Chapter 29

2.5K 42 0
                                    

Hapon na ng makarating kami sa bahay ni Lola, nauna sila Dad saamin ng ilang oras. Pagkababa namin ni Gabriel ng kotse binati kmi ng mga trabahador ng hycienda ngunit hindi nila kayang makipagngitian saamin dahil sa nangyari kay Lola. Sinalubong ako ni Danilo na ngayon ay binatang binata na. Yinakap ko sya ata pumunta rin sya kay Gabriel upang yakapin ito. Sina mang Andres Aling Rosario ay naluluha ng makita nila ulit kami.

Sinamahan nila kami papuntang bahay at nakita kong nandoon si Dad nakatayo sa Balkunahe, nagulat sya ng makitang magkasama kami ni Gabriel.

"Magandang hapon po Sir Eduardo" sa kabila ng ginawa ni Dad nagawa nya paring igalang ito.

"Nasaan si Lola?" Tanong ko kay Dad at tinuro nya ang kwarto ni Lola "Ayaw nyang magpadala sa hospital kung kaya't ang doctor nalang pumupunta rito" sabi nya at agad akong tumungo doon. Naiwan sa balkunahe si Gabriel at Dad.

Pagbukas ko ng pinto naabutan kong tulog si Lola, lumapit ako at umupo sa tabi ng kama nya at hinawakan ang mga kamay nya.... bigla naman syang gumalaw at minulat ng dahan dahan ang mga mata nya. Sobrang tanda ni Lola, halos kulubot na lahat ng balat nya at mas lalong pumuti ang buhok nya at nangayayat rin sya.

"Apo ko.....Aliya" nakangiti nyang bulong, nanghihina pa sya kung kayat hindi sya makapagsalita ng maayos. "Salamat dahil nandito ka...gusto kitang makita bago ako mawala... tinupad mo ba ang pangako mo saakin Apo ko?" Hindi ko na mapigilan ang luha ko, pano kung sabihin ko sakanyang nabigo akong tuparin ang pangako ko sa kanya na si Gabriel ang lalaking makakasama ko habang buhay..... hinawakan nya naman ang mga pisngi ko habang pinatapahan ako at hinawakan ko naman ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko.

"Gusto ko ring makita si Gabriel.... pagagalitan ko sya dahil pinapaiyak nya ang prinsesa ko" kahit nanghihina nagawa parin nyang magbiro. "Si Lola naman kararating ko lang pagagalitan mo na agad ako" biglang pumasok si Gabriel sa kwarto ni lola at umupo sa tabi ko. "Gabriel anak ko...napakagwapong bata manang mana saakin" napangiti naman kami ni Gabriel sakanya.

"Buo na ang araw ko dahil pareho ko kayong nakitang magkasama.... " hawak nya ang mga kamay namin ni Gabriel.

"Bagay na bagay talaga kayo....." sabi pa nya at nagkatinginan kami ni Gabriel. "Hinding hindi kana iiyak Aliya, diba Gabriel?" Sabi ni Lola tsaka tiningnan si Gabriel at tumango ito

"Opo La, hindi ko pababayaang mangyari iyon" tapos napangiti si Lola.

Kailangan nya ba talagang mag sinungaling kay Lola para mapanatag ang loob nito, ang unfair naman ata dahil deserve din ni Lola kahit papano ang malaman na ikakasal na sya sa ibang babae.

"Pwede na akong magpahinga Apo ko at Gabriel"

"Lola naman ehhhhh" sabi ko.

Napatawa naman ng malumanay si Lola.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa, lagi nyong tatandaan na ang dalawang pusong wagas na nagmamahalan ay kailan man hindi magagawang paghiwalayin ng kahit anong bagay sa mundo, mahalin nyo ang taong nilalaman ng mga puso ninyo.... pakinggan mo ang puso mo Gabriel at ikaw rin Aliya.... hawakan nyo ang kamay ng isa't isa at wag nang bibitaw pa sa pagkakataong ito" nakangiti nyang sabi tapos niyakap nya ako, at nakisali rin si Gabriel sa pagyayakapan namin. Namiss kong maramdaman ang mga bisig nya. Maya maya pa bumitaw na ang mga kamay ni Lola at tuluyan nang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi ko inalis ang pagkakayakap ko sakanya at hindi ko na napigilan ang pagiyak pa halos napapasigaw na ako sa kakatawag ng pangalan nya upang magising ulit, maya mya pa pumasok na sina dad at sina yaya...

Biglang napaluhod si Dad sa kama at hinawakan ang mga kamay ni Lola. Si Gabriel ay lumabas ng kwarto..... ayaw nyang may makakita sakanyang umiiyak kaya sya lumabas.

"Lola....." pilit na akong pinapabitaw sa pagkakayakap kay Lola pero ayaw kong kumawala sa kanya.

"Aliya tama na wala na ang Lola mo"

"Hindi! Hindi! LOLAAAAAA" biglang nagdilim ang panigin ko at maya mya pa nanghina ako at di ko na namalayan ang sumunod na nangyari.



Wala na si Lola, pero sa huling pagkakataon hangad parin nya ang kaligayahan naming dalawa ni Gabriel. Umaasa parin syang muling maipagpapatuloy ang aming pagmamahalan kahit pa'y alam kong imposiblem nang mangyari iyon.

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon