ALIYA'S POV
Tatlong linggo na ang nakalipas at kahit ganon lagi parin kaming nagkakatxt at naguusap ni Gabriel at hindi narin ako msyado sumasama sa mga gimik nina Sam dahil sabi Gabriel pag aaral ko raw ang atupagin ko edi siempre sinunod ko sya hihi.
Sa wakas uwian na, hindi na ako makaphintay para tawagan ang pinakamamahal ko.
"Hello Mahal tapo-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nagsalita sya agad.
"Mahal pasensya kana pero may kailangan pa akong tapusin mag usap nalang tayo mamaya maiingat ka palagi" yun lang ang sinabi nya at binaba nya agad ang tawag.
Bakit nya ako binabaan? Siguro busy sya oo Tama busy yun sa Hycienda.
Pag uwi ko ng bahay naabutan ko na nagkkwentuhan si Aling Marta, si Daniel at ang nanay nyang gold digger. Mukang masaya ata ang pinaguusapan nila ahh
"Hey Ali nandito kana pala let's eat luto ni Ma favorite mo to hindi ba" sabi ni Daniel saka niyakap ako. Yuck
"No thanks busog pa ako matutulog na ako" cold kong sabi. I don't care msyado silang trying hard para mapalapit saakin pero never akong bibigay sa kplastican nila.
Gabi na pero hindi parin ako tinatawagan ni Gabriel bakit kaya. Natapos ko na ang mga homeworks ko at halos mabiniyak na yung utak ko grabe Math Sucks! Dahil dun hindi ko naiwasang mapaidlip. Nagulat ako ng biglang tumunog ang bintana ko at dahil dun nagising ang diwa ko at napatayo.
Lumapit ako ng dahandahan sa bintana saka binuksan ito, nan laki ang mga mata ko ng pagbukas ko nakatayo sa terrace ko si Gabriel. Anong ginagawa nya dito?????
"G-gabriel p-pano" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tinakpan nya ang bibig ko at pumasok kami sa loob ng kwarto ko. Gulat na gulat parin ako sa nangyayari kaya pala wala syang oras makioagusap at makipagtxt dahil nasa byahe sya.
Yinakap ko sya pero nagulat ako dahil hindi nya ako niyakap pabalik. Hindi nya ba ako namiss.
"Buti nalang nahanap ko agad ang Address na binigay ni Lola Flora saakin" pabulong nyang sabi dahil baka may makarinig saamin.
"Anong ginagawa mo dito" tanong ko.
Umupo kami sa kama at doon nag usap.
"Nandito ako dahil may gusto akong ipaalam sayo" sabi nya. Napakunot nalang ang noo ko at hinihintay kung ano pa ang susunod nyang sasabihin.
"Umalis na ako sa hycienda"
"Ano? Bakit?"
"Dito ako mananatili sa Maynila upang magtrabaho, gusto kong ipagpatuloy ang pag aaral ko pag nakapag ipon na ako...Mahal ayaw kong mapalayo sayo"
Pumunta ba sya dito dahil saakin? Di ko napigilan ang sarili kong yakapin sya nang mahigpit mas lalo akong napangiti ng maramdaman ko na niyakap rin nya ako pabalik.
"Masaya ako dahil magkasama na ulit tayo" sabi ko sakanya, hinahaplos nya naman ang buhok papunta sa likod ko saka bumitaw sa pagkakayakap. "Ngunit hindi ako pwedeng maabutan ng Daddy mo dito" pag aalala nya. Sus! Eh baka nga dito pa sya patuluyin ni Daddy eh pag mangyari yun share kmi sa kwarto ko hihi.
"Wag kang mag alala sasabihan ko si Dad" sabi ko sakanya. Ngunit nag iba bigla ang reaksyon ng mukha nya. "Hindi nya ako pwedeng makita, at kung maaari wag mong sasabihin sakanyang nandito ako at nagkikita tayo.. mag tiwala ka lang sa mga sinasabi ko saka ko na ipapaintindi saiyo" pakiusap nya. Naguluhan bigla ako sa sinabi nya nagtataka ako kung bakit ehh maayus naman kaming nagusap nung nasa Bicol kami. Di kaya?
"May sinabi ba sayo si Dad?" Tanong ko.
"W-wala naman mahal" tapos yumuko sya.
Sabi na nga ba eh, kaya nagtataka ako kung bakit wala man lang sinabi si Dad nang malaman nyang kami na ni Gabriel. Alam ko naman na hindi nya matatanggap si Gabriel para saakin, ginawa nya lang yun para sumama ako sakanya pabalik dito.
"Sigurado ka?" Tanong ko.
"May tiwala ka ba saakin Mahal?"
Tumango ako at niyakap nya naman ako. Sa ngayon umalis na sya bago pa sya abutam ni Dad, nakahanap na raw sya ng matutuluyan nya, sa pinsan ni Danilo. Magkikita kami bukas upang tulungam sya maghanap ng trabaho dito sa Manila.

BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...