Chapter 27

2.9K 34 2
                                    

Sinimulan na ang pagpapagawa ng extension ng hotel namin at nang pinakita ko kay dad ang presentation ng project ay sobrang nagustuhan nya ito, napakagaling daw nung gumawa niyon pero hindi ko naman masabi na si Gabriel ang gumawa nun.

Busy ang Team ni Mike at si Gabriel sa pag aasikaso ng project samantalang ako pa observe observe lang. Oh diba CEO feels.
"Miss Monteverderde?" Si Mia pala. "Yes Mia may problema ba?" Tanong ko. Mukha syang kinakabahan kaya napakunot ang kilay ko at hinihintay syang magsalita. "Nagerror daw po ang system natin at hindi po macontact ang developer ang problema po ay inip na inip na po yung babaeng nagiinquire ng available rooms, at masyado po syang makulit" sabi ni Mia. Haayyy hindi talaga maiiwasan makaencounter ng mga ganitong guests. Magkasama kaming pumunta sa baba.

Pagdating namin dun, panay ang dakdak ng babae at inaaway pa ang mga empleyado ko. Aba!

Agad naman akong lumapit at kinausap ito "Excuse me Mam I am the owner of this hotel how may I help you?" Malambing at magalang kong tanong. "Bulok ang system nyo! Knina pa ako naghihitay dito!" Reklamo nya. "We're very sorry Mam, we promise to fix our system immediately mag checheck-in ho ba kayo?" Tanong ko baka naman kasi panay nya ang talak tapos di naman pala sya magchecheck-in puro lang yabang. Hindi muna sya umimik at tinaas ang kilay nya "Pupunta ba ako dito kung hindi?" Pagtataray nya pa. Whooooo Aliya relax siguraduhin nya lang may pambayad sya dahil ubod ng yabang ang pagkatao nya. "I'm afraid that the only vacant rooms we have rightnow is the most expensive ones, right?" Sabi ko sa babae tapos tumingin ako sa mga receptionist ko at sinenyasan na umuoo nalang at napa yes naman sila. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang ng babaeng to.

Hindi muna nagsalita ang babae kaya ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko "Without our system, we can tell naman po kung magkano and ano yung room na available tonight, 50 thousand per night it's very suitable po for relaxing since lahat ng gusto mong makita sa isang bahay ay lahat po nandoon even an indoor pool , will that be okay Mam?" Hamon ko sa babae. 50k ano kaya mo isang gabi?

"N-no thanks! Ayaw kong magstay sa bulok na hotel na to!" Wooohhhhh Aliya sunggaban mo na jusko po. Napapikit naman ako at huminga ng malalim. "Kausapin nyo to nagiinit ang dugo ko dito" bulong ko sa receptionist at natawa sya sa sinabi ko. Tinalikuran ko nalang yung babae at naramdaman kong umalis na sya pagkatapos syang kausapin ng receptionist ko.

"Oh tubig" sino naman kaya to. "Mukang nahighblood ka ata palamig ka muna" pagtingin ko si Gabriel pala. Hindi na ako nagpabebe at kinuha ang mineral bottle sa kamay nya. Narinig ko naman na nagbubulong bulungan yung mga receptionist ay! Oo nga pala crush nila si Gabriel. "Salamat" simpleng sabi ko at ngumiti sya.

"Hindi ka pa ba uuwi gabi na oh?" Wow ha feeling close "Dito ako nakatira duuhhhhh" sabi ko tas inirapan sya. "Hindi kaparin talaga nagbabago" umiling iling lang sya habang nakangiti. Problema nito? "Ikaw hindi ka pa ba magpapahinga?" Oops bakit parang ang sweet ng tanong ko? Waahhh napatingin tuloy sya sakin at ngumiti baka akala nya concern ako sakanya. Yuck!

"Concern ka ba?" Pabiro nyang tanong.

"Hindi baka kasi gusto mo nang pumunta sa room mo dahil baka PAGOD kana" sabi ko habang inemphasize ang word na pagod. Woohhh naalala ko na naman.

"Hindi naman ako pagod, napagod o mapapagod... Akala mo lang yun pero ang totoo kaya ko pang magovertime maging maayus lang ang kalabasan ng project na to" pinapatamaan nya rin ba ako? Ako babyung project? Luh? Assumera.

"Okay?" Yun lang sinabi ko.

"Di mo man lang ba ako tatanungin kung napagod ba talaga ako?" Tanong pa nya l, napakunot naman ang noo ko "Eh kakasabi mo lang knina eh..." sagot ko.

"Basta sasagutin ko nalang, Hindi ako napagod may mga bagay lang talaga akong kailangan isakripisyo para sa kapakanan ng nakararami kahit pa yun ay magdudulot ng sakit saakin mas pipiliin ko ang kaligayahan ng iba kesa sa sarili kong kaligahayan" ano bang pinagsasabi nya? Nakakahiya sa mga receptionists na nandito nakikinig sa usapan namin. Baka magtaka na sila at maghinala na baka magkakilala kami ni Gabriel dati pa. Nakuuuu ayaw kong machismis.

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon