Chapter 36

2.7K 38 0
                                    

GABRIEL'S POV

Nasa simbahan na ako ngayon, naghihintay na lang sa pagdating ni Trish. Nakakalungkot lang isipin na kahit anong sabihin ko sakanya, ayaw nya parin akong pakawalan kahit pa harapharapan ko nang pinamukha sakanya na si Aliya lang ang mahal ko.

Hindi na ako nagpakita kay Aliya dahil ayaw kong masaktan ko na naman sya, kota na ako eh halos lahat na ng sakit naparamdam ko na sakanya. Nung gabing may nangyari saamin akala ko makakatakas na ako kay Trish pero hindi eh.

Lahat ng tao ngayon dito ay galak na galak dahil sa ganda ng simbahan, walang ni isa na taga hacienda o kaibagan man lang ang dumalo dahil hindi rin nila tanggap ang pagpapakasal ko kay Trish.

Maya maya pa, nagsimula na ang kasal. Isa isang naglakad ang mga flower girls kasunod ng mga abay at..... bumukas na ang pinto. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at inisip na si Aliya ang babaeng naglalakad ngayon papunta sa altar kasam ko, pasensya kana mahal ko kung habang buhay ang sakit na dulot ko sa iyong puso

Imbis na nakangiti, parang naiiyak sya. Dahil saakin ba kaya sya umiiyak?

Nagbeso na ako sa Nanay ni Trish, pero hindi ito nakangiti. Pagtingin ko kay Trish nginitian ko sya at nginitian nya rin ako ngunit kakaiba ang mga ngiting iyon.

Nagsimula nang magsalita ang pari "Mayroon bang gustong tumutol sa kasal na ito?" Panimula nya, nagsilingunan naman ang mga tao at napahinga ng malalim ng makitang wala naman.

Sana dumating si Aliya at bulabugin ang simbahang ito at tatakbo kami palayo magkahawak ang kamay.

Napabuntong hininga nalang ako ng marealise na wala ni isa ang tumutol.

Nagsimula na ang seremonya at tatanungin na kami ng Pari "Gabriel, tinatanggap mo ba si Trisha na maging kabiyak mo sa hirap at ginwa...  ?" Ako ang una nyang tinanong.

Nagisip muna ako baga sagutin iyon, tiningnan ko si Trish at nakangiti lang sya saakin ngayon, Sorry Aliya "Opo Father"

"Ikaw Trisha, Tinatanggap mo ba si Gabriel na maging kabiyak mo sa hirap at ginhawa...?" Nagkatinginan kaming dalawa, hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti "Hindi po father" nagulat ako sa sinabi nya maging ang mga tao dito ngayon, puro bulungan ang naririnig ko ngayon pati pari mukang nadismaya sa sinabi ni Trish. Binaling ko ang tingin sakanya na tila ba tinatanong kung bakit hindi ang sagot nya maya maya pa nagsalita na sya hawak hawak nya parin ang kamay ko "I'm so sorry Gabriel kung naging selfish ako tama si Aliya kahit kailan ay hindi ka nagin akin dahil kahit balibaliktarin man ang mundo, sakanya. ka lang nararapat dahil sya lang ang nagmamayari ng puso mo. pinapalaya na kita" naiiyak nyang sabi ngunit para saakin para akong nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib hindi ko alam ang sasabihin ko pero sobrang saya ko ngayon "Pero kailangan mo nang magmadali" napakunot naman ang noo ko "Nagpost sya, at aalis sya papuntang US kasama ang pamilya nya. Baka nasa airport na sila ngayon. Umalis kana para maabutan mo sya" sabi nya

Ano? Aalis siya? Hindi pwede to.

Agad kong niyakap si Trish at nagpasalamat ng sobra, ganun din sa mga nanay nya at naintindihan naman nila ito. Kinuha ko ang susi sa driver ng kotse na sasakyan sana namin ni Trish papuntang reception. Binilisan ko ang pagmamaneho

"Wag mo akong iiwan mahal ko" sabi ko sa sarili ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag mawala pa sya sa buhay ko. "Hintayin mo ako pakiusap"

Sinubukan kong tawagan ang cellphone nya ngunit unattended, tinawagan ko na rin si Sam, Liam at Mia na secretary nya ngunit parepareho ang sagot nila 'Kanina pa ang flight nila'

Hindi pwede to.

Napamura at napapalo nalang ako sa manibela ng makita ang traffic. Paano ako aabot nito? Tanaw ko na ang NAIA pero ilang minuto pa ang aabutin pag tumakbo ako papunta doon pero bahala na!

Tinanngal ko ang coat ko at linuwaga ang necktie ko saka bumaba ng kotse at tinakbo mula rito sa kalsada papuntang Airport.

Pagdating ko roon hindi ako basta basta nakapasok dahil mahigpit ang seguridad, halos mabaliw ako sa kakapakiusap sakanila na papasukin ako

"Sir pakiusap kailangan kong makapasok importanteng importabte po ito hindi po ako nagbibiro" pakiusap ko pero ayaw parin nila akong paniwalaan

"Sir yung babaeng mahal ko aalis na! At hindi ako makakapayag! Pag hindi nyo ako pinapasok rito magwawala ako" tapos nagkakakalas ako sa hawak nila, mababaliw na talaga ako.

Nanghina ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig sinabunutan ko ang sarili ko, hindi ko na napigilan ang luha ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao rito ngayon.

"Anong gagawin nyo kung sa pangalawang pagkakataon mawawala ulit sayo ang taong mahal mo at hindi mo man lang nasabi kung gaano mo sya kamahal? Anong gagawin nyo kung ito na lang yung huling pagkakataon para maipaglaban nyo ang pagiibigan ninyo?" Nakatingin lang ako sa malayo habng sinasabi ang mga salitang iyon... siguro hindi nga kami para sa isa't isa

"I think you should let him in, he needs to tell that girl how much he loves her, seriously" narinig kong sabi nung foreigner kasama ang asawa nyang pilipina.

Nagkatinginan naman yung dalawang guard saka pinatayo ako at kinapkapan kung may patalim ba o wala, saka binuksan nila ang harang. Halos abot hanggang langit ang ngiti ko at nayakap ko sila "MARAMING SALAMAT SIR" Sabi ko tapos tinapik naman nila ang balikat ko "Sana magtagumpay kayo sa paghanap ng babaeng mahal nyo" sabi nila.

Tapos napatingin ako sa kano na kumumbinsi sakanila "Thank you sir" sabi ko at tinapik nya ang balikat ko "You should follow your heart this time" sabi nya tapos tumango ako at tumakbo na papasok.

Kung saan saan ako napunta para hanapin sya. Maya maya pa narinig ko na lahat daw ng papuntang US pumunta na sa taas. Ginawa ko iyon at hinanap ko sya sa taas ngunit wala akong nkita ni anino nya.

Napamura na naman ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Teka saan galing yung boses na nagsalita kanina? Tumakbo ulit ako at hinanap iyon baka sakaling nandito pa si Aliya at marinig ako.

Agad ko namang nahanap iyon ay pinapasok naman nila ako dahil nagdrama ako sa harapan nila at sinubukan ko nang magsalita "ALIYA MAHAL KO KUNG NARIRINIG MO AKO PAKIUSAP WAG MO AKONG IIWAN, WAG KANG AALIS NAGMAMAKAAWA AKO. MAGAPAPAKAMATAY AKO PAG INIWAN MO AKO HINDI AKO NAGBIBIRO! KAYA PAKIUSAP MAHAL KO PANGAKO HINDING HINDI NA KITA SASAKTAN PA, HINDI NA TULOY ANG KASAL NAMIN NI TRISH. SYA MISMO ANG NAGSABI SAAKIN NA HABULIN KITA AT HINDING HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAWALA KA PA ULIT SAAKIN. ALIYA MONTEVERDE, MAKINIG KA MAHAL NA MAHAL KITA MAGHIHINTAY AKO SA TAPAT NG ESCALATOR" na weirduhan naman saakin ang mga tao na nandito sa loob pero yung ibang babae kinilig sa sinabi ko kaya kinindatan ko sila dahilan para mas lalo silang kiligin. Tumakbo na ako sa harap ng escalator at hinahanap kung papunta na ba sya rito.

Ilang minuto rin akong naghintay pero wala parin. Siguro nga nakaalis na sya dahil kung nandito pa sya edi sana kasama ko na sya ngayon, nawawalan na naman ako ng pagasa.

Bakit ba lagi nalang kami pinaghihiwalay ng tadhana?

Pababa na sana ako kaso may narinig akong tumatawag saakin.

"GANBRIEL!!!!!!!"

Nawala ang lungkot sa mga mata ko at tila ba nabuhayan ang buong pagkatao ko sa taong nakikita ko ngayon.

Salamat panginoon, hinding hindi ko ponsasayangin ang pagkakataong ito.

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon