darating ang daddy mo"
Si Daddy? Omg! Paano ko sasabihin ang tungkol saamin ni Gabriel?
Help meeee! Jebal
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...