Chapter 7

3.6K 41 0
                                    

"May lakad ka ata?"

Tanong ni Yaya. Eh pano ko ba sasabihin na magdedate kami ni Gabriel? Sus baka di pa yan maniwala sakin.

"Ipapasyal ako ni Gabriel sa Bulkang Mayon" sagot ko.

"Naku ilusyunada ka talaga, baka pinilit mo lang si Gabriel?"

Sabi ko na eh di maniniwala yan.

"Totoo nga sya nag aya sakin" pagdepensa ko pa

"Sus sinasabi mo lang para di ka mapahiya sakin, baka ikaw kamo ang nagyaya?"

Wow ah.

"Sabi nya nga Mag de-date kami!"

Oops

Di ko alam pero bakit parang gulat na gulat sya sa sinabi ko.

"Aliya ha bilin ni sir Eduardo ang maging responsable ka hindi ang maglandi, baka bitayin ka nun" pananakot pa nya.

Grabe sya ang bitter masyado. Linayasan ko nalang sya tapos nagpaalam na ako kay Lola buti nalang pinayagan ako.
Pumunta na ako sa sinabi ni Gabriel at nkita ko sya doon nakatayo.

Naka polo ulit sya pero parang denim tapos may white shirt sa loob at naka pants sya at sapatos. Yung buhok nya nakahawi ulit sa side ang linis nyang tignan. Kahit sobrang simple nya manamit ang pogi nya parin. Ang ganda ng mga mata nya tapos ang tangos ng ilong, moreno pero ang labi nya mapupula at kissable.

Anu ba yan Aliya pinagnanasaan mo na naman si Gabriel.

Nakita na nya ako at pinuntahan.

"Handa kana ba makita si Magayon?" Tanong nya. Yung Bulkang Mayon yung tinutukoy nya diba? Tapos tumango ako.

Hindi naman pala kalayuan yung lugar. Andito kami sa Cagsawa, napanganga ako ng makita ng malapitan ang Mayon. Naiiyak ako kasi finally sa 20 years na pabalikbalik ko rito sa Albay ngayon lang ako nakapunta sa Cagsawa.

"Ang ganda" sabi ko na parang maluha-luha

"Parang ikaw" narinig kong bumulong si Gabriel pero di ko narinig kaya tinanong ko sya

"Ano sabi mo?"

"Wala" alam ko may sinabi sya eh.

"Picturan mo ako dalii" sabi ko sakanya tapos tiningnan nya lang ako, shemay oo nga pala wala akong phone.

Napangiti nalang sya "Ayus lang yan, hindi naman ito ang huling beses na makakapunta ka rito."

Nagpout nalang ako at inenjoy ang mga nasa paligid.

"Kaya pala tinawag na beautiful disaster ang Mayon" sabi ko habang pinagmamasdan ito.

"Tama ka, kahit pa malaki ang pinsala na maidudulot nito hindi naman maikakaila ang gandang taglay nito lalo na sa Gabi" sabi ni Gabriel habang pinagmamasdan din ang Mayon.

Pumikit ako at dinama ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam at napakagaan.

"Masaya ako na nakapunta dito...kasama ka" sabi ko sakanya at tiningnan sya, nginitian nya ako na para bang kinilig sya sa sinabi ko.

"Masaya ako dahil kasama kita" sabi nya tapos iniwas nya ang tingin nya.

Dug.dug.dug.dug

Ikaw ang unang taong nakapagsabi sakin ng bagay na yan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero isa lang ang alam ko, gusto na kita. Gabriel.
Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng nararamdaman ko pero sapat na sakin ang makita at makasama ka kahit maikling panahon lang ako mananatili rito.

"Oh bakit napatahimik ka?" Shet natulala ba ako?

"Ah ano kasi namesmerize lang ako sa Bulkan" palusot ko

"Eh bat sakin ka nakatingin? Ako ba yung Bulkan?" Pagmamayabang nya.

"Ang lakas ng hangin eh no?" Tapos tumawa lang kami.

___
Pagkatapos namin pumunta ng Bulkang Mayon napansin kong biglang nag iba ang pakikitungo sakin ni Gabriel. Hindi nya na ako sinusundo tuwing umaga para pumunta sa Manggahan hindi nya rin ako kinakausap at para bang iniiwasan nya ako at dahil dyan...

"Ano humopia ka noh?" Sabi ni Yaya

Hopia nga siguro ako, masyado kasi akong nag assume na hindi ito one sided love. Akala ko start na ng something new dahil ang sweet nya sakin nung araw na yun pero pagkatapos biglang nagiba ang ihip ng hangin.

"Tigilan mo nga ako Ya, wala akong gusto kay Gabriel noh!" Pagdepensa ko.

Nagtaka ako nang pandilatan ako ng mata ni yaya na para bang sinesenyasan nya ako na tumingin sa likod.

"Nanditi ho ba si Lola Flora, eto na po yung bulaklak na pinapakuha nya sakin" Sabi ni Gabriel.

Nandito sya. Narinig nya ako.

"Nako Gabriel pasensya na pero umalis saglit si Lola pero akin na ako na magbibigay sakanya" paliwanag ni yaya saka kinuha ang mga bulaklak. Parang nanigas lahat ng parte ng katwan ko.

Tiningnan ko sya pero ni kahit sulyap man lang sakin di nya ginawa.

"Sige po aalis na po ako" paalam nya.

Saka naglakad palabas.

"Narinig nya kung yun ang ipinagaalala mo"

Shit.

"Punta muna akong manggahan Ya" paalam ko.

"Manggahan o kay Gabriel?" Kontrabida tlaga to sa buhay ko.




"Gabriel!" Tawag ko. Pero di nya ako pinansin patuloy parin ang paglakad nya.

Hinabol ko parin sya. "Gabriel kausapin mo naman ako oh" teka bakit ba ako naghahabol.

Naawa siguro sya sa boses ko kaya liningon nya ako.

"Pumunta kana sa Manggahan hinihintay kna nila" yun lang yung sinabi nya.

"Ayoko ko"

"Bakit?"

"Gusto ko kasama kita" tapos napa pout ako. Bigla naman nag iba ang expression nya tapos tumingin sya sa gilid saka binalik ang tingin saakin.

"Bakit ba di mo ako pinapansin galit ka ba sakin? May nasabi ba akong di maganda sayo?" Sunod sunod kong tanong.

"Hindi ba malinaw sayo na iniiwasa kita?"

Aray.

"Bakit mo naman ako iiwasan?"

"Dahil gusto ko" tapos naglakad na ulit sya

"Bakit pa sobrang pa hard to get mo? Bahala ka na nga dyan as if naman maghahabol ako sayo!" Pagmamaktol ko

"Ikaw na nga mismo nagsabi na wala kang gusto sakin diba?"

Narinig nya nga, eh di naman totoo yun.

"Gusto kita!" Bahala na.

Nanlaki naman yung mga mata nya sa sinabi ko dahilan para takpan nya ang bibig ko dahil pasigaw kong sinabi yun.

"Tumahimik ka nga" pagsaway nya sakin saka inalis ang kamay nya sa bibig ko at tiningnan ko sya ng masama.

"Ah basta liligawan kita!" Sabi ko pa

"Baliw ka ba?" Parang sya ata ang mababaliw sa mga pinagsasabi ko.

"Oo! Baliw sayo" tapos kinindatan ko sya. First time nya ata maka encounter ng ganito kavocal magconfess ng love.

"Wag mo akong liligawan" sabi nya tapos napa sadface naman ako.

"Bakit:(?"

"Ako ang manliligaw sayo" dahil dun nag walk out sya at naiwan akong lutang at tulala.

Totoo ba ang narinig ko? Napatalon talon napang ako sa kilig.

"Kyaaaahhhhh sabi na eh! Wait for me My Love!! Huyyyy" tapos tumakbo ako at sumunod papuntang manggahan.

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon