Chapter 28

2.8K 41 2
                                        

Tama nga sya gabi na kaya nagpaalam ako sakanya na magpapahinga na ako. Pasakay na ako ng elevator at papasara na sana yung pinto kaso hinarangan nya at pumasok sya. "San ka pupunta?" Tanong ko.

Linuwagan nya muna ang necktie nya at nagtack out saka sumagot "Magpapahinga na rin oh parehong floor pala tayo" Gosh oo nga pala bakit ba kami nagkasabay I'm totally doomed. Tahimik lang ako at ganun rin sya, nareach na namin yung floor namin. Naglakad na sya tapos ganun din ako, nagtataka siguro sya kung bakit parehong direksyon ang nilalakd namin kay huminto sya at tumingin sakin "Sasamahan mo ba ako hanggang sa Pinto ng kwarto ko?" Luh? Pano ko ba kasi sasabihing yow magkatapat lang yung kwarto natin yow. My gosh!

Huminto na sya sa tapat ng pinto nya, di ko nalang sya pinansin at pumasok sa kwarto ko.. habang sinasara ko yung pinto ko nakatingin sya sakin at halatang gulat na gulat dahil wala syang ideya na magkatapat lang kmi ng kwarto.

Hayyyy buhay. Kahit anong pagiwas ko pilit parin kaming pinaglalapit ng tadhana, pinaglalapit tapos paghihiwalayin ulit. Ang saya siguro ng tadhana na nakikita akong umiyak noh?

Nagshower muna ako bago matulog, pagkahiga ko sa kama naramdaman ko bigla ang pagod sa maghapon hayyyy. Hinawakan ko naman yung tyan ko at napansing paliit ng paliit ito dahil siguro wala na akong oras pa kumain pag gabi. Napapabayaan ko na masyado ang kalusugan ko dahil babad na babad ako sa pagttrabaho.

Sa sobrang pagod hindi ko na namalayan na nakapikit na ako, pero sa pagpikit ng mga mata ko nakita ko si Gabriel.... bakit hanggang ngayon dinadalaw parin nya ang isipan ko.

Nagising ako dahil sa tunoh ng cellphone ko, pagtingin ko tumatawag si yaya sinagot ko naman agad yun dahil bihira syang tumawag ng madaling araw.

"Hello Ya may problema ba?" Tanong ko habang humihikab. Narinig kong humihikbi sya, umiiyak ba sya? "Yaya pinapakaba mo naman ako ehh may nangyari ba?" Tanong ko ulit.

"Ang Lola Flora inatake sa puso papunta na kami doon ni Sir Eduardo sabi nya sumunod kana lang daw" sabi nya, bumangon ako bigla dahil sa sinabi nya hindi na ako nagbihis nakapajama lang ako pantulog kinuha ko lang ang wallet at jacket ko at dali daling lumabas. Madaling araw naman kung kayat wala namang makakakita saakin.

Paglabas ko ng pinto saktong lumabas din si Gabriel sa Room nya naka jacket at shorts lang. Tiningnan ko muna sya saka tumulo ang luha ko, "Si Lola...." sabi ko sakanya tapos pumunta sya saakin at yinakap ako "Tumawag rin saakin si Danilo, wag kang mag alala walang masamang mangyayari kay Lola" pagtahan nya sakin. Dahil dun sabay na kaming bumaba, ng nakapasok na kmi sa elevator kinapa ko ang bulsa ko...shit wala akong bulsa..  yung susi ng kotse ko ... "Saakin kana sumabay para mas mabilis" hayyyyy di na ako nagdalawang isip at tumango nalang.

Tawag ako ng tawag kay Yaya at Daddy pero di sila sumasagot nasa byahe na rin siguro sila. Lately ko lang narealise na super nakapambahay lang ako, at napasulyap ako kay Gabriel at ganun din sya. Pero iba na sya ngayon, maski nakapambahay sya halatang halata na mamahalin na rin ang mga suot nya.

Seryoso sa pagmamaneho si Gabriel ata bakas na bakas rin sa mga mukha nya ang pagaalala kay Lola. Halos si Lola na kasi ang tumayong magulang nya nang nasa hycienda pa sya hindi ko lang kaso alam kung naputol ba ang kumunikasyon nila sa loob ng limang taon.

"Alam mo bang si Lola Flora ang tumulong sakin upang maipagpatuloy ko ang pagaaral ko?" Ano? Akala ko.....

"Hindi ako tinigilan ni Lola hanggat hindi ako umuuwi ng Bicol.... wala na akong nagawa dahil labis ang pag aalala nya saakin nung naghiwalay tayo" dagdag nya pa, nakatingin lang ako sakanya habang pinakikinggan ang sinasabi nya.

"Umuwi ako ng Bicol pero hindi ako sa hacienda tumuloy, tinulungan ako ng mga kasamahan ko doon upang makahanap ng matutuluyan. Pinag aral din ako ni Lola sa B.U sa Legazpi at nakapasa ako sa requirements upang makapag ojt sa America.. halos apat taon akong nag aral dahil na credit din naman ang unang taon ko sa Architecture bago ako huminto hindi naman ako naging pabigat masyado kay Lola Flora dahil scholar ako at student assistant sa B.U" Naluluha sya habang nagkkwento,

wala akong kalam alam sa hirap na dinanas nya makapag aral lang, nagpapasalamat ako dahil nandyan si Lola para gabayan sya.

"Naabot ko to dahil si Lola at Ikaw ang naging inspirasyon ko. Walang araw na hindi kita inisip Aliya, walang araw na hindi ako nagsisi na iniwan kita. Labis akong nasaktan habang nakikita kitang umiiyak at nagmamakaawa sa harapan ko. Gustong gusto kita yakapin ng sinabi mo na kailangan mo ako" inalis ko ang pagkakatingin sakanya at tumingin ng deretcho sa daan gaya nya at pasimpleng pinunasan ang luhang namumuo sa mga mata ko.

"Kaya lang sabi ko sa sarili ko, kailangan ko munang magsikap para sa susunod na magkita tayo hindi ko na kailangang manliit sa tuwing makakaharap ko si Sir Eduardo"

Hindi ko alam kung bakit nya sinasabi saakin ang mga bagay na yan. Ibig ba nyang sabihin ay Mahal nya parin ako hanggang ngayon? Na ginagawa nya parin lahat ng to para saakin?

"Sa pag alis ko, umaasa akong may babalikan pa ako.... ngunit huli na ang lahat dahil ikakasal na ako......" napalingon ako sakanya at nakita ko ang luhang tumulo sa mga mata nya.

Gulat na gulat ako pero at the same time inaasahan ko na ang bagay na yan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na tumutulo dahil sa pag aalala kay Lola at dahil na rin sa mga pinagtapat nya saakin ngayon.

Magsasalita pa sana sya pero inunahan ko na sya "Congrats ha? Finally nahanap mo rin ang para sayo" nakangiti kong sabi pero deep inside parang sinasaksak ang puso ko. "At tungkol sa nangyari saatin noon, tapos na yun. Salamat dahil nabigyan ng sagot lahat ng katanungan ko sa loob ng limang taon at masaya akong natupad mo ang mga pangarap mo, nakakaproud kana man!" Masigla ko pang sabi pero halos madurog ang puso ko sa bawat ngiting binibigay ko sakanya.

Nagulat ako ng hininto nya ang sasakyan sa gilid. "Pinapatawad mo na ba ako?" Seryoso nyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko. "Hindi ko pa alam" sabi ko. "Kailangan na nating magmadali" dagdag ko pa saka nagdrive nalang sya ulit.

Matagal na kitang pinatawad Mahal ko, Sinta ko dahil kahit anong gawin ko hindi kayang magalit ng puso ko sayo, dahil laging sinasabi nito na wag akong tumigil mahalin ka.

Biglang nanumbalik ang sama ng loob ko kay Dad, kung pinabayaan nya lang sana akong maging masaya kapiling si Gabriel.... hindi sana sya ikakasal sa iba.

Huli na ba talaga ang lahat?

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon