"Eh kung ikaw nalang kaya ang kumanta Gabriel tutal kararating mo lang ulit at matagal ko nang hindi naririnig ang boses mo, ayan ang gitara nakasabit oh" request ni Aling Rosario tapos tinuro ang gitara.
Yan yung gitarang ginamit nya nung hinarana nya ako........
Napangiti naman sya saka umupo at nilapag ang backpack nya sa tabi nya, Grabe kahit bag nya mukang mamahalin na rin. Hindi ko maiwasang pagmasdan sya, ang porma nya nang manamit bagay na bagay yung naka sneakers lng sya tapos shorts at naka fit na shirt, mas lalong nahubog ang katawan nya.
"Nahihiya po ako Aling Rosario" nakangiti nyang sabi tapos tinaasan naman sya ng kilay ni Aling Rosario. "Hmm sige na nga pasalamat ka mag gagabi na kaya kailangan ko nang umuwi, ihahatid ko nalang itong pagkain sa mga bahay ng tranahador natin, maiwan ko muna kayong dalawa dyaan" Oh No Aling Rosario don't !!!!!!
"Kamusta kana?" Tanong ni Gabriel makatapat kami ngayon ng inuupuan napayuko lang ako "Okay naman na ako, ikaw?" Tumango tango naman sya "Mabuti naman kung ganon, maayos na rin ako matatanggap ko rin ang pagkawala ni Lola" nakayuko nya ring sabi tapos tahimik na kami.
Awkward.
What to do? Bakit ba kasi kami iniwan ni Aling Rosario ditooooooo. Tatayo na sana ako para magpaalam na aalis na dahil hindi ko kaya ang awkwardness sa kubong ito pero tinanong nya ako "Aalis kana agad?" Sabi nya napatingin naman ako sakanya at tumango. "Mamaya na, pwede bang dito ka muna?" Ano to? Eh wala nga kaming masabi sa isa't isa tapos gusto nya dito muna ako? Kinakabahan ako na ewan pero umupo parin ako.
"Tara lipat tayo ng pwesto" pagyaya nya tapos iniwan lang nya ang bag nya doon at hinila na ako.
Teka bat nya ako dinala dito?
"Dito tayo tumatambay dati diba?" Nakangiti nyang sabi, nagrereminisce ba sya?
Ito yung tagpuan namin, sa ilalim ng pinakamalaking puno dito sa hycienda.
"Ang tagal na rin ng huli akong pumunta rito, nakakamiss din pala" nakatingin lang ako sakanya, nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno perfect timing kasi tanaw na tanaw namin yung sunset.
"Baka ako ang namiss mo?" Pagbibiro ko sakanya tapos napatingin sya saakin at nginitian ako.. "Ang galing mong manghula ah?" Natatawa nyang sabi... wait! It was suppose to be a joke at sineryoso nya!
"Joke lang" nafeel nya sigurong nailang ako. "Wag kang magjojoke hindi tayo close" sabi ko at natawa naman sya. "Sungit ah?"
"Bakit ka bumalik dito sa Bicol?" Bigla kong tanong, nacurious ako eh. "May gusto lang akong hanapin at malaman" seryoso nyang sabi, akala ko naman dahil gusto nyang makita ako! assumera talaga.
"Sya nga pala, nasabi ko na sayong ikakasal na ako hindi ba?" Ouch naman! Kailangan talagang sabihin nya yun ulit saakin? "Nakalimutan kong itanong kung ikakasal kana rin o kung mayroon kang nobyo" dagdag pa nya. Ikaw lang naman ang gusto ko eh bakit pa ako maghahanap ng iba.
"I'm in a relationship with my job" yun nalang ang sinabi ko. "Plus wala naman akong balak mag asawa" kung hindi lang naman ikaw ang mapapangasawa ko. Napatango naman sya.
"Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit ako ikakasal?" Bigla nyang sabi, napakunot naman ang kilay ko at sinagot sya "Malamang dahil mahal nyo ang isa't isa, may magpapakasal bang napilitan lang?" Grabe sya ah.
Biglang naging seryoso ang mukha nya at napahandig sa puno. Ganun ba sya kainlove sa pakakasalan nya at hindi sya makapag salita? Hayyyy
"Gabi na Gabriel mauuna na ako sa bahay" paalam ko sakanya pero pinigilan nya na naman ako "Sandali lang, pangako konting oras pa" pakiusap nya. Ano bang meron sakanya?
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...