Chapter 17

2.6K 34 0
                                    

Gabriel's POV

Ganito pala ang pakiramdam ng umiibig at iniibig soobrang saya lalo ng marinig ko galing mismo kay Sir Eduardo na tanggap nya ang relasyon namin ni Aliya. Ngunit mali ang inaakala ko.

Bago sila umalis kinausap ako ni Sir Eduardo at pinakiusapan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng sinabi nya saakin ang mga bagay na iyon.

"Gusto kong sabihin sa'yo na ginawa ko lamang iyon para sumama ng bukal sa kalooban si Aliya saakin pabalik sa Manila" Panimula ni Sir Eduardo.

"Hindi ko ho maintindihan ang nais nyong sabihin Sir Eduardo" sagot ko sakanya. "Nang malaman ko ang tungkol sa relasyon ninyo ng anak ko agad akong bumyahe papunta rito para ilayo sya sa'yo at sa buhay na maaari mong ibigay sakanya...nagiisang anak ko sya at ayaw kong mapunta sya sa lalakeng katulad mo na hamak lamang ng tagapagsilbi si aking Hycienda" Seryosong tugon ni Sir Eduardo. Pakiramdam ko parang binagsakan ako ng langit, may kirot sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag.

"Alam ko ho iyon, pero hindi naman ho ibig sabihin ay titigil na akong mangarap para saakin at para sakanya. Patawad ho kung ganito lamang ako, pero nagpapasalamat parin ho ako dahil binigyan nyo ako ng pagkakataon manilbihan sainyo...utang na loob ko po iyun sainyo at kung ito ho ang dahilan kung bakit hindi nyo ako matanggap para sa anak ninyo ipagpatawad nyo ho dahil hindi ho ako makakapayag na layuan sya kahit na ano pa ang sabihin ninyo" magalang parin ang pagkakasabi ko kahit na nasaktan ako sa mga sinabi nya knina.

"Layuan mo ang anak ko Gabriel!" Napataas na ang boses nya. "Patawad po ngunit mahal ko po si Aliya" hinding hindi ako susuko na patunayan skanya kung hanggang saan ang kaya ko maabot sa buhay.

"Magkano ba ang kailangan mo" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, halos mamuo ang mga luha saaking mata ng marinig ko iyon mismo sa mga bibig nya. Hindi ko lubos akalain na mamaliitin nya ako ng ganito.

"Marahil ho ay hindi ako mayaman gaya ninyo kaya sa tingin nyo hindi ako karapat dapat sa anak ninyo, pero hindi ho ibig sabihin niyon ay muka akong pera" tiningnan ko sya sa mga mata nya habang sinasabi ang mga salitang iyon sakanya.

"Eh kung hindi pera anong gusto mong gawin ko para layuan mo ang anak ko at pag hindi mo iyon ginawa ako mismo ang magpapaalis dito ngayon sa pamamahay ko" sabi pa nya.

Sa pagkakataong ito hindi ko alam kung tama ba ang magiging desisyon ko o hindi.

"Hindi na ho kailangan dahil ako na ho mismo ang aalis ng kusa, mawalanggalang na ho pero kahit kayo ang kumupkop saakin dito wala po kayong karapatan upang maliitin ako. Mahal ko ho si Aliya pero kung ang nais nyo ho ay magandang buhay para sakanya na sa tingin nyo'y di ko kaya ibigay... nirerespeto ko ho iyon.. Sir Eduardo" sabi ko at lalakad na sana ako pero tinawag nya pa ulit ako at liningon ko naman sya.

"Ayaw kong masaktan ang anak ko ng dahil sayo kaya pakiusap putulin mo na ang kahit anong komunikasyon na nag uugnay sainyong dalawa" pagtapos nun ay nauna parin syang umalis saka sumakay sa kotse kung saan naroon si Aliya at Aling Martah.

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon