Kinaumagahan nagkita kami ni Gabriel sa harap ng school namin mukang hindi naman sya nahiraoan sa pasikot sikot dito sa Manila dahil taga rito naman talaga sya dati pa, buti nalang at kakilala ni Liam ang may ari ng cafe na tinatambayan naming tatlo nina Sam every vacant period namin. Pagkaalis na pagkaalis ni Gabriel kagabi agad kong tinawagan si Liam at sinabihan na magkita kita nalang kami sa Cafe bukas para ipakilala si Gabriel. Hayyy perks of having a rich friend, mas napapadali ang lahat dahil sa mga connections nila.
"Gabriel!" Nakita ko agad sya sa di kalayuan, well likod palang nya alam kong sya na yun hehe. Ngumiti sya ng nakita ako at hinalikan sa pisngi dahilan para maginit ang mukha ko, shocks! Di nya man lang ininda ang mga studyanteng naglalakad. Waahhhh
"Halika nasa loob yung mga kaibigan ko" tapos pumasok na kami sa Cafe.
Nakita naman kami agad ni Liam at Sam at agad kumaway saamin kasama ang bading na mukhang Donya, oh no! Iba ang tingin nya sa jowa ko. Don't tell me....
"Hi Ali this is Tita Jo ang may ari ng cafe na to and you're Gabriel right?" Bineso nya ako sabay turo kay Tita Jo kuno na todo smile at napadako ang tingin nya kay Gabriel para kamayan ito at tumango lng sya.
"Magandang umaga, Gabriel nga pala" pagpapakilala ni Gabriel ng nakangiti. Nagulat ako ng siniko ako ni Sam at binigyan ng nkakalaglag-panty-ang-smile-ng-boyfie-mo-look my gosh di ba sya aware na nasa tabi nya si Liam i just glare at her. Haha
"So Gabriel ayus lang ba na maging waiter ka dito?" Tanong ni Tita Jo, masyado akong judgemental parang hindi nya naman lalandiin ang Mahal ko dahil nasa tabi nya ngayon ang Jowa nya na may ari din nitong Cafe. Hayyy thank God.
"Opo, kahit ano pong trabaho gagawin ko" sabi nya. wow ang pursigido naman ng boyfie ko hihi at tumango naman si Tita Jo. "Bueno, makakapagsimula kana ngayon kung gusto mo" sabi ni Tita Jo at nagkatinginan naman kami ni Liam Sam at Gabriel at nginitian ko sya, mukhang excited sya. Di na masama dahil madali lang para saamin ang magkita dahil ngayon sobrang lapit na namin sa isat-isa.
Naiwan kami ditong apat sa mesa "Pare salamat nga pala sa tulong" sabi ni Gabriel sakanya oh diba nakahanap sya bigla ng Bro! Haha. "Walang anuman pare basta para naman kay Aliya walang kaso sakin yun, matagal na kming magkaibigam nyan at kung di naman dahil skanya hindi ko makikilala si Sam kaya quits na kmi" sabi ni Liam tapos kinindatam si Sam nakuuuu.
"Oo nga Gabriel, plus since bf ka ng friend namin edi siempre friend kana rin namin kaya sa susunod pag mag clubbing kami kailangan kasam ka na" sabi ni Sam shit bakit nya kailangan banggitin ang clubbing. "Madalas ba kayo doo?" Tanong ni Gabriel at tiningnan ako, oh shoot sabi na nga ba. "Oo naman! Kagagaling- hmmm" di na natuloy ang sinabi ni Sam dahil tinakpan ko ang bibig nya. "Ah eh ang ibig nyang sabihin sila lang hindi ako kasama" singit ko tapos binigyan ko ng umayo-ka-look si Sam at napatahimik naman sya samantalang si Liam pasimpleng tumatawa at si Gabriel nakataas ang kilay at binigyan ako ng mag-paliwanag-ka-look. Uuggghhhh i love my life.
Nagpaalam na kmi kay Gabriel para makapagsimula na sya sa trabaho nya at kami naman may pasok pa. Naglalakad kami ngayon sa hallway ng makasalubong namin ang grupo ng mean girls ng campus, si Sheena. Sira na ang umaga ko... "So.... boyfriend mo pala yung kasam mo kanina sa tapat ng gate ng school" panimula nya at tiningnan lng namin sya ni Sam.
"Well pogi nga kaso baduy!yuck" sabi nya tapos ngtawanan sila ng mga kasama nya pepektusan ko talaga to eh pero pinigilan ako ni Sam. "Pero pwede na rin, pasok naman sya sa taste ko...." sabi nya tapos bigla ng naglakad paalis... susunggaban ko na sana eh kaso pinigilan na naman ako ni Sam.
"Babalatan ko talaga yang babaeng yan" inis kong sabi. "Naku girl mukhang marami ang magiging kaagaw mo sa papabol mo lalo na kung malaman nila na sa Cafe dyan sa tapat nagttrabaho si Gabriel" pananakot naman sakin ni Sam. Hayyyy bakit ba kasi ang lakas ng charm mo Gabriel pagdating sa mga babae! Sasakit ang ulo ko nito..
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Roman d'amour#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...