5 years later....
Traffic na naman! Makakahabol pa kaya ako? Pabalik balik ang tingin ko sa relo ko at sa daan. Shit I'm dead
5 years have passed and yes I'm still Alive and C.E.O na ngayon. Gaya ng sabi ko ako parin ang taga pagmana ni Daddy, pero imbes na ipagpatuloy ang sinimulan nya.... nag deside ako na magtayo ng saring building na isa sa pinakasikat ngayon sa Manila.
Maraming nangyare sa loob ng limang taon, siempre grumaduate ako at nagfocus sa pagpplano ng negosyo. At dahil nasa poder parin ako ng Daddy sino ba naman ako para hindi magtawad diba at kung tutuusin nagkasala rin ako sakanya, ginawa nya ang lahat para magkaayos kami dahil sa ginawa nyang pagpapahiwalay saamin ni Gabriel na ngayon ay wala akong ideya kung nasaang parte n sya ng mundo at wala rin akong pakialam, pero paminsan minsan ay dinadalaw naman sya ng isip ko sa gabi at hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa syang alalahanin. Erase erase!
"Mabuti naman at nakahabol ka! Magsisimula na" sinalubong ako ni Liam.
Ikakasal ngayon si Sam kay ..... Louis na nakilala nya sa Cebu at dito sa aking hotel gaganapin ang wedding. Yep you read it right hindi Liam kundi Louis. So sad dahil hindi sila nagkatuluyan ng nagiisa kong kaibigang lalaki. After graduation kasi nawalan sila ng communication dahil kinailangang pumunta ni Sam sa Cebu dahil sa Mommy nya at ayun na nga.
Mabuti nalang dahil cool ang break up nila, walang umiyak at walang nasaktan kumbaga chill lang. Naramdaman nalang daw kasi nila bigla na parang wala nang spark kaya madali lang para saknila lahat kahit pa marami silang memories na shinare together.
And Yes invited si Liam pero kasama rin and fiance nyang british na car racer din. Oh diba match na match sila, hindi talaga sila meant to be ni Sam! Parang kami lang ni Gabriel... hindi meant to be kundi meant to hurt each other. Aray
Pareho silang dalawa ikakasal na samantalang ako eto, nga nga parin. Buti pa sila.
Nagsimula na ang ceremony at habang naglalakad si Sam sa papuntang altar hindi ko maiwasang mapaluha, sobrang saya ko para sakanya. "Ang o.a ha nanay ka ba nya?" Siniko ako ni Liam dahil mas malakas pa ang iyak ko kesa sa Mommy ni Sam. Eh bakit ba! "Eh ikaw hindi kaba naiiyak? Minsan mo ring minahal yan noh!" Sinenyasan nya naman ako na hello katabi ko fiance ko okay ka lang.
"Hindi naman tayo naiintindihan nyan" napangiti nalang sya.. "Naiiyak rin ako dahil ako dapat yung nasa altar ngayon naghihitay sakanya" bigla ko naman syang tiningnan. Omg. "Joke lang!" Hayyyy kinabahan ako dun ah.
Nasa reception na kami ngayon at magkausap kami ni Sam.
"I'm so happy for you Sam" sabi ko at niyakap sya.
"I'm more than happy for you Aliya, look.. you're almost living your dream and kinaya mo and I'm so proud of you alam mo yan" She'll always be my bestfriend... my true friend na hindi ako sinukuan sa mga panahong tinataboy ko sya dahil gusto kong mapag isa. She never gave up on me, not like what Gabriel did.
*phone ringing*
"Wait lang Sam sagutin ko muna to" sabi ko saknya at bumalik na sya sa table nila ng husband nya at nagsimula na ang program.
Tumawag saakin ang secretary ko na may emergency meeting daw, kaya nagpaalam muna ako kay Sam at sa asawa nya. Wala namang problema dahil nandito lang naman sa hotel so hindi naman hussle.
"Miss Monteverde ano sa tingin nyo?" Sabi ng project incharge na prinesent nila saakin ngayon. Balak nilang palawakin at dagdagan ng iba pang parts ang hotel na pwedeng pandagdag attraction sa mga customers. "Financially, malaki ang kakailanganin natin nyan and we need to make sure ang safety ng structures and foundation so we badly need a talented and well-known architech for this project" paliwanag ko.
"We completely understand what you're trying to say Miss Monteverde that's why nagresearch talaga kami ng pinakamagaling na architech dito sa Pilipinas and luckily we found one, although bata and baguhan palang we made sure na he's fit for this project" sabi ng project in charge at tumango naman ako."Well let's call it a day then, magpahinga na tayong lahat" tinapos ko na agad ang meeting dahil baka hanapin ako sa baba.
Napaisip ako bigla sa new project ng hotel, parang kakaiba ang nararamdaman ko eh.
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...