Chapter 30

2.8K 42 0
                                    

Matapos ang isang linggong burol, napag isipan kong dito muna ako sa ngayon habang hindi pa ako nakakarecover sa pagkawala ni Lola, naunang bumyahe pabalik sa Manila sina Yaya kasam sina Dad, Tita Amy at Daniel dahil sumunod rin sila rito.

Samantalang si Gabriel naman ay bumalik na agad ng Manila dahil sa trabahong naiwan sa hotel. Binigyan ko naman sya ng oras sana makapagpahinga dahil alam ko kung gaano sya nalungkot sa pagkawala ni Lola. Halos mga mugto ang mata nya kagaya ng akin, hindi ko naman sya makausap dahil naiilang pa ako sakanya at Tumanggi rin syang bigyan ko sya ng break sa trabaho.

Inaamin ko, isa sa dahilan ng pagpapaiwan ko rito ay dahil kay Gabriel pero okay na ata yung hindi kami madalas magkita para hindi nya masyadong mapamukha saakin na masaya na sya sa buhay pagibig nya dahil ikakasal na sya.

Nandito ako ngayon sa hycienda sa kubo kung saan pinaghahanda ni Aling Rosario ng pagkain ang mga trabahador. Parang ganun parin ang lahat, walang nagbago pwera sa tumanda sila. "Mabuti naman Mam Aliya at naisipan mong magbakasyon muli rito sainyo" Sabi ni Aling Rosario habang gumagawa ng lumpia. "Gusto ko lang hong maramdaman parin si Lola dahil matagal kaming hindi nagkita, pag nandito ako feeling ko nandito rin si Lola" Sabi ko naman sakanya at napangiti siya.

Huminto muna sya saglit para makapagusap kami ng maayos. "Masaya ako na hindi ka parin nagbabago, pero mas masaya ako ng makita kayong magkasama ni Gabriel bumyahe papunta rito akala ko'y hindi na kayo magbabalikan pa" Omg! Mali ang iniisip nya goshhhh "H-hindi po kami ni Gabriel nagkataon lamang ho na pareho kami papunta rito kung kaya't pinasabay nya na ako" paliwanag ko naman at tila nagsisisi ang mukha nya dahil sa sinabi nya. Hindi ko naman masabi na magkatrabaho kmi at magkatapat ang kwarto naming dalawa hayyyyy.

"Pero hindi pa naman huli ang lahat hindi ba? Pwede pa kayong magkabalikan" Panunukso nya pa. Tumawa naman ako ng parang natatae "Imposible po ang sinasabi nyo Aling Rosario" napakunot naman ang noo nya. "Bakit kasal kana ba?" Mas lalong napakunot ang noo ko at umiling... "Hindi ho ako, Si Gabriel po ang ikakasal na" paliwanag ko pa. Nagiba naman ang mukha nya parang nainis na ewan. "Si Gabriel ikakasal? Eh halos mabaliw yan nung naghiwalay kayo" sabi nya pero napatakip sya bigla sa bibig nya. May hindi ba ako nalalaman?

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko. Nabuntong hininga naman si Aling Rosario. "Masyado kaming nahirapan pagaanin ang loob ni Gabriel. Tinakot kasi sya ni Sir Eduardo na ipapatigil nya ang pagpapatakbo nh hycienda at mawawalan kaming lahat ng hanap buhay. Pinapili sya ng Tatay mo. Kung ang hanap buhay ba ng mga kasamahan nya rito sa hycienda o ikaw.... pinayuhan namin sya na sundin ang puso nya at ginawa nya naman iyon ngunit hindi pumayag si Sir Eduardo at sinabing ipapadala ka nya sa America kung kaya't wala nang nagawa si Gabriel. Hindi namin inaasahan na gagawin iyon ng Sir Eduardo, patawarin mo sana ako kung ako at kung ngayon ko lang sinabi ang lahat ng ito saiyo" malungkot nyang sabi, parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko.

"H-hindi ko po alam.... wala po akong ideya sa mga nangyari ng panahong iyon, ang buong akala ko sinukuan ako ng tuluyan ni Gabriel" hinawakan nya ang kamay ko "Hindi iyon magagawa ni Gabriel ng walang magandang dahilan, patawarin mo sana kmi kung kami ang naging dahilam para isakripisyo ni Gabriel ang sarili nyang kaligayahan"
Naintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Gabriel saakin sa hotel ng magkausap kami. Umiling ako at nginitian sya "Wala po kayong kasalanan, kung meron man hong may kasalanan rito...ako yun dahil hindi ko man lang hinayaang makapagpaliwanag saakin si Gabriel at isa pa matagal na ho iyon masaya na kmi sa kanya kanya naming buhay at nakahanap na rin sya ng babaeng makakasama nya habang buhay at matagal ko na pong tanggap na hindi po magiging ako iyon" nginitian ko sya.... ang sakit na galing mismo sa sarili kong bibig nagmula ang mga salitang iyo dahil ang totoo hindi ako masaya pero ayaw ko namang umasa.

"Hindi naman kayo pinagtagpo ng tadhana matapos ang limang taon ng walang dahilan hindi ba?" Sabi pa nya at natawa naman ako "Si Aling rosario talaga hayyy... pinagtagpo ho ata kami ng tadhana para ipaalam saamin na hanggang doon nlang talaga ang pagmamahalan namin. Nakuuuu nasstress tuloy ako sayo Aling Rosario" pagbibiro ko sakanya at napatawa naman sya. Tama yan Aliya, think positive lang wag nang papaapekto okay? Para naman yan sa puso mo eh..

Maya maya pa nagsidatingan na ang mga trabahador para mananghalian at binati naman nila ako. Lumapit naman saakin si Danilo na ngayon, nakakapanibago dati lang ang dugyot nya ngayon binatang binata na rin sya at gumwapo pa. "Mam Aliya namiss ko po kayo" sabi nya saakin habang yinayakap ako "Ano ba yan! Amoy araw!" Pagbibiro ko sakanya tapos nag pout naman sya "Atleast hindi amoy baboy" tapos nagtawanan silang lahat dahil naalala nila kung gano ako nandiri sa paglilinis ng kulungan ng baboy noon.. pero ako hindi dahil biglang pinaalala ng mga salitang iyon si Gabriel.

"Sya nga pala Mam Aliya nandito na po ba si Kuya Gabriel?" Tanong ni Danilo. Nandito na? Eh akala ko nakaalis na sya eh magsasalita na sana ako kaso nagsalita ulit sya "Sabi nya kasi ibibilin nya raw muna sa kasamahan nya ang trabaho nya at agad babalik rito at ngayon dapat sya dadating" Ano? Babalik sya?

"Ah g-ganun ba?" Yun lang sinabi ko. Kumabog bigla ng malakas ang dibdib ko waahhh erase erase ikakasal na yung tao Aliya ano ba!

"Eh halos mabaliw yan nung naghiwalay kayo"

"Eh halos mabaliw yan nung naghiwalay kayo"

Paulit ulit na nagfflash back sa isipan ko ang sinabi ni Aling Rosario so meaning hindi lang ako ang nasaktan saaming dalawa dahil ang buong akala ko wala na syang pakialam saakin. Nagkamali ako.

Maghapon lang akong tumambay dito kay Aling Rosario dahil ayaw ko namang magmukmok sa bahay. Nakahiga lang ako ngayon sa papag ng kubo nya habang sya nagpprepare ulit ng hapunan ng mga trabahador. Feeling ko 20 years old ulit ako kung mahiga kasi ako para akong bata nakadekwatro pa tapos pakanta kanta lang. "Indaaaaaaahiyay will always love youuuuuuuuuuuu~" feel na feel ko talaga yung pagbirit ko at bentang benta naman yun kay Aling Rosario dahil mamamatay na sya kakatawa. "Baliw ka talagang bata ka parang hindi nawalan ng kamag anak" biro nya,

hindi ko nalang sya pinansin dahil bet na bet ko talaga magconcert ngayon dito "Will always love youuuuuu oohhhhh~" hindi pa ako nakontento at napaupo pa ako tapos kinuha ang saging na hawak ni Aling Rosario at ginawa ko iyong microphone, pahawak hawak pa ako sa dibdib ko at naghahand gestures pa samantalang si Aling Rosario puno na ata ng hangin ang tyan kakatawa.

Maya pa may narinig akong pumapalakpak ng slow motion pailing iling pa, pagtingin ko si Gariel shocks! Nakasandig sya ngayon pa side sa pundasyon ng kubo tapos pumapalakpak, mas lalong natawa si Aling Rosario dahil alam nyang kahiya hiya ang ginawa ko. Samantalang ako naka nga nga at dilat na dilat ang mata. Kahihiyan to the max verion 2.0 lupa lamunin mo na ako please!

"Hindi naman kmi nainform kumakanta ka rin pala at ang galing pa" pagbibiro nya at pinandilatan ko naman sya ng mata. "Pake mo ba" pagtataray ko sakanya at napangiti naman sya. "Sige nga kumanta ka ulit" paghahamon nya. "Ayoko nga baka pagtawanan mo ulit ako" sabi ko pa tapos si aling rosario pangiti ngiti lang sa gilid.

"Eh kung ikaw nalang kaya ang kumanta Gabriel tutal kararating mo lang ulit at matagal ko nang hindi naririnig ang boses mo, ayan ang gitara nakasabit oh" request ni Aling Rosario tapos tinuro ang gitara.

Yan yung gitarang ginamit nya nung hinarana nya ako........


Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon