Chapter 8

3.6K 44 0
                                        

"Goodmorning Lola, goodmorning Yaya" masigla kong bati sakanila sabay akap.

"Goodmood ata ang prinsesa natin ah" Pagbibiro ni Lola.

Siempre dahil I just found out na gusto rin ako ni Gabriel. Hihi

"Magbibihis na po ako" paalam ko.

Excited n ako mkita ang manliligaw ko.

"Aliya nandito na si Gabriel, sa sakahan raw kayo ngayon pupunta" tawag ni Yaya.

Tinignan ko muna one last time yung sarili ko sa salamin at nagpabango ng bonggang bongga.

"Magandang umaga ho Mam Aliya" bati nya. Tapos ngumiti ako ng pabebe.

"May dala kna namang bulaklak Gabriel para ba yan kay Lola?" Tanong ni Yaya.

Buti pa si Lola my flowers everyday.

"Nabigyan ko na ho si Lola Flora" sabi nya.

"Eh para knino yan?"

Nagulat ako sa sinabi nya, don't tell me....

"Para ho kay Mam Aliya" sabi nya tapos inabot sakin yung bulaklak.

Kyaaaaaahhhhh.

"P-para sakin?" Kunware nashock

"Opo para sayo" tapos ngumiti sya.

Siniko naman ako  ni Yaya at binigyan ng laglag-panty-mo-noh-look.

Tahimik kaming naglalakad papuntang sakahan, biglang nawala yung pagkamadaldal side ko nakakapanibago. Nahihiya kasi ako hihi

"Wag ho kayong mag alala Mam hindi naman kayo ang magtatanim ng palay, sa ngayon. Pagmamasdan mo muna kung pano nila ginagawa iyon para bukas ng umaga marunong na kayo" sabi nya siguro napansin nyang ang tahimik. Habang nagsasalita sya nakatingin lang ako sakanya, nag slowmotion na naman ang paligid.

"Mam?"

Natulala na pala ako.

"Ah G-Ganun ba sige"

Sersyoso ka Aliya yan lang ang sasabihin mo?.

"Nakakapanibago naman yang katahimikan mo"

Iniwas ko nalang yung tingin ko sakanya mahirap na baka sunggaban ko ng halik eh nasuntok ako nun. Tahimik parin kaming naglalakad medyo may distansya din kasi mula bahay papuntang sakahan mabuti nalang at hindi mainit dahil 6 palang ng umaga.

Pagkadating namin sa sakahan agad namang nagsilapitan ang mga trabahador saakin para bumati. "Mam Aliya magtatanim rin ho ba kayo ng palay?" Tanong nung lalakeng halos kaedad lang ata namin na halos akbayan na ako feeling close ah?.  "Ah hindi pa, magmamasid muna ako gaya ng sabi ni Gabriel" tapos tiningnan ko sya at tumango sya saka lumapit saamin nung lalake, "Oy oy oy ano yan" tinuro nya yung kamay nung lalake na akmang aakbayan na ako.

Agad namang tinanggal nung lalake yung kamay nya, "aha! Nililigawan mo siguro si Mam Aliya Kuya Gabriel noh?" Pasimple naman syang siniko ni Gabriel. Ah so Mas matanda si Gabriel sakanya akala ko kaedad lang namin.

"Pagpasensyahan nyo na po Mam si Danilo"  Sabi ni Gabriel saakin na naka yuko. "Ano ka ba okay lang yun" yun nalang sinabi ko.

"Danilo! Gabriel !Mam Aliya saluhan nyo na ho muna kami sa almusal" tawag saamin ni Aling Rosario sa di kalayuan. Tiningnan naman ako ni Gabriel at nginitian na parang sinasabihan nya ako ng 'tara?' Tapos tumango nalang ako at dumako na kina Aling Rosario at mga kasamahan nya. Pagdating namin doon, ibat ibang klase ng tuyo ang nasa hapag kainan merong ding sinangag at iba't ibang klase ng prutas pero bukod na namumukod tangi ang mga mangga dahil yan mismo ang pangunahing tanim namin dito sa hycienda.

Nilagyan na ni Aling Rosario ang plato ko ng tuyo at sinangag at pati narin kape sa tasa na parang yung sa erinola ang kulay. Tiningnan ako ni Gabriel kaya napatingin rin ako sakanya at tinaas ko ang aking kilay na para bang hinihintay ang sasabihin nya "Mam Aliya ayos lang ho ba? Kumakain ho ba kayo ng tuyo?" Pagaalalang tanong ni Gabriel, dahilan para matingin lahat ng tao na nkapalibot sa lamesang malaki at mahaba hinihintay ang sasabihin ko Gosh! Na pressured ako. Ano ba sasabihin ko?

"Ah eh oo naman! Favorite ko ata yan!" Sabi ko habang napahinga naman ng malalim silang lahat tapos tiningnan ko si Gabriel na napangiti ene be yen nakakatunaw naman. "Sige nga kainin mo ito" Paghahamon nya saka nilagyan ang plato ko ng Tinapa ata yun tapos pinandilatan ko sya sabay nginitiaan ng plastic ,ipapahamak talaga ako nitong lalaking to. Wait walang kutsara? Napansin siguro nila kung ano ang hinahanap ko.

"Naku Mam Aliya pagpasensyahan nyo na po ngunit kamay lang ang gamit naman sa pagkain" Sabi ni Danilo. Kamay talaga? Pano ang germs? "Subuan mo nalang kaya Kuya Gabriel!" Dagdag pa nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya at mukang sang'ayon naman ang lahat sa sinabi ni Danilo. Nakita ko ulit na pinandilatan sya ni Gabriel kaya napangiti naman ako. Weg ke nge!

"Sige na Gabriel!" Sabi nung lalaking matanda na magsasaka. "Oo nga Gabriel" Dagdag pa nila. Wala naman nang nagawa si Gabriel kundi sundin silang lahat. Diko na talaga mapigilan ang ngiti ko sobrang namumula na ako sa kilig! Naghugas muna ulit ng kamay si Gabriel my god ayaw nya talagag makakain ako ng germs ang sweet! Tapos sinimulan nya na kamayin ang sinangag at tuyo ng magkasabay saka lumapit saakin at akmang isusubo na yung pagkain, "Ahhh~?" Sabi nya, ano ako bata? Pero bet na bet ko to promise. Halatang halata sa mukha ni Gabriel na hiyang hiya na sya. "Hmmm" punong puno ang bibig ko sa sinubo ni Gabriel saakin infairness masarap din pala yung kamay nya ay este yung pagkain gosh anu ba yan, halos pati kamay nya maisubo ko pa. Nagpalakpakan naman yunh mga kasamahan nya na para bang kinikilig. Napatawa nalang ako at nakita kong napayuko lang si Gabriel pero nakikita kong nakangiti. Pero nashock ako ng ni lick nya yung thumb nya tapos index finger nya na para bang inalis ang tirang butil ng sinangag. OMG! Eh sure akong nalawayan ko yun! Ang hot nya nung ginawa nya yun. Yiiiieeeee

"Kamusta ang Almusal Mam Aliya?" Tanong ni Gabriel, nandito kami sa kubo na nakaharap sa palayan at pinagmamasdan ang pagtanim ng palay ng mga trabahador. "Masarap pala yung tuyo?" Amazed kung sabi. Ngumiti sya tapos, "Mabuti naman at nasarapan ka"

Masarap naman talaga eh seryoso. "Teka diba sabi ko sayo wag mo na akong tatawaging Mam?" Tumingin naman sya sakin. "Hindi ata mainam yun sa harapan ng mga kasamahan ko"

"Edi pagtayong dalawa lang, total magiging jowa rin naman kita eh" pagbibiro ko sakanya at siniko sya ng mahina dahilan para mapatawa sya. "Diba sabi ko ako ang manliligaw? Hayaan mo akong magsabi ng mga ganyang bagay sayo...Aliya" tapos kumindat sya sakin. Ayiiiiieeeee

"Madalas ba talagang mamula yang mga pisngi mo?" Tanong nya kaya napahawak ako sa mukha ko para itago ito. "H-hindi ah mainit na kasi kaya namumula ako" paliwanag ko. "Ahhh akala ko nagbblas? Ano ba tawag don blus-" ang cute nya hindi nakakaturn off! "Blush" sabi ko.

Napatahimik na kami ngayon habang nakatingin sa palayan. Ang init init naman tapos ganyan yung gagawin ko bukas di naman ako makapagrekla kasi baka maturn off sakin si Gabriel at di na ako ligawan. No way! "Ilang taon kana pala Mam ay Aliya ?" Biglang tanong ni Gabriel.
"20, ikaw?" Sagot ko.

"21, isang taon lang pala ang tanda ko saiyo" at napangiti sya.

"Akalo ko nga 25 kana" pagbibiro ko dahilan para lumaki mga mata nya. Grabe nahighlight bigla yung lashes nya ang haba.

"Ganun ba katanda ang mukha ko?" Nacurious ata sya haha. "Hindi, pogi nga eh" anu ba yan bakit ba ako nalang plagi ang nauuna dumiga.

"Maganda karin naman ah" Sagot nya. Shemay pinuri nya ba ako? "Kaya ba liligawan mo ako?" Tanong ko. Mukang nagiba yung expression ng mukha nya. "Liligawan kita dahil gusto ko hindi dahil maganda ka" feeling ko naoffend sya sa tanong ko. "Uy joke lang ha baka bawiin mo yung panliligaw mo" paliwanag ko. Bigla syang humarap saakin. "Bakit ko naman babawiin?" Tanong nya, nakataas kilay nya tapos naka smirk. Omg he'll be the death of me.

"Kasi baka natuturn off kana saakin" sabi ko na nakapout. Tinap nya naman ulo ko, "Gusto ko ganyan ka lang kasi napapakilig mo ako" sabi nya saka umalis may kukunin ata . What?! Did he just said na kinikilig sya sakin?



Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon