ALIYA'S POV
Kararating lang namin ng airport, buti nalang at hindi naman kami late dahil maaga naman kmi ng 30 minutes. Buti nalang hindi namin naabutan ang traffic.
Nakaupo kami ngayon sa lobby at naghihitay. Maya maya pa kailangan na raw naming pumunta sa taas, nagulat ako ng may biglang nagsalita na lalake sa speaker "ALIYA MAHAL KO KUNG NARIRINIG MO AKO PAKIUSAP WAG MO AKONG IIWAN, WAG KANG AALIS NAGMAMAKAAWA AKO. MAGAPAPAKAMATAY AKO PAG INIWAN MO AKO HINDI AKO NAGBIBIRO! KAYA PAKIUSAP MAHAL KO PANGAKO HINDING HINDI NA KITA SASAKTAN PA, HINDI NA TULOY ANG KASAL NAMIN NI TRISH. SYA MISMO ANG NAGSABI SAAKIN NA HABULIN KITA AT HINDING HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAWALA KA PA ULIT SAAKIN. ALIYA MONTEVERDE, MAKINIG KA MAHAL NA MAHAL KITA MAGHIHINTAY AKO SA TAPAT NG ESCALATOR" Sabi nung lalaki at alam kong si Gabriel iyon
Napalingon naman saakin si Dad at nginitian ako pati si Tita Amy, "That's Gabriel right? Ano pa bang hinihintay mo takbo na!" Sabi ni Daniel at niyakap ko muna silang lahat at nagsorry kung hindi na ako makakasama pero naintindihan naman nila. Nagpaalam na ako dahil medyo ilang minuto na ang nakalipas baka umalis si Gabriel dali dali akong tumukbo papunta sa sinabi nya at nakita ko sya ngunit... paalis na. HINDI!
Tinawag ko sya "GABRIEL!!!!!!!" Buti nalang at napalingon agad sya. Nakita ko ang pagngiti nya, dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya. Nakatayo lang sya tapos nilagay sa bulsa ang mga kamay nya at tiningnan nya ako na para bang sinasabi na 'bakit ngayon ka lang knina pa ako naghihintay' natawa naman ako sa mukha nya. Dahan dahan din syang naglakad papunta saakin, ang gwapo nya talaga kahit naka longsleeve at slocks sya kahit pa gusot na gusot na ito pati buhok nya ang gwapo nya parin.
Nagslowmotion ang paligid habang papalapit kami sa isa't isa. Naiiyak na ako na parang ewan pero, Lord thank you!!!!!! Gosh this is it eto na to! May forever na ang lola niyo!!!!!
"Hi" -sya
"Hi" -ako
Tapos natawa kami, hinawakan nya naman ang kamay ko at pinagmasdan ito "Akala ko hindi na kita makikita, akala ko mawawala kana naman saakin" sabi nya habang hinahaplos ang mga kamay ko "akala ko hahayaan mo na lang akong magpakamatay" biro nya kaya napa 'psh' naman ako.. "I love you" sabi nya tapos hinalikan nya ang kamay ko at tinapat ito sa dibdib nya "Ikaw lang ang laman nito"
Hinwakan ko naman ang pisngi nya "I love you too, ikaw lang din ang laman ng puso ko" tapos nagulat ako dahil nag 'ayiiieee' sya at kinilig sya na parang timang hala? Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Nabaliw na ata to nang tuluyan.
Hinila nya naman ako palapit sakanya habang hawak ako sa bewang, tapos nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko kaya napapikit ako pero wala parin akong nararamdaman labi kaya dinilat ko ang mga mata ko tapos nakita kong nakangiti sya nang nakakaasar "Ikaw ah nasa public kaya tayo" sabi nya dahilan para kurutin ko sya at napa aray naman sya. "Paasa" sabi ko tapos inirapan ko sya at natawa naman sya "Biro lang" sabi nya tapos nagulat ako dahil hinalikan nya ako bigla, sa una nagulat ko ako pero dahan dahan ko ring pinikit ang mga mata ko. Tapos narinig nalang namin nagpapalakpakan na yung mga tao omg! Agaw eksena kami dito ngayon!
"Aliya?" -sya
"Hm?" -ako
Nagulat ako ng bigla syang lumuhod, dahilan para maghiyawan yung mga tao.
"Pasensya na kung wala akong singsing sa ngayon pero pangako bibigyan kita" natawa naman ako, tapos hinawakan nya ang kamay ko "Pakasalan mo ako please?" Sabi nya habang nagpapacute, para syang timang "May please talaga? Ayusin mo naman" reklamo ko tapos napa ehem naman sya "Sinta ko, Iniibig ko.... pag ako pinakasalan mo sampong anak ang ibibigay ko de joke" tapos tumawa sya, kala ko seryoso di ba sya nangangawit sa posisyon nya? Ang dami nyang pa echos ah!
"Sinta ko, Iniibig ko Will you marry me?"
"Yes, Gabriel I will marry you" nakangiti kong sabi tapos tumayo sya at nagtatatalon sa tuwa, tapos niyakap ako ng mahigpit at nagpaikot ikot kami dahil binuhat nya ako, nahilo na ata sya kaya binaba nya na ako. Nagdikit ang mga noo namin at nilasap ang oras na to. Finally!
Paglabas namin pinagtitinginan kami ng mga tao pati nung mga security guard, ako ba tinitignan nila? Pagtingin ko kay Gabriel nakayuko sya na para bang tinatago ang mukha sa hiya. Siniko ko naman sya "Anong kahihiyan ang ginawa mo dito kanina" napailing lang sya tapos nagtago sa likod ko na parang bata. Maya maya pa tinawag kami nung bantay sa labas "SIR! Mabuti naman at naabutan nyo ang babaeng mahal nyo!" Sabi nung guard at napangiti naman ng awkward si Gabriel. "Buti nalang Mam hindi pa kayo nakaalis, dahil mababaliw na dito si Sir kanina" tapos natawa naman ako at tiningnan si Gabriel na hiyang hiya na. Ngayon nya lang siguro narealize ang kahihiyang ginawa nya. Hinila nya na ang bagahe ko, naglalakad kmi ngayon pero hindi pa namin nararating ang kotse nya nagcommute ba sya? Knina pa kami naglalakad pero napatigil kami nang may pulis na tumawag sakanya at napa 'tsk' na naman si Gabriel . Wait there's more? Ano na naman ang ginawa nya.
"Sir nasa prisinto na po ang kotse ninyo na iniwan ninyo sa gitna ng kalsada, doon nalang po kayo magpaliwanag upang mabawi nyo iyon ng maayos" paliwanag nung pulis tapos yung isang pulis napailing iling "Alam ko na yang mga eksenang ganyan iho buti nalang nakaabot ka pa" sabi nun tapos napakamot naman sa batok si Gabriel at nagsorry saka pumara ng taxi.
"Grabe ang dami mong pinagdaanan" biro ko sakanya ng makasakay na kmi sa taxi, ipapakuha nya nalang daw sa kaibigan nya ang kotse dahil gutom na gutom na raw sya. "Ganyan kita kamahal" sabi nya tapos kinimdatan ako. Nakatingin lang ako sakanya, nakapikit na sya ngayon at nasa balikat ko ang ulo nya. Napagod siguro sya sa maghapon kakahabol saakin. Hinawi ko ang buhok nya na gulong gulo na parang sinabunutan "Kawawa naman ang mahal ko" tapos kiniss ko noo nya. "Pahinga ka muna"
![](https://img.wattpad.com/cover/159303631-288-k542200.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...