Chapter 5

4K 59 0
                                    

Kinaumagahan, gaya ng dati pagkagising na pagkagising ko pumunta ulit ako sa bintana para magstretching pero this time siniguro ko na wala doon si Gabriel at siniguro ko na rin na nakapag shave ako, ang awkward kaya.

"Goodmorning poooooo" masigla kong bati sa mga tao na nagttrabaho sa labas.

Kumaway naman sila saakin habang nakangiti. Buti pa sila laging goodmood.

"Marhay na aga tabi Mam Aliya" Bati saakin nung isang babae na nag wawalis sa bakuran ni Lola.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya at nahalata nya siguro na di ko sya naintindahan.

"Magandang umaga daw nak sabi nya" bulong sakin ni yaya na nasa tabi ko pala.

"Ah- magandang umaga din po" todo smile na pagbati ko rin.

"Halika na hanap kna ng Lola mo at mag ayos ka nga baka pagsisihan mo na hindi mo inalis yang muta mo" biniro naman ako ni Yaya para namang hindi pa sya nasanay eh maliligo rin naman ako pagkatapos mag almusal hmm bahala sya.

Pumunta na kami sa kusina, pasayaw sayaw pa ako ng Boom boom ng Momoland habang naglalakad papunta sa kusina, ang ganda kaya ng umaga ko.

Pero.

Mas lalong gumanda sa nilalang na nakikita ko ngayon na nakaupo sa mesa kausap ni Lola. Omg

"Magandang umaga apo, sasaluhan tayo ni Gabriel sa almusal" bati sakin ni Lola

Napangiti naman ako sakanya sabay tingin kay Gabriel na parang asong nakangiti saka tumayo at binati ako.

"Magandang umaga po Mam Aliya" nangaasar yung ngiti nya eh. Tumango lang ako. Nakita nya ata ako na nagsasayaw ng Boom boom.

"Kamusta naman ang unang araw mo sa Manggahan apo?" Tanong ni Lola, kumakain na kami ngayon. Nasa dulo ng lamesa si Lola sa gilid naman nya si Yaya tapos katabi ko si Yaya at kaharap ko si Gabriel.

"Ayun nasilipan ako" Biglang sabi ko ng nakapoker face habang nilalaro ang itlog na nasa plato ko.

Kasabay nun ay narinig kong umubo si Gabriel nasamid ata buti nga sakanya.

"Diosmiyo perdon sabi ko na saiyo na huwag kang magsusuot ng ganun kaiksi, mabulag na sana ang nanilip sayo" sabi ni Lola na nahighblood bigla dahil don naubo ulit si Gabriel at tumawa naman ako ng pasimple

"Oh iho ayus ka lang ba? Heto tubig" pag aalala ni Lola kay Gabriel.

"A-ayos lang po ako" nauutal na sabi ni Ganriel omg namumula ba sya?

"Ikaw naman Aliya sa susunod kay Gabriel ka lang lagi magpasama, mahirap na baka masilipan ka ulit"

Tiningnan ko naman si Gabriel na nahuli kong umiwas ng tingin saakin.

"Sya nga pala Aliya apo binanggit ko kay Gabriel na gusto mo ng almusal na ham at bacon kaya sinabihan ko sya na samaham ka ngayon mamalengke, pero kung ayaw mo si Marta nalang" sabi ni Lola

"Ako nalang po Lola" tapos tiningnan ko si Yaya na nakatingin na din saakin na sinasabing yass-you-go-girl-bet-mo-yan.




Pagkatapos ng agahan nagready na ako at hinihintay na daw ako ni Gabriel.

"Dyan tayo sasakay?" Tanong ko habang tinururo ang pedicab na nasa tapat namin ngayon ni Gabriel.

"Oo at si Mang Pedro ang magmamaneho nyan" seryosong sabi ni Gabriel.

"Walang car?" Pag iinarte ko pa.

"Sumakay na po kayo" inirapan ko nalang sya saka sumakay my gosh ang sikip naman dito nagulat ako ng biglang pumasok din si Gabriel katabi ko sya ngayon at para kaming suman dito sa loob.

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon