Kinaumagahan...
nasa opisina ako ngayon at pinag aaralan ang bagong project na ginawa at pinagisipan ng mga kasama ko sa trabaho. Hinatid naman saakin ng secretarya ko ang design at mga sample 3d drawings ng extension ng Hotel.
Maganda, refreshing ang kulay ng mga pintura at parang vintage. Napakunot ang noo ko dahil hindi naman vintage ang style ng Hotel ko pero binabalakan nilang ibahin ito.
"Mia pwede mo bang ipatawag si Mike? May itatanong lang ako kamo" utos ko sa Secretary ko na si Mia. Tumango naman sya at maya maya pa dumating na ulit sya kasama si Mike.
"Miss Monteverde pinapatawag nyo raw ho ako?" Tanong nya.
"Yes Mike gusto ko lang linawin kung bakit vintage ang style ng extension ng hotel?" Tanong ko skanya. "Suggestion po kasi yan ng architech and since may tiwala naman kami sa kanya we decided na umuoo nalang" paliwanag nya pa, tiningnan ko naman sya at parang nararamdaman nya na hindi ako kumbinsido sa sinabi nya. "But, we will call the Architech nalang po Miss Monteverde to explain all the details and kung bakit iibahin ang design.." dagdag pa nya at nag agree naman ako. "Sa susunod wag kayong umoo agad sa mga bagay na hindi kayo sigurado kung magugustuhan ng ibang tao, you might end up losing that project" sabay tinaasan sya ng kilay,
Para namang naguluhan sya sa sinabi ko. dapat lang dahil humugot ako dun noh! Umoo agad ako kay Gabriel noon not realising na hindi iyon magugustuhan ni Dad and I end up losing him. Sana kasi advance nalang ako magisip para everybody happy diba?
"I understand Miss Monteverde, we'll give you updates asap and about the Architech we'll call him too Asap to meet with you" sabi nya saka ng bow at nagpaalam. May itatanong pa sana ako kaso umalis na sya bigla, hindi nya man lang sinabi kung sino ang Architech na yun.
"Miss Monteverde? Your friend Sam is on the line po, number 3" Sabi saakin ni Mia, ang aga naman akong tawagan ni Sam hindi ba sila napagod ng asawa nya kagabi? Hayyss
Kinuha ko naman ang telepono "Sam bakit?" Tanong ko. "Samahan mo naman ako oh, may pupuntahan kasi ako" sabi nya. Wow ha di ba sya aware na may trabaho ako at wait? Diba honeymoon nila dapat? "Wala ba kayong lakad ng honey mo?" Pabiro kong tanong. "Nakakainis nga dahil tinawagan sya ng boss nya" oh kaya pala! "Okay call me nalang kung saan tayo magkikita" and then I hung up.
Maya-maya lang ininform agad ako ni Mike na pupunta daw today yung architech at sakto tinext ako ni Sam kung nasaan na sya. Kinuha ko na yung blazer ko at papasakay na sana ng elevator pero hinabol ako ng secretary ko at sinabing nasa first floor na raw ang Architech. Ano ba yan! Nakisabay pa sa lakad ko! "Imemeet ko nalang sila sa baba" tapos sumakay na ako ng elevator.
Nagbeep na yung elevator meaning nandito na ako sa baba. Pagbukas nakita ko agad si Mike kasama ang lalaking naka long sleeve ng puti pero naka lukot ito, at nakasampay sa braso nya ang coat. I can't see his face dahil nakatalikod sya. Nakita naman ako ni Mike na papalapit kaya kinawayan ako at parang may sinabi sya sa kasama nya kaya napalingon ito......lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at ramdam na ramdam ko ang pawis na namumuo ngayon sa noo ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang taong iyon, parang hindi sya dahil mula ulo hanggang paa lahat nagbago pwera nalang sa itchura nyang ganun parin kagwapo.
Si Gabriel.
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko at sa tingin ko ganun rin sya. Hindi nya rin siguro inaasahan na magkikita kami sa ganitong pagkakataon. Pero di yun alintana dahil lumapit parin ako sakanila ng parang hindi ako apektado sa nakikita ko ngayon.
"Miss Monteverde this is Gabriel, sya po ang architech ng project namin" pinakilala sya saakin ni Mike, tiningnan ko naman sya at nginitian. Okay Aliya act like you don't know him. "Nice to see you...again Gabriel" nakangiti kong sabi at inabot ang kamay ko para alukin sya mag shake hands agad naman sya itong inabot at binitawan ko agad iyon. Nagtaka naman si Mike dahil hindi nya akalain na kilala ko si Gabriel.
Binalik ko naman ang tingin ko kay Mike "Mike can you escort him nalang sa office ko may kailangan lang kasi akong daanan" request ko sakanya at umoo naman sya saka niyaya si Gabriel. Nakita ko naman si Gabriel na nakatingin saakin, parang gulat na gulat parin sa nangyayari.
Pagkasakay ko ng kotse ko huminga ako ng malalim at napasandig sa upuan ko. "Bakit mo ba kailangang magpakita ulit saakin, nandito ka ba para guluhin na naman ang puso ko?" Sabi ko sa sarili ko tinawagan ko nalang si Sam na hindi ko na sya masasamahan pero imbes na bumalik ako sa opisina ko hindi ko ginawa dahil kailangan kong makahinga pansamantala, hindi pa ako handang harapin sya.
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...