Chapter 9

3.3K 45 1
                                    

Makalipas ang ilang araw halos paulit ulit lang naman ang ginagawa ko. Tatawag si daddy para humingi ng update aboutbsa deliveries at thank god maayus naman. Ako ang naghahandle ng papers and all pero ginagabayan naman ako ni Lola at sabi nya natutuwa raw saakin si Daddy.

Gabi na at medyo inaantok na rin ako.. Feeling ko tinamaan na talaga ako sakanya sana ganun din sya saakin.

"Aliya!" Tawag sakin ni Yaya at sunod sunod ang katok dahilan para magulat ako. "Yaya naman gabing gabi na oh magpatulog kna man" sabi ko habang kinakamot ang ulo ko dahilan para magulo yung buhok ko. "Halika! Matutuwa ka sa mkikita mo" tapos hinila nya ako papasok ulit sa kwarto ko at sinarado ang pinto, akala ko mauupo kami sa kama pero sa harap ng bintana nya ako dinala tiningnan ko naman sya "ano ba gagawin natin dito sa bintana" tapos nagulat ako ng pagbukas nya ng bintana, tumambad saakin ang napakagwapong nilalang naka porma, may hwak na gitara at may back up pa.

Si Gabriel haharanahin ako??????

Inayos ko agad ang buhok ko saka dumungaw ulit sa bintana, shocks feeling ko nasa makalumang panahon kami.

Nakangiti sya ngayon saakin. Nagsimula na syang mag stram ng gitara nya at inumpisahan na ang intro ng kanta. OMG marunong syang tumugtog?

Teka ano bang kakantahin nya.

Uso pa ba ang harana?

Ang ganda ng boses nya.

Marahil ikaw ay nagtataka, Sino ba tong mukang gago nakandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba.....

Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin. Sayong tingin ako'y nababaliw giliw at sa awitin kong ito sana'y maibigan mo... Ibubuhos ko ang buong puso ko..... at sa isang munting harana.....

Tinigil nya yung pag gitara nya at tumingin ng deretcho sa mga mata ko at kinuha nya yung bulaklak kay Danilo.

"Para sa'yo..."

Ayiiiiiiieeee sa ganung paraan nya tinapos yung lyrics ng kanta... kyaaaahhhhh

Nanghina naman ang tuhod ko kaya napahawak sakin si Yaya na ngayon ay halatang kilig na kilig rin.

"Maaari ba kitang makausap aking Sinta?" Tanong nya tapos siniko naman ako ni yaya at tumango naman ako. Aking Sinta? Ene be!




Nandito kami ngayon sa 'tagpuan' kuno namin nakaupo at hawak ko ang bulaklak na bigay nya. Hindi ako umiimik dahil sa loob loob ko kilig na kilig parin ako.

"Sana nagustuhan mo" sabi nya binasag nya yung katahimikan di rin nakatiis haha.

"Kumakanta ka pala?"

"Ngayon lang" tapos napangiti sya. "Nagustuhan mo ba?" Dagdag pa nya.

Tumango naman ako, "Siempre, kinilig nga ako eh" pabebe kong sabi. "Meron pa sana akong ibibigay kaso nahihiya ako" Nakayuko nyang sabi, napakunot naman ang noo ko.

"Akin na, wag kanang mahiya" pinupush ko talaga. Saka sya may dinukot sa bulsa nya na isang papel. Ano kaya yan.

"Ginawa ko yan, gusto ko sanang basahin mo ngayon" favor nya. Kinuha ko yung papel at binuklat ito, tula? Uso pa ba to? Pero I don't care! ang romantic kaya. Di ko alam na mas nakakakilig pala yung mga panliligaw sa paraan ng paghaharana at pagsulat ng tula mas naappreciate ko.

Sinta ko, iniibig ko
Aaminin ko ako'y nabihag mo
Nakakapagtaka dahil sa isang iglap ikaw na ang tinitibok nitong puso ko

Langit ka, lupa ako
Ngunit di yun sapat para ikaw ay layuan ko
Sana malaman mo
Na ang ngiti at mga tingin mo
Ang dahilan para ika'y mahalin ko

Sinta ko, iniibig ko
Mahal kita at yan ay totoo
Pagtinanong kita kung pwede ba tayo
Sana ang sagot mo ay matamis na Oo.

"Kyaaaaahhhhhhhh" di ko na napigilan ang sarili ko, nag confess sya sakin sa pamamagitan ng tula, at tinatanong nya ako sa pamamagitan ng tula.

Narinig ko syang tumawa dahil sa reakson ko. "Anong sagot mo?" Nakangiti nyang tanong.

"Totoo ba to?" Tanong ko, sinisiguro ko lang kasi di ko pa kasi feel na gusto nya talaga ako. "Marahil nagtataka ka dahil hindi sapat ang mga pinakita ko upang maramdaman mo na gusto kita..." sabi nya tapos hinawakan nya kamay ko. "Hindi ko alam kung kailan pero alam ko na dito, dito sa punong ito naramdaman ko na gusto na kita" shet totoo ba to? Ang lalim pa ng tagalog nya. Nag aalala na ngayon ang mga mata nya hinihintay ang sagot ko. Thiz iz it

"Gusto mo ba talaga ako?" Super naniniguro talaga ako ewan ko pero ayaw ko na ng fling fling gusto ko yung tunay na. Ngumiti sya. "Ibig bang sabihin nyang mga tanong mo ay, hindi mo tinatanggap ang pag ibig ko?" Nagfrown ako bigla hala atat syang msyado.

"Alam ko namang baliw ako pero iba kasi yung nararamdaman ko sayo, hindi yun joke.. totoo yun kaya natatakot ako na baka ako lang ang nakakaramdam nun" paliwanag ko pa. Hindi nya naman inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak. "Wag kanang mangamba, dahil gusto talaga kita. Ayokong isipin ang mga susunod na mangyayari dahil ang nais ko lamang makasama ka kahit pa alam kong maraming tututol sa pagibig ko saiyo"  tama sya, yung ginawa nya nag risk sya. Alam ko na hindi magiging maganda kalalabasan nito pero isa lang ang alam ko. Ipaglalabam ko to.

"Sinta ko, iniibig ko
Mahal kita at yan ay totoo
Pagtinanong kita kung pwede ba tayo
Sana ang sagot mo ay matamis na Oo." Inulit nya yung last part nung tula nya.

Sa pagkakataong ito, ikaw lang at ako ang mahalaga.

"Oo Gabriel, Sinta ko, Oo ang sagot ko" napatahimik naman sya at mukang gulat na gulat. Tapos maya maya nagsisisigaw sya at nagtatatalon sa tuwa sinaway ko sya at naupo at humarap ulit saakin

"Maaari ba?" Nagpapaalam sya kung pwede nya ako ihug tapos tumango naman ako.

Magkayakap kami ngayon, dito sa ilalim ng punong saksi sa aming pagmamahalan. Hiling ko lang ay sana hindi na matapos to.

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon