Chapter 33

2.9K 43 0
                                        

Sinubukan akong habulin at kausapin ni Gabriel nung araw na nagpaalam na ako sakanya ng tuluyan, kung saan tinapos ko na kung ano man ang pagibig na nararamdaman ko para sakanya. Ako naman ang bumitaw, hindi ko nga rin alam kung ano bang nangyayari saakin. Mahal ko sya at gusto ko sya makasama pero ngayong tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkasama ulit kami kaso mali eh, dahil may fiance sya at kahit pa nagkakalabuan sila hindi ako pwedeng makisawsaw dahil sa huli ako ang magmumukang kawawa at talo. Hayyyy naguguluhan na talaga ako

"Mam Aliya nakakalungkot naman po na aalis na naman ulit kayo" nalulungkot na tugon ni Danilo. Nandito kasi ako sa manggahan ngayon nagpapaalam na aalis na ako papuntang Manila dahil dumating na si Dad para sunduin ako, kawawa nga si Dad byahe sya ng byahe pero this time nagpasama sya sa driver nya. "Oo nga Mam sana dito nalang ulit kayo, dahil kayo po ang swerte sa haciendang ito" sabi pa ni Mang Pedro. Napangiti naman ako sa sinabi nila, nakakatuwang isipin na kahit matagal akong nawala hindi parin nila nakalimutan na minsan kaming naging pamilya dito noon at hanggang ngayon parin naman. "Huwag po kayong mag alala dahil bibisita ho ako dito kapag may oras po ako, pangako po yan" sabi ko sakanila. "Sana ho sa susunod na pagbisita ninyo kasama mo na ho ang magiging pamilya mo Mam Aliya nakuuu hindi na po kayo bumabata" pagbibiro ni Danilo at hinampas ko naman sya sa braso nya pero natawa nalang kami sa sinabi nya. Oh no! Baka nga tumanda akong dalaga, wala pa namang nanliligaw saakin dahil mukha raw akong mangangain ng tao. Hayyyssss 25 na ako and still single but not ready to mingle dahil isa lang ang nilalaman ng puso ko char!

"Aliya tara na?" Sumunod pala saakin si Daddy dito, "Magandang umaga ho Sir Eduardo" bati ng mga nagttrabaho dito. "Magandang umaga naman, kayo na ho muna ang bahala rito ngayong wala na si Nay tawagan nyo lang ako kung may problema at agad kong tutugunan iyon" sabi nya at tumango naman silang lahat. Nagkangitian kami ni Dad at inaya nya na ako paalis. "Aaray ko Danilo pag ako nahulog dito! Gustong gusto mo talaga na nasisilipan ako noh doon kna nga!" Naiiritang sigaw nung dalaga kay Danilo, napalingon naman ako sakanila bago yung mukha ng dalaga hindi ko sya kilala pero feeling ko matagal na sya dito hindi ko lang siguro napansin. "Mas mabuti na ako ang humawak" pagmamatigas ni Danilo.

Naalala ko sakanila kami ni Gabriel noon. Huhu ayoko nang magreminisce

Naglalakad na kami ni Dad ngayon, "Anak nagkausap na kmi ni Gabriel at humingi na ako ng tawad sa kasalanang nagawa ko sakaniya noon, pinangunahan ko sya at ngayon nagsisisi ako sa mga nasabi ko. Huminhi na rin ako ng tawad sakanya dahil pinaglayo ko kayong dalawa, masyado ka pa kasing bata noon at ayaw kong mawala ka saakin pati ang atensyon mo. Pero sabi ko sakanya para makabawi ako dahil pareho naman kayong dalawa nasa tamang edad na....maaari ka na nyang maging nobya ulit" nakangiting sabi ni Dad pinandilatan ko naman sya ng mata "Daddddd imposible na yun noh dahil ikakasal na sya" sabi ko dahilan para magiba ang expression ng mukha nya. "Patawad, dahil saakin hindi ka naging masaya" niyakap ko naman sya "Dad it's okay. Sorry din dahil hindi ko agad natanggap ang relasyon nyo ni Tita Amy but Okay na ako ngayon.... nagkakaedad na ako at ayaw ko nang mastress baka mas lalong magmature ang mukha ko " dinaan ko nalang sa biro at natawa naman sya, masaya ako na okay na kami ni Dad ng tuluyan at mas masaya ako dahil okay na sila ni Gabriel.

Tulog lang ako buong byahe, sa Hotel na rin ako nagpaderetcho dahil madaling araw na at kailangan kong magtrabaho kinabukasan.

Pagsakay ko ng elevator pinagmasdan ko ang reflection ko salamin doon. Gosh! Ang hagard ko at ang dry na ng skin ko. Kaya pala walang nanliligaw saakin huhu.

Pagdating ko sa floor ko, pinagmasdan ko ang pinto ng room ni Gabriel. Nabalik na rin kaya sya? Siguro oo dahil hindi ko na sya nakita sa hacienda magmula nung araw na nagkausap kami.

Pagkapasok ko sa kwarto ko nahiga agad ako at tuluyan nang nakatulog dahil sa pagod.



"Omg Ali! Ang tagal kong nagpabalik balik rito sa office mo buti nalang at nandito kana! May goodnews ako sayo" pambubulabog ni Sam na ngayon ay nandito sa office ko. "Goodnews? Hmm sounds interesting" tapos naupo sya sa table ko "Huy mabasag ang salamin! Mahal yan" tapos tinulak ko sya ng dahan dahan at napapount naman sya at hinawakan ang tummy nya. "Mas mahal mo ba yang mesa mo kesa sa magiging inaanak mo?" Napatingin ako sakanya at napanganga samantalang sya abot hanggang tenga ang ngiti "No wayyyyy buntis ka??!" Gulat kong tanong at tumango sya na parang timang. Agad ko naman syang niyakap at hinawakan ang tummy nya "OMG baby! Ninang can't wait to meet youuuuu isspoiled kita ng todo promise" tapos tinapil ni Sam ang kamay ko "Igagaya mo pa saakin ang magiging anak ko!" Tapos natawa nalang kami. Wow buti pa sya, mommy na. Ako kaya? Forever ninang lang sa magiging anak ng mga kaibigan ko? Huhu

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon