Nasa office ako ngayon, sobrang sakit ng katawan ko na ewan. Ugghhh!
"Goodmorning friend!" Bati ni Sam. Nandito na naman sya? Hindi ba sya busy?
"Anong ganap?" Tanong ko.
"Wala akong mapuntahan ehh ang boring sa bahay!" Wow ikaw na ang may bahay haha
"Pinaglilihian mo siguro ako noh?" Biro ko sakanya
"Teka bakit mukang goodmood ka? At bakit parang ang blooming mo ngayon?" Tanong nya habang chinecheck nya ang mukha ko. Nanginit tuloy yung pisngi ko bakit ba ang hirap magtago sa taong to
"May nangyari noh?" Alam nya ba lahat ng nangyayari sa buhay ko?
"HA? WALA WALA"
Tapos napakunot noo nya.
"Wala nga! Wala namang nangyare saamin!" Opps napatakip ako sa bibig ko.
"ANG TINUTUKOY KO KUNG MAY NANGYARI BA SA MEETING NYO KAHAPON?"
OMG
"ikaw ah! Paayaw ayaw kapa!"
Patay na talaga.
Maya maya pa pumasok si Mia "Miss monteverde, nandito na po ang ticket nyo papuntang U.S hinatid po ni ng brother nyo mukhang nagmamadali po sya kaya hindi na po sya pumasok dito" tumngon naman ako sakanya at lumabas na sya.
"So tuloy na tuloy na talaga?" Tanong ni Sam.
"Oo naman! Sure na ako dito noh!" Sabi ko skanya at napataas naman ang kilay nya. "Paano si Gabriel? Tatakasan mo nalang yung nangyari sainyo? Pano kung hindi nya ituloy ang kasal tapos aalis ka"
Hayyy.
"Hindi nya naman pwedeng hindi ituloy ang kasal Sam" yun na lang ang sinabi ko.
Wala na si Gabriel sa hotel kaya hindi na kami nakapagusap pa tungkol sa nangyari kagabi.
Lumipas ang halos apat na araw, abalang abala ako sa pag ayos ng papeles ko dahil sa araw mismo ng kasal ni Gabriel ang alis ko. Sinadya ko talaga yun para wala akong dahilan para hindi ituloy ang pag alis ko at mas mabuti na yun para kung sakaling malaman nya na aalis ako hindi na ako mahahabol. Assuming ang lola nyo!
Nagdinner rin kami ng mga kaibigan ko na sina Seb, Liam at Sam at ang husband nya parang padespedida rin nila saakin dahil ngayong araw na yung alis ko. Sayang nga eh dahil aalis na rin pala si Seb kaso hindi kami magkasabay dahil hindi kami magkasama bumili ng ticket online eh. Panay nga ang iyak ni Sam at pinipigilan akong umalis dahil wala daw sasama sakanya mamili ng mga gamit ng baby nya pag may work si hubby nya. Kinomfort naman sya nina Liam pero hindi parin sya nagpatinag sa kakaiyak, pinahbigyam nalang namin kasi buntis nga diba kaya sensitive sya masyado.
Nasa bahay ako ngayon dahil samasama kaming pupunta ng airport.
"Hindi kaman lang ba magpapaalam kay Gabriel?" Tanong ni Dad saakin. Ngumiti naman ako sakanya saka sya sinagot "Busy yun dad sa kasal nya ngayon" tapos niyakap nalang ako ni Dad. "Dad naman ehh wala"
"You sure Aliya wala kanang dadaanan?" Tanong ni Daniel, sya kasi nagddrive eh nasa passenger seat naman si Dad and katabi ko si Tita Amy at sa tabi nya naman si Yaya Marta. Yep kasama sya hihi
Napangiti naman ako sakanya "Gusto ko sanang daanan ang puntod ni Mom kung okay lang at kung di naman tayo aabutan nh traffic" sabi ko tapos tiningnan ko si Tita Amy na para bang humihinhi ako ng permiso dahil baka mailang sya makaharap ang puntod ni Mom at hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti. "Okay then" sabi ni Daniel saka lumiko.
Masaya ako ngayon dahil napatunayan kong hindi naman pala pera ang habol ni Tita Amy kay Dad all these years. Napatunayan ko yun sa loob ng 5 years dahil kahit si Daniel ayaw magmanage ng kahit anung business ni Dad. Natutuwa ako na nakahanap kami ng pamilya na may mabubuting puso, lately ko lang kaso yun narealize so bale maraming taon ang nasayang ko. Pero babawi ako sakanila.
Nakarating na kmi sa cemetery, sinabihan ko sila na ako na lang ang bababa at sandali lang naman ako doon at pumayag naman sila. Halos ilang buwan rin ako hindi nakadalaw kay Mom, sayang nga lang dahil magkahiwalay sila ng puntod ni Lola dahil nasa Bicol si Lola. Madali ko naman nahanap ang musseleum ni Mom.
Pagpasok ko parang kung anong malamig na hangin ang dumapo saakin pero hindi ako kinilabutan, bagkos napaghiti ako. Ano kaya ang pakiramdam ng tunay na yakap na galing mismo sa nanay ko. Linapag ko yung white rose na dala ko na may puting ribbon.
"Hi Mom, sorry ngayon lang ako nakapunta ang sad nga lang dahil magpapaalam rin ako at the same time. Alam mo bang finally, nawala na yung galit sa puso ko at alam kong isa ka sa mga tumulong saakin para masurpass lahat ng iyon. And Mom, alam mo bang nagkaroon ako ng boyfriend when I was 20? At sa Bicol pa mismo nangyari lahat ng iyon sa lugar ni Lola, ngayon ko lang nakwento sayo yun dahil nahihiya kasi ako ehh alam mo Mom.... sobrang gwapo nya, sobrang sipag rin at sobrang talino sayang nga lang hindi ko sya napakilala sainyo pero love na love sya ni Lola at alam kong ikinwento na yun ni Lola sayo dyan sa langit. Kaso nga lang Mom naghiwalay kami, but nagkita naman ulit kami kaso..... ikakasal na sya sa iba" Umiiyak na pala ako habang nagkkwento kay Mommy.
"Pero sabi nya ako lang daw ang mamahalin nya, at sabi nya hindi nya raw itutuloy ang kasal pero hanggang ngayon hindi nya parin ako hinahanap, at tingin ko hindi na talaga dahil pupunta na kaming U.S at doon na ulit magsisimula ng panibagong buhay kasama ang bago naming pamilya pero don't worry Mom hinding hindi kanaman kayang palitan ng kahit sino dito sa puso namin ni Dad" biglang malakas ulit na hangin ang naramdaman ko. "Magiging okay rin ako Mommy ko hindi lang ngayon pero someday..... hindi lang naman sya ang lalaki sa mundo hindi ba? Pero..... sya lang talaga ehhh sya lang ang sinisigaw at tinitibok nitong puso ko" pinunasan ko na yung luha ko dahil may narinig akong yapak ng mga paa, paglingon ko si Dad pala. Napangiti naman ako, akala ko hindi nya man lang kakausapin si Mommy.
"Dad, I feel great after talking to Mom" sabi ko sakanya tapos yinakap nya ako, nakaharap kami ngayon sa puntod ni Mom "Ang saya siguro ng Mommy mo ngayon dahil kumpleto tayo ngayon dito" sabi ni Dad saakin. "Oo nga eh, knina ko pa sya nararamdaman na niyayakap ako" lumapit naman si Dad sa lapida ni Mommy at hinaplos nya ang pangalang nakaukit doon "You were always be the love of my life Hon, kayo ni Aliya, kayong dalawa ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko" with that nag selfie kami ni Dad at inupload ko iyon sa insta ko, 'saying goodbye with Mom for the second time #SeeYouSoonUS' ang caption ko. Umalis na kami at sumakay na sa car pagkaupo ko niyakap ko si Tita Amy, kusa nalang akong dinala ng katawan ko sa mga bisig nya. Siguro dahil kay Mommy.
"Let's go?" Tanong ni Daniel... "Aha Let's go!" Masigka kong sabi at nagdrive na si Daniel. Nakatingin lang ako sa window,
Nag I do's na kaya silang dalawa?
![](https://img.wattpad.com/cover/159303631-288-k542200.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romantizm#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...