"Teka sandali" ano ba yan bakit nya pa ako kailangang tawagin. "Aliya" tawag pa nya.
Wala naman na akong nagawa kundi lumingon. "May maitutulong ba ako?" Yun nalang ang sinabi ko. Ngumiti naman sya, shocks saan nya hinugot yang kapal ng mukha nya? Akala nya ba mahuhulog ako sa mga ngiti nyang ganyan excuse me! Kahit nakakaakit ang dimples nya wala akong pake! Wait ano bang nangyayare sa'kin.
"Hindi ko kasi alam kung anong floor yung 4872" sabi nya. "Fourth floor" yan lang sabi ko at nagpasalamat naman sya. Yun na yun? Hmmp!
"Ah teka lang pala" pahabol pa nya "Ano na naman" naiirita kong tanong. Tapos nagsmirk sya....
"Mas lalo kang gumaganda Mahal ko"
Tapos umalis na sya, iniwan akong tulala.
Napalingon ako sa likod ko at tiningnan kung may iba syang kausap pero wala, ako yung sinabiham nya nun. Baliw ba sya?
Ugghhh!
" 'Mahal ko' mo mukha mo!" Pero hindi nya siguro narinig dahil deretcho lang sya sa paglalakad Nakakairita sya, may gana pa syang pag laruan ako tapos ano iiwan lang nya ulit ako?
"My Gosh Aliya 25 kana nagsisisigaw kapa dyan! May kaaway ka ba?" Sabi ni Sam, bigla bigla nalang sumusulpot tong babaeng to.
Oo meron si Gabriel ugghhh.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko, pasakay na kami sa elevator para makapag usap sa office ko. "Nakakabagot mag isa sa bahay Gosh, di ko man lang masolo ang hubby ko super workaholic hindi na kami nakapaghoneymoon!" Pagrereklamo nya. Tiningnan ko naman sya "Okay ako na ang walang asawa" sabi ko tapos tinawanan nya ako. May nakakatawa ba dun?
"By the way...... sabi ni Liam si ex-papabol daw ang Arki ng project nyo?" Chismosa talaga tong babaeng to. "Saklap nga eh" sabi ko tapos binigyan nya ako ng ows-di-nga-look. "Sa dinami dami sya pa talaga" dagdag ko pa saka napahinga ng malalim. "Gwapo pa rin ba?" Wow ha naisingit nya pa talaga yan. Di naman ako umimik kasi gwapo pa naman kasi talaga ehhhh ene be.
Nagulat ako dahil para syang kinikilig na ewan. "Para kang tanga" sabi ko sakanya. "Infairness ha big time na sya ngayon, siguro kung kayo pa ngayon malamang tanggap na tanggap n sya ni Tito. Right?" Bigla namang nagiba ang expression ng mukha ko dahil naramdaman ko ang biglang pagkirot ng puso ko. Siguro nga kung kami parin magiging ayus ang lahat kaso hindi ehh.
Napansin siguro nya ang biglaag pagtahimik ko "San mo gusto kumain treat ko" sabay iniba ang topic. Binigyan ko naman sya ng evil smile mukang nagsisi ang mukha nya dahil sa sinabi nyang ittreat nya ako. "Hindi na pala kita ittreat naiwan ko pala ang wallet ko" palusot nya at tumawa nalng kami. Hayyyy para kaming baliw. Baliw na may asawa at baliw na walang asawa. Sad life. Mag madre nalang kaya ako?
Nasa meeting ako ngayon kasama ang team ni Mike at siempre pati na rin ang Arki nila. Ippresent kasi ni Gabriel ang 3D visual presentation ng drawing nya. Napapamangha ako dahil sa technology na ginamit nya wow para syang animator ang ganda ng pagkakagawa. Hindi ko akalain na yung mga drawings at design nya sa kubo nya noon ay mas maiimprove pa nya nang lalo. Kaya pala ayaw nyang mag give up sa dream nya dahil alam nyang magaling sya sa bagay na yun. Sayang nga lang wala ako sa tabi nya habang tinutupad yung mga pangarap nya.
"Miss Aliya tinatanong po kayo ni Sir Gabriel" what? Nakatulala lang ako sakanya the whole time? Waahhh.
"Ah sorry ano ulit yun?" Gosh nakakahiya.
"May gusto pa po ba kayong ipadagdag?" Tanong nya.
Grabe bagay na bagay saknya ang naka formal na damit. Pero mas gusto ko parin yung naka polo at tshirt lang sya. Hayyy
"Sa tingin ko...." nakatingin silang lahat saakin hinhintay ang sagot ko. "Ang pangit"
Kahit maganda naman talaga. Dissapointed ang team ni Mike lalong lalo na si Gabriel na napayuko.
"Ayoko ng vintage, ayoko nang makaluma, ayoko ng tungkol sa past... I'm sorry" bigla akong tumayo at umalis. I feel bad, hindi ko magawang isangtabi ang personal na galit ko kay Gabriel sa trabaho. Hindi magwowork to
Hindi ko alam nakasunod pala saakin si Gabriel "Miss Monteverde, hindi ko maintindihan saang parte ng presentation ko ang hindi nyo nagustuhan?" Nagattaka nyang tanong.
"All of it" pagtataray ko. "It's just that I don't like your presentation and sorry to dissappoint you dahil pinaasa ko kayong lahat but I'll just tell Mike and his team na palitan nila ang Arki nila" nagulat naman si Gabriel sa sinabi ko dahil nakakunot ang noo nya.
"Kung tungkol to saating dalawa hindi ba't sobra naman kung pati ideas at pinaghirapan ni Sir Mike ay papalitan mo nalang bigla?" Mukang nagalit sya sa inasal ko.
Ang sama ko ba?
"Hindi mo ba magets? Ayaw kitang katrabaho Gabriel" mas lalong nanlaki ang mga mata nya. "Ako gusto ko kaya hindi ako aalis at alam kong gusto mo ang mga designs ko" aba! Ang lakas ng loob ng lalaking to ah.
"Porket tinawag kitang Mahal ko kanina pati kasamahan mo dinamay mo sa galit mo saakin?" At nagawa nya pa tlagang mag biro sa serious moment ko ha?
"Bumalik kana sa loob wag kang mag inarte dahil mas lalo kang gumaganda" tapos pumasok na ulit sya sa loob.
Eh anong sasabihin ko sa loob? Tinopak lang ako ganun tapos gora na ulit continue na natin to tara. Ganun?
Narinig ko namang nagsalita si Gabriel sa loob. "Okay na si Miss Monteverde, walang babaguhin sa designs. Masama lang ang pakiramdam nya hayaan muna natin syang magpahinga" sabi nya at narinig ko ang saya na ulit nila sa loob. Sorry Guys :(

BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Roman d'amour#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...