Chapter 21

2.7K 43 3
                                    

Ilang araw na ang nakaraan mula ng magkita at magakausap kami ng maayos ni Gabriel dahil abala ako masyado sa pag habol ng lessons pero tuwing mag aaral naman ako doon ako sa Cafe at oras oras ako hinahatidan ni Gabriel ng makakain ko habang nag aaral, ang sweet diba? Hihi. Nasa bahay ako ngayon nagpapahinga dahil napagod ako sa activity namin kanina. Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni Sheena sa Cafe.

Kapag nagmahal ba kailangang magmatter ang sinasabi ng ibang tao about sa relasyon ninyo? Eversince naging kami ni Gabriel wala na syang ibang narinig kundi pangmamaliit sa pagkatao nya. Kahit hindi nya sabihin alam kong nasasaktan sya at nasasaktan ako para sakanya.

"ALIYA!" nagulat ako ng umalingawngaw sa buong bahay ang boses ni Dad na galit na galit. Ano na naman ba ang ginawa ko?

"Po?" Sagot ko.

Binato nya saakin yung picture namin ni Gabriel na magkasama sa Cafe, yung araw na nagtalo kami ni Sheena. Bwisit na babeng yun bakit ba hindi ko inisip na magagawa nya to.

Hindi ako umimik. "Talagang inuubos ng Gabriel na yan ang pasensya ko!" Pasigaw na sabi ni Dad. Akala ko ba ayus na sakanya? Tama nga ako puro kplastikan lang lahat ng iyon.

"Simula ngayon ayaw na kitang nakikipagkita sa lalaking iyon Aliya!" Sigaw pa nya dahilan para mapatingin ako sakanya na may namumuong luha sa mga mata ko. "Dad ano bang masama sa ginagawa namin?" Sagot ko. "Hindi kayo nararapat sa isa't isa" malamig nyang sabi.

"Dahil ba ganyan lang siya at ganito tayo? Yun ba yun dad?"

"Wala kanang ibang ginawa kundi suwayin ako!"

"Bakit Dad nung ako ang nakiusap sainyo na wag na wag mong ipagpapalit sa kahit sino si Mommy nakinig ka ba? Hindi! Dahil sarili mo lang ang iniisip mo at hindi ang mararamdaman ko at sa mga puntong ito sarili mo ulit ang iniisip mo!"

Isang malakas na sampal ang dumampi sa mga pisngi ko.

"Wala kang utang na loob! Buong buhay ko ginugol ko sa pagttrabaho para lang mabigyan ka ng magandang buhay!"

"Magandang buhay ba ang hiningi ko? Pamilya ang kailangan ko, ikaw lang ang nagiisa kong pamilya simula ng mawala si Mommy pero hindi mo binigay saakin iyon!"

Puno ng galit at puot ang nararamdaman ko sa mga oras na to, hindi ko alam na sa ganito kong paraan ibubuhos lahat ng galit sa puso ko.

Hindi nakapagsalita si Dad.

"At ngayon na nakahanap ako ng pagmamahal at kalinga ng isang pamilya kay Gabriel, nandyan kna naman para ipagdamot ito saakin....." hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa pag iyak.

"Kapakanan mo lamang ang iniisip ko, mali bang maghangad ako ng magandang buhay para sayo Aliya?"

"Pera! Puro nalang Pera! Pera! Pera nalang Palagi ang nasa isip ninyo!" Sigaw ko.

"Hindi mo na ako ginalang! Ama mo parin ako" halatang nasasaktan na sya sa mga sinasabi ko.

"Pero bakit hindi ko maramdaman Dad?"

"Tama na! Sasama ka papuntang America kay Daniel at buo na ang desisyon ko!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Dad please wag, wag mo akong ilalayo sakanya" pagmamakaawa ko.

"Nalason na ng Gabriel na yan ang isip mo!"

Hindi nya parin ako pinansin. Patuloy parin akong nagmakaawa sakanya.

"Nagsisisi akong ikaw ang naging Tatay ko! Kung si Mommy ang nasa tabi ko ngayon hindi ako magkakaganito! Maiintindihan nya ako at susuportahan sa mga bagay at taong gusto ko makasama!"

Napatigil sya sa sinabi ko at muli.... nakatikim ako ng sampal mula sakanya, dahil dun umalis ako palabas ng bahay sinubukan akong pigilan ni Yaya pero nagmatigas ako.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pero isa lang ang kailangan ko ngayon.... Si Gabriel.


Tinawagan ko sya ngunit di sya sumasagot, tinakot na naman ba sya ni Daddy? Mababaliw na ako sa kakaisip ng kung ano ang ginawa at sinabi sakanya ni Daddy.

Pumunta ako sa pinagttrabahuan nya, nagbabakasakali na nandoon pa sya. Sakto dahil papalabas sya dali dali akong lumapit sakanya pero ng makita nya ako binilisan nya ang paglakad nya pero hinabol ko parin sya.

"Gabriel Sandali lang! Mag usap tayo! Wag naman ganito please" pagmamakaawa ko sakanya.

Pero patuloy parin sya sa paglalakad. "Gabriel wag mong intindihin si Dad wag kang magpapaapekto sa mga sinasabi nya!please magusap tayo-" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil huminto sya at hinarap ako. ".....kailangan kita" patuloy ko at bumuhos ang mga luha ko.

"Aliya tama na, kahit anong gawin natin hindi na magbabago ang pagtingin saakin ng Tatay mo" Sabi nya ng nakatingin ng deretcho sa mga mata ko.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Napapagod na ako..." sabi nya pa.

"Bakit mo sinasabi yan? Sabi mo kakayanin natin to, sabi mo haharapin natin to ng magkasama....sabi mo...ipaglalaban mo ako.." hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.

"Sinabi ko lang yun dahil ayaw kong malungkot ka" deretcho nyang sabi.

"So ano to? Hindi ba nakakalungkot tong mga pinagsasabi mo saakin nagyon?" Sagot ko

"Akala mo ba madali lang para sakin to?!" Napaatras ako dahil sa paglakas ng boses nya,

"Akala mo ba gusto ko to?! Oo sinabi kong ipaglalaban kita pero kasinungalingan lang lahat ng yon dahil hindi kita mahal! Ginamit lamang kita!" Sigaw nya pa saakin.

Nanghina ang mga tuhod ko, parang dinudurog ang puso ko.

"H-hindi totoo yan alam kong may sinabi sayo si Dad! Alam kong mahal mo ako!"

"Wag mo namang gawin sakin to oh!" Pakikiusap ko pa.

"Ayaw na kitang makita pa dahil sa tuwing nakikita kita bumababa ang tingin ko sa sarili ko" deretcho ang mga mata nya na nakatingin sa mga mata ko habng sinasabi ang mga salitan iyon.

Hindi ako makapaniwala na kaya nya akong pagsalitaan ng ganyan "Wag mo na akong guguluhin pa Aliya, kalimutan na natin ang isat isa. Kalimutan mo na ako dahil nagsisisi ako na nkilala pa kita!"

Sinampal ko sya. Tiningnan ko sya ng deretcho at sinabi ang mga salitang ito "Napakaduwag mo......... wala kang isang salita! Akala ko lahat ng pinakita mo saakin ay too pero puro lng pala kasinungalingan ang lahat ng iyon!"

Nakayuko sya at kitang kita ko ang pagmarka ng palad ko sa pisngi nya. Nakita ko rin ang mga luhang dumaloy mula sa mga mata nya.....

"Alam mo kung ano ang totoo? Ito ang totoo, tapos na tayo" nakayuko sya ng sinabi nya yun at tumalikod at nagsimula ng maglakad papalayo.. samantalang ako naiwang magisa sa kinatatayuan ko, sinusubukang intindihin lahat ng nangyayari.

Pinara nya ang bus na dumaan at sumakay doon, gusto ko syang habulin, gusto kong itanong kung ano ang sinabi sakanya ni Dad, gusto kong malaman kung totoo bang hindi nya ako minahal, gusto kong malaman kung bakit.... sya sumuko, ngunit hindi ko na magawang igalaw ang mga paa ko. Kasabay ng pag agos ng mga luha ko ay ang malakas na pagbuhos ng ulan na tila ba nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Mahal ko bakit? Bakit mo ako sinukuan? Bakit hindi mo ako pinaglaban?

Mahal ko...... bakit?

Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Ang sakit sakit Gabriel. Gusto ko nang mamatay sa sobrang sakit.

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon