"Ibaba mo na ako" bulong ko sakanya, papunta na kmi ngayon sa kubo pero di parin nya ako binababa. "Uyyy" pagpilit ko. Dahil dun binaba nya na ako. "May masakit ba sayo?" Pagaalala nya, tagaktak ngayon yung pawis nya oh my nahirapan ba sya sakin dahil ang bigat ko? Pero kahit pawis na pawis ang hot parin nya. Nagworry naman ako kaya kinuha ko yung towel na nakasampay sa balikat nya at pinunasan ang pawis nya. Nagulat ata sya sa ginawa ko kasi parang nanlaki mga mata nya at di nakagalaw haha.
"Ayaw kong pinagpapawisan ka" sabi ko sakanya tapos napasmile naman sya. Hinawakan nya yunh kamay ko na may hawak ng towel saka kinuha yung towel saakin tapos tumalikod sya at inabot ulit sakin yun dahilan para mapakunot noo ko "Yung likod ko naman" request nya tapos natawa nlng ako at kinuha yun. Grabe ang broad ng shoulder.
"Eherm tama na yan, baka langgamin na kayo jan" nagukat kami kay Aling Rosario na may dala dalang tubig at tinapay. 10 am na ng umaga siguro magpapasnack sya.
Natawa naman kmi ni Gabriel sa sinabi nya at naupo muna kmi sa silong ng puno para magpahinga. Niyaya naman kmi nilang magsnack pero sabi ko mamaya na ako "Ikaw di ka kakain?" Tanong ko kay Gabriel. "Kakain ako pagkakain ka rin" Awwwwwweee ang sweet. Tiningnan ko sya at napahinga ng malalim. Tumayo ako at niyaya sya. "Tara na nga baka sisihin mo pa ako pag nagutom ka" sabi ko at agad naman nyang inabot ang kamay ko at tumayo.
"Naku bagay na bagay kayo Mam Aliya ni Gabriel." Sabi nung babae at nag thumbs up naman ako sakanya meaning okay-yang- sinabi-mo-gusto-ko-yan dahilan para matawa sila pati si Gabriel. "Masyado ngang inlove sakin si Gabriel eh, miss na miss nya daw ako palagi" biro ko habang kumakain ng tinapay at ayun natawa na naman sila. Di naman nagpatalo si Gabriel "Eh ikaw nga tong pumilit sakin na ligawan ka eh" nasamid naman ako sa sinabi nya, anak ng?
"KAYO NA?!" sabay sabay nilang tanong, at ngayon si Gabriel naman yung nasamid. Shemay di pa pala nila alam. Yung kasama lng nga mangharana yung nakakaalam na nagliligawan kami. Tiningnan ko si Gabriel at sinenyasan na sya ang magpaliwanag.
"Ah eh ano po kasi ahhh- opo kami na pero sana satin lang ho muna ito na mga nandito ngayon" paliwanag ni Gabriel. "Ayaw ko po kasing makarating muna kay Sir Eduardo dahil gusto ko pong ako mismo ang magsabi sakanya" dagdag pa nya.
Nagsialisan na ang mga trabahador papunta sa kubo kung saan naroon ang pananghalian. Naiwan ako, si Gabriel at si Aling Rosario dito sa sakahan. "Gabriel nakapagpaalam kna ba kay Lola Flora tungkol dito?" Biglang tanong ni Aling Rosario. Tumango naman si Gabriel. Hala? Nakapagusap na sila? Kelan? Saan? At paano?
"Marahil ay hindi yun naikwento ni Lola kay Aliya, ngunit bukal naman sa kalooban ni Lola na payagan ako dahil mabuti ang hangarin ko sakanyang apo" nashock siguro si Aling Rosario sa tawag sakin ni Gabriel pero agad naman sigurong narealize na siempre mag jowa na kami kaya di na sya nagtanong. Nakatigin lng ako sa kanila.
"Mabuti naman kung ganon, pero wag muna ninyong mamadaliin ha?" Biro ni Aling Rosario. Ha? Ano bang ibig nyang sabihin? Napatawa naman si Gabriel dahil sa sinabi nya. Wait sila lang bang dalawa ang nagkakaintindihan? Na oop ako ah
"Mam Aliya kailan ninyo balak ipaalam sa tatay mo?"
"Siguro po sa pagbisita nya na lang dito" sagot ko.
"Sige sumunod nalang kayo para makapananghalian na tayo" tapos umalis na sya naiwan na kaming dalawa ni Gabriel.
"Hayyyy sobrang nakakapagod ang sakit sa likod" sabi habang iniistretch ang mga braso ko, pabalik na kmi sa bahay ala sais na rin kasi ng gabi. Ihahatid ulit ako ni Gabriel, sobrang tahimik nya ngayon dahil siguro sa naging topic knina.
"Kinakabahan or natatakot ka ba kay Dad?" Tanong ko. Napangiti lang sya "Hindi ah? Seryoso at malinis naman ang intensyon ko kaya walang dapat ikatakot" nakakaassure naman yang mga ngiti nya, nakakawala ng kaba.
"Magugustuhan ka nya alam ko" tapos tumango at ngumiti sya. Kahit di nya sabihin alam kong nagaalala sya at alam ko kung anong nasa isip nya, marahil magkaiba kami ng estado sa buhay alam kong walang mali sa ginagawa namin.
Hinwakan ko yung kamay nya dahilan para mapatigil sya sa paglakad at tumingin sakin. "Alam mo namang love kita kaya wag kang matakot harapin si dad ha?" tapos kinindatan ko sya oh diba ang lakas ko makalalake.
"Mahal din kita at handa akong harapin lahat ng pagsubok matanggap lang ako ni Sir Eduardo" lumapit sya saakin at nag slowmotion ang paligid ng yakapin nya ako. Naririnig ko ngayon ang tibok ng puso nya, at alam kong ako ang sinisigaw nun. Yinakap ko rin sya pabalik "Ikaw ahh wala pa tayong dalawang araw ang touchy mo na" sabi ko habang magkayakap parin. "Gusto mo naman eh" tapos ayun, ganun lang kmi ng ilang minuto. Kilig na kilig ako at malapit na akong atakihin sa puso dahil sa lakas ng tibok nito :)
Halos dalawang buwan at kalahati na ako dito sa Bicol, at mag iisang buwan na kami mag nobyo ni Gabriel, sobrang bilis ng pangyayari. Nagkaboyfriend agad ako kahit di pa kami masyado magkakilala ng lubos pero di ko na inisip yun ang mahalaga naman eh yung kung ano ang nararamdaman diba?
Madalas din sa bahay namin si Gabriel at asussual tuwang tuwa si Lola at si Yaya sakanya kasi joker din pala sya at madaldal.
Marami narin syang nalaman about saakin at about sa buhay ko sa Manila, akala ko nga matuturn off sya sakin pagkatapos ko ipagtapat sakanya ang mga kalokohan ko pero mali ako dahil sabi nya bilib na bilib daw sya saakin di ko alam kung bakit. Nalaman ko rin na wala na syang mga magulang o kahit kamag anak dito. And yung pinaka na shock ako is hindi sya originally from Bicol kasi..... taga Manila din sya. Sabi nya si Dad daw yung kumupkop sakanya at dinala dito kay Lola at dahil sa utang raw na loob kaya dito na sya nagsilbi at nagtrabaho sa hycienda.
"Apo?" Nasa kwarto ako ngayon at narinig kong bumukas ang pinto at tinawag ako ni Lola. "Pasok po kayo La" andito kmi ngayon sa kama nakaupo, "Kmusta ang pananatili mo rito sa Albay?" Tanong ni Lola habang hinihimas ang buhok ko.
Napangiti ako sa tanong nya "To be honest po ayoko po dito nung una pero I realised na masaya po pala dito, akala ko nga masaya na ako sa Manila not until mapunta ako rito" nginitian naman ako ni Lola. "Siguro mayroon nang nagpapasaya dito ano?" Biro nya, nagmamaang maangan pa si Lola eh. "Alam mo bang kinausap ako ni Gabriel tungkol saiyo?" Dagdag pa nya, tumango naman ako.
"Sabi niya saakin, papatunayan nya raw ang sarili niya sa Daddy mo para matanggap sya nito para sayo" talaga sinabi nya yun? So seryoso talaga sya?
"La masyado po bang mabilis ang pangyayari?" Tanong ko. Gusto kong sya mismo ang magbigay ng advice saaki.
"Sayo oo, pero sakanya.... matagal syang naghintay" nakangiting sabi ni Lola. Ha? Di ko maintindihan.
"Po?" Nagtataka kong tanong.
"Matagal kana nyang gusto, marahil ay di mo lang alam dahil mga bata pa kayo noon. labing tatlong gulang ka nang huli kang pumunta rito at yun ding yung unang beses na nakita ka ni Gabriel. Alam mo bang kinulit nang kinulit nya ako tungkol saiyo?" Matagal nang may gusto saakin si Gabriel? Paano eh hindi ko sya nkita or baka nakalimot lang ako, ang tagal na kasi nun.
7 years ago
"Dad is this Lola's house?" Tanong ko kay daddy kakababa palang namin sa sasakyan.
"Yes anak halika para makita mo ang bahay ng Lola" sabay kaming pumasok sa gate at agad naman kaming sinalubong ng isang batang lalake na payat maitim pero matangkad at matangos ang ilong.
"Sir Eduardo ako na ho ang magdadala ng gamit nyo sa bahay" sabi nung lalaki at napatingin sya saakin pero di ko pinansin.
Si Gabriel pala yun.
"Lola bakit ibang iba na yung itchura nya ngayon? Mas lalo kasi syang pumogi kaya siguro di ko sya nakilala haha" napatawa naman si Lola sa sinabi ko.
"Masyado ka atang nabubulag sa kgwapuhan ni Gabriel ano?" Pagbibiro nya. "Siguro nagulat ka sa nalaman mo ngayon, pero ang pinaka sadya ko talaga sayo kaya kita kinausap ngayon ay ang paalalahan ka na kahit anong mangyari...wala kang ibang iibiging ibang lalaki kundi si Gabriel lamang. Mas mapapanatag ako pag nasa mga kamay ka nya, yan lamang ang hiling ko bago ako mawala...ang maging maligaya kayong dalawa" tumindig ang balahibo ko sa pinagsasabi ni lola at the same time na touch... yung hiling nya ay para saamin at hindi para sa kanyang sarili.
"Pangako po La" tapos niyakap nya ako.
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Любовные романы#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...