Kinaumagahan maaga akong nagising at nag ayos ng sarili. Excited ako makita at makasama si Gabriel ngayon ehh bakit ba.
Nasa sala ako ngayon palakad lakad habang naghihintay. "Dapat nandito na sya eh" sabi ko sa sarili ko nagtaka ako kung bakit wala pa sya nakalimutan nya kayang sunduin ako? No . Hindi nya makakalimutan siempre. Mag iisang oras na ako naghihintay pero wala parin at nagsisimula ng sumikat ang araw kung kayat nagpagdesisyunan ko na pumunta nalang mag isa sa sakahan.
Pag dating ko sa sakahan walang Gabriel, asan naman kaya ang lalaking yun. Nakita ko si Danilo na tumatakbo papunta sa direksyon ko. "Mam Aliya......." sabi nya habng hingal na hingal. "Bakit may problema ba?" Tanong ko hala kinakabahan ako.
"Si kuya Gabriel po inaapoy ng lagnat galing po ako roon ngayon lang para humiram ng pala" sabi ni Danilo. "Ano?!" Gulat kong tanong.
"Dalhin mo ako sakanya" utos ko at tumango sya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa tinutuluyan ni Gabriel.
Pagdating namin doon nakiusap si Danilo kung pwedeng ako muna ang tumingin kay Gabriel dahil pakakainin nya pa daw ang mga alagang hayop at tumango naman ako.
Maliit na kubo lang ang tinitirahan nya pero malinis at maaliwalas dahil sa mga tanim nyang mga bulaklak sa munti nyang bakuran. Pag pasok ko sa pinto bumungad saakin ang napaka artistic na desenyo ng bahay may mga paintings, drawings at iba pa, kubo lang pero sobrang creative nya pag dating sa interior design. Napanganga nalang ako. Pwede syang maging Architect or Interior designer.
Pero may isang bagay ang nakakuha ng pansin ko... picture ko nung bata ako at ngayong dalaga na ako. Stalker ba sya? So its true na may gusto talga sya sakin matagal na. Hah! Siguro enjoy na enjoy sya nung mga panahon na nagpapapansin ako sakanya. Kinilig na naman ako
"S-sino yan?" Halatang may sakit nga sya kasi yung boses nya ang hina at ang lumanay. Pumunta ako sa kwarto nya at laking gulat nya ng makita ako.
"M-mahal anong ginagawa mo rito?" Tanong nya, ang sweet ng boses nya pag may sakit. Naaawa ako dahil balot na balot sya ng kumot at nakahiga lang sa kama. Pero mas napansin ko talaga yung pagtawag sakin ng Mahal eh.
Umupo ako sa gilid ng kama nya at dinampi ang palad ko sa noo nya. "Ang taas ng lagnat mo, buti nalang sinabihan agad ako ni Danilo" tapos napangiti sya ng konti. Hinang hina sya baka di pa sya kumakain?
"Sandali lang" tapos pumunta ako sa kusina nya at naglagay ng tubig na maligamgam sa plangganang maliit at kumuha rin ako ng towel. "Anong gagawin mo?" Tanong nya.
"Pupunasan lang kita para mabawasan ang init ng katawan mo" sabi ko tas nagsimula na akong punasan ang noo at mukha nya pati braso. Sobrang nakafocus ako kaya di ko napansin na tinatanggal ko na pala yung damit nya pareho kaming nagulat. Focus Aliya, focus
"Ano ka ba hindi naman kita pagsasamantalahan" pagbibiro ko dahilan para mpangiti sya. "Ako na" sabi nya saka hinubad ang damit nya. Iniwas ko ang tingin ko kasi sobrang nakakaakit pala sa malapitan yung abs nya. Oh my
"Tapos na" sabi nya. "Ah s-sige" tapos pinunasan ko na yung dibdib nya nakapikit lang sya ngayon at nakahiga parin. Di ko alam pero feeling ko nag sheshake yung kamay ko. "Tagilid ka kasi ang likod mo pa" at ginawa naman nya kaso di sapat kasi di nya mgawa ng deretcho dahil nahihirapan syang gumalaw. Kaya ang ginawa ko binuhat ko sya paupo pero parang sobrang nanghihina sya kaya napahilig yung ulo nya sa balikat ko na para bang magkaakap kami. Namumula na ako pero pinipigilan ko kasi may sakit sya.... anu ba yan! Ang hirap mag pigil!
Pinunasan ko na yung likod nya. "Ok na Mahal higa kana ulit" sabi ko tapos pinahiga ko na sya pero nagulat ako kasi bigla nya akong inakap dahilan para mapapatong ang kalahati ko na katawan habang sya nakapulupot ang kamay saakin. Nasa dibdib nya yung ulo ko. "Salamat Mahal mas bumuti yung pakiramdam ko dahil andito ka" bulong nya saakin. Napsmile ako kaya hinug ko rin sya. Inangat ko yung ulo ko para makita sya pero nakapikit lang sya. "Kawawa naman ang Mahal ko magpagaling kana ha?" Sabi ko tapos napa smile sya habang nakapikit. "Opo Mahal para sayo" at kiniss nya noo ko.
Mainggit na ang gusto mainggit! Akin lang ang Gabriel ko! Blleeehhhh :P
![](https://img.wattpad.com/cover/159303631-288-k542200.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Roman d'amour#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...