"You are"
Tiningnan ko lang si Dad at mukang galit na galit sya.
Bigla naman sumulpot yung dearest step mom ko.
Napa wide eyes open kuno sya. Kunware gulat at concern na nasa taas ako. If I know gusto nya akong mahulog.
"My God Aliya bumaba ka na dyan" sabi nya pa. NAKUUUU ang plastic talaga.
Inirapan ko lang sya saka tumalon pababa.
"Wag na wag kang papasok ng kwarto mo maguusap tayo sa sala, gusto mo nang walang tulugan pwes maguusap tayo magdamag" galit na sabi ni Dad.
This is not him, alam ko galit talaga sya but I don't feel sorry.
Padabog naman akong pumasok ng bahay at umupo sa couch.
"Sige na hon matulog kna ulit susunod nalang ako" sabi ni Dad sa kabit nya ay este asawa pala.
"Akala mo ba hindi ko malalaman na tumakas kna naman?" Tanong nin Dad.
Di naman ako sumagot nakatingin lang ako side at naka crossed arms.
"Aliya ano bang nangyayari sayo? Kinakausap kita" Halatang inis na boses nya
"Okay fine i'm sorry okay?" Mataray kong sabi.
"Sorry yun na yun? Kung hindi pa sinabi sakin ng Tita Amy mo hindi ko mamamalayan na umalis ka"
Sinasabi ko na nga ba eh, yung madrasta kong gold digger na naman ang salarin. Bwisit talaga sya
"Nakapagdesisyon na ako" Sabi ulit ni dad at napatingin naman ako sakanya. Binigyan ko sya ng wha-are-you-talking-about-look.
"Pupunta kang Bicol doon sa Lola mo at hinding hindi ka babalik dito hanggat di ka nagiging responsable sa mga galaw mo lalong lalo na sa paghawak ng pera"
Nagulat naman ako sa sinabi ni Dad Bicol? No way ayoko sa Province.
"You're kidding me right?"
"No I'm not so you better fix your things dahil bukas na bukas din ako mismo maghahatid sayo doon, don't mind your studies dahil kukuhanan nalang kita ng private teacher"
Omg seryoso nga sya.
"But Daddddd ayoko doon, so mainit so mabaho so madumi and walang wifi!"
"Matulog kna"
Ugghhhh.
Padabog akong umakyat sa hagdan pero liningon ko sya.
"I hate you! Mas gusto ko si Mommy ang kasama ko ngayon"
Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko dahil kitang kita ko kung paano nagbago ang expression ni dad. Naguilty naman ako bigla
Pumasok na ako sa kwarto ko at doon nagmukmok.
Hindi naman sa ayaw kong makita si Lola kaso hello? Pagpunta ko dun wala nang uwian as in doon na talaga ako forever?
Bahala na.
Kinaumagahan ginising na ako ni Yaya Martah. Pinaayos na nya sakin mga gamit ko.
Habang nag aayos ako pumasok si Dad sa kwarto ko ilalagay ko na sana ang laptop at pocket wifi ko pero ...
"No gadgets, akin na yan at ang cellphone mo" sabi nya
"Gosh pati phone?"
"Oo kasama mo si Aling Marta at sya ang kokontakin ko pag gusto kitang makausap o kung may sasabihin man ako." Sabi ulit nya
Wow heavy I'm so blessed I love my life.
"Okay but let me call Sam first, siguro naman pwede akong magpaalam sakanya kahit over the phone right?" Sabi ko naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/159303631-288-k542200.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...