Nang sinabi saakin ni Lola na darating si Daddy agad kong pinuntahan si Gabriel para ipaalam sakanya. Thiz iz it! We have to make it legal charot! Haha
Sa totoo lang natatakot kinakabahan ako sa maaaring mangyari pagdating ni Dad at alam kong ganoon din sa Gabriel, bakas na bakas sa mga mukha nya ang kaba at pag aalala kung matatanggap ba sya ni Dad. Hayyyyy
Maya maya pa pinatawag na ako ni Lola dahil nasa bahay na raw si Dad naghihintay. Tiningnan ko naman si Gabriel "Kung di ka pa rea-" di ko na natuloy ang sinabi ko dahil hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit. "Handa ako wag kang mag alala" nagkatinginan kami at nginitian ang isa't-isa.
Magkahawak kamay kaming pumasok ng bahay di alintala saamin na nandoon si Dad naghihintay at nakaupo sa sala. Nashock siguro si Dad sa nakita nya dahil napa ayus sya ng upo at tiningnan ang mga kamay namin na magkahawak at kasabay nun ang paglunok ko ng laway ko. Oh no
Pero laking gulat ko ng napangiti sya, maging si Gabriel ay nagulat rin. Wala pa kaming sinasabi ah....
"M-magandang umaga ho Sir Eduardo" sabi nya kay dad at nag bow, pansamantalang binitawan ko naman yung kamay nya para puntahan si Dad at magbeso.
"Maupo muna kayong dalawa" tugon ni Dad at sumunod naman kami. Magkatabi kami ni Dad at nasa harap nya naman si Gabriel.
"Masaya ako ng malaman kong si Gabriel ang iyong naging kasintahan Aliya" biglang sabi ni Dad ng nakangiti ng sobra dahilan para magtaka kami ni Gabriel. This is beyond my expectation....
"Ipagpaumanhin nyo po Sir kung hindi na ako nakapaghintay sa pagdating ninyo upang ligawan si Aliya" paliwanag ng Mahal ko.
Di parin ako makapagsalita.
"Naiintindihan ko at walang kaso saakin yun, dahil gaya ng Nanay panatag ang loob ko na ikaw ang kasintahan nya" hala totoo ba to? Legal na kami at di sya tutol ? Napangiti naman si Gabriel sa sinabi ni Dad.
"Huwag po kayong mag alala dahil ipagpapatuloy ko po ang pag aaral ng arkitektura, gagawin ko ho syang inspirasyon ko at hindi ho magiging hadlang ang aming relasyon sa pagbalik nya sa Maynila upang magaral" sabi pa nya.
Omg namamanhikan ba sya? Gosh 20 palang ako!
Napatango naman si Dad. "Mabuti yan, ngunit Aliya.." tapos tumingin sya saakin.
"Bakit po Dad?" Nagtataka kong tanong sakanya. Ano na naman ba ang sasabihin nya
Tumayo siya bigla "kailangan mo nang bumalik ng Manila, sasama ka saakin pagbalik ko dahil ayaw pumayag ng University mo na bigyan ka ng private teacher, halos mag tatatlong buwan kana dito baka malaki ang maging epekto nito pag balik mo" what? Babalik na akong Manila? Paano si Gabriel?
Dinako ko ang tingin ko kay Gabriel at nakita kong napayuko sya. Magagalit ba sya kung iwanan ko sya dito?
"Mauuna na ako, bibisitahin ko muna ang mga tauhan ko sa hycienda. Maiwan ko muna kayong magusap ni Gabriel" bilin ni Dad.
Tumabi ako sa kinauupuan ni Gabriel at nginitian nya ako saka hinawakan ang kamay ko "Ayos lang saakin, alam ko naman na kahit anung oras babalik at babalik ka sa Maynila..hindi ko lang inaasahan na magiging ganito kabilis pero hayaan mo pag magkapera ako susundan kita roon" tiningnan ko lang sya ng napakalungkot pero di ko parin maiwasan mapangiti sa mga sinabi nya.
"Wag kang titingin sa ibang babae ha!" Bilin ko sakanya habang may namumuong luha sa mga mata ko. "Ikaw lang ang natatanging babaeng titingnan ko..wala nang iba pangako yan at tsyaka magkikita naman tayo agad hindi ba?" Kinokomfort nya ako pero alam ko sa sarili ko na malungkot din sya gaya ko.
Di ko na napigilan ang tumulong luha sa mata ko at pinunasan nya ito, naiisip ko palang na hindi ko sya makakasama ay sapat na upang malungkot ako. "Wag kang iiyak bahala ka papangit ka nyan" biniro nya pa ako. "Bakit ikaw hindi ka ba naiiyak?" Tanong ko.
Niyakap nya ako "Halika nga dito, hayyyy ngayon palang namimiss na kita" at niyakap ko rin sya pabalik.
Alam kong bago palang kaming magkasintahan pero feeling ko parang ang tagal tagal na namin. Kahit pa ilang oras lang ang byahe mula Bicol papuntang Manila feeling ko nasa magkaibang bansa kami feeling ko ang layo namin sa isat isa. Ilang minuto rin kaming nanatiling magkayakap. Hayyyy miss na agad kita Mahal ko.
Inimpake ko na ang mga gamit ko at tinulungan naman ako ni yaya at Gabriel natawa nga ako dahil halos si Gabriel yung nag asikaso ng mga gamit ko sya lahat naglagay ng damit ko ultimo underwares ko sya na nagayus wala nang hiya hiya, di ko naman sya napigilan. Hayyyy
Ginawan nya pa ako ng Manggo Chips at Minatamis ipasalubong ko raw iyon sa kaibigan ko. Super maeeffort sya ngayon at sinusulit nya bawat oras na magkasama kmi dahil mamayang gabi paalis na ako.
Bago kami bumyahe nakiusap sya kung pwede kaming magkita sa Tagpuan namin doon sa malaking puno at pinuntahan ko naman sya since hindi pa naman oras ng pag alis namin.
"Ang porma ng Mahal ko ah may lakad ka ba?" Pagbibiro ko sakanya dahil naka ayus ngayon ang sarili nya, at ang gwapo nya dahil lubos na nagdala yung buhok nyang mala daniel padilla yung sa can't help falling inlove.
"Wala gusto ko lang maging presentable sa harapan ng Mahal ko bago sya umalis sya nga pala para sayo" inabot nya sakin yung bulaklak na nakatago sa likod nya. Ang sweet sobra hayyyyy nakakamiss lalo.
May dinukot ulit sya sa bulsa nya, napangiti naman ako dahil alam ko kung anu yun.. "Nais kitang handugan ng isang kanta bago ka bumyahe" Aii akala ko tula hehe. Nagukat ako dahil may dala pala syang gitara sa gilid di ko man lang napansin. Pinaupo nya na ako at saka naupo rin sya.
Ikaw na ang may sabi
Na ako'y mahal mo rin..... ..Nakatingin lang ako sakanya magdamag habang pinapakinggan ang maganda nyang boses dahil dun di ko naiwasang mapaluha. Inalis nya yung gitara nya saka lumapit at humarap saakin.
"Hihintayin ko ang pagbabalik mo Mahal ko, sobra kitang mamimiss mag iingat ka palagi at huwag na wag mong pababayaan ang sarili mo ha at mahal na mahal kita tandaan mo yan" sabi nya tapos yinakap nya ako. Yinakap ko rin sya ng mahigpit na mahigpit. Itong mga yakap na to ang tanging nagpapaligaya sa mga araw na malungkot ako.
"Mahal di kita wag kang mag alala babalik ako agad at kapag hindi naman, bisitahin mo ako ha" tugon ko saknya habang magkayap parin.
Inalis nya ang pagkayakap nya at hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko, dahan dahan syang lumapit at naramdaman ko nalang na napapikit na pala ako ng maramdaman ko ang labi nya na dumampi sa mga labi ko. Naramdaman ko din ang tubig na dumaloy sa mukha nya, umiiyak ba sya?
Paalis na kami ngayon pero bago ako umalis nakiusap ako kay yaya na kung pwede nyang iwan ang phone nya kay Gabriel at bibilhan ko nalang sya ng bago pagdating ng Manila buti nalang pumayag sya. Napanatag ang loob ko dahil kahit papano hindi kami mawawalan ng contact sa isat-isa.
Nagpaalam na ako kay Lola at sa mga kasamahan namin sa Hycienda bago sumakay ng sasakyan pero bago yun sinunggaban ko naman ng huling yakap si Gabriel at yinakap nya naman ako pabalik.
"Mahal na mahal kita tatawag ako pag dating sa Manila wag na wag mong bibitawan ang cellphone ha?"
"Mahal na mahal din kita magiingat kayo sige na lumalalim na ang gabi"
Tiningnan ko sya sa likod habang papalayo ng papalayo ang sasakyan namin. Hayyyy Long distance relationship agad kami, kailangan ko pang tapusin ang sem bago makabalik ulit dito.
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Storie d'amore#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...