Chapter 38 - ENDING

3.3K 48 14
                                    

Sa Bicol, kung saan una tayong nagkita, kung saan nagsimula ang lahat. Sa Mayon, kung saan naramdaman kong ikaw na nga talaga, at sa ating Tagpuan na naging saksi ng lahat nang kaligayahan, kalungkutan at pag papaalaman sa isa't isa, sa Tagpuan na kung saan nabuo ang ating pagmamahalan.

Ako, si Aliya Monteverde na taga Manila at nainlove kay Gabriel *wala akong maisip na lastname sorna* na taga Bicol.
Magkaiba man ang estado sa buhay na naging dahilan ng pagkawasak ng kanilang puso pero hindi ito naging hadlang upang putulin ang pagiibig na naguugnay sakanilang dalawa.

"Napakaganda naman ng babaeng to" Sabi ni Liam kasama sina Sam. "Thanks Li" sabi ko. "Bagay na bagay sayo ang white gown na yan friend! I'm so happy for you" sabi ni Sam na ngayon ay sobrang taba na dahil lumalaki na rin ang tummy nya haha.

Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin kung hindi ako tumakas noon sa bahay ng gabing yun at kung hindi ako pumusta ng malaki sa karera ni Liam at kung hindi ako nahuling nagover the bakod ni da.... hindi ko sana suot ang wedding dress na ito ngayon, hindi ko akalain na maisusuot ko ang pangarap kong wedding gown. Oh yes! Hindi ako magtatandang dalaga waahhhh!

"I'm so happy for you and Gabriel, kayo na talaga ang may forever hmp!" Sabi ulit ni Sam at natawa naman ako. Maya maya pa pumasok na sina Yaya, Tita Amy at Daniel. Napawow naman sila dahil ang ganda at ang sexy ko raw oh diba?

"Handa kana ba?" Tanong ni Dad napatango naman ako saka niyaya na ako pababa ng kotse. "Congratulations Anak, masaya ako para sayo" tapos nagyakapan at nagiyakan muna kami sa loob ng sasakyan. Kainis yung make up ko!

Napahinga ako ng malalim habang bumukas yung pinto ng simbahan saka nagplay yung kanta na Tagpuan by Moira.

Nakita kong nakatayo malapit sa altar ang lalakig pinakamamahal ko, napakatikas ng tindig at napakagwapo sa white suit nya na match na match sa wedding gown ko. Sobrang gwapo nya talaga hayyyyy kaya ata ako nabaliw ng todo rito eh at kaya rin siguro naisuko ko ang bataan wala sa oras waaahhhhh!

Gosh rinig na rinig ko ang iyak ni Sam sa unahan! Hindi ko tuloy mafeel yung music na sobrang match na match yung lyrics sa love story namin. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mapaluha dahil nakikita kong pinupunasan ni Gabriel ang mata nya ng panyo nya, nakakahawa tuloy! Tsk!

Nagyakapan sila ni Dad bago binagay ang kamay ko kay Gabriel, pinosisyon nya naman ang braso nya at humawak naman ako doon at nagkangitian kami. Binulungan nya pa ako na ang ganda ko raw char! Kilig ang lola nyo! Honeymoon na agad to! wooohhh

Nagsimula na ang ceremony at lahat tahimik lang. Maya maya pa nag exchange of vows na kmi

"Aliya Mahal ko na Misis ko na ngayon, gusto ko lang sabihin sayo na itong pagsubok na nalagpasan natin ay tanda lamang kung gano natin kamahal ang isat isa. Mula noon hanggang ngayon, at magpakailanman ikaw at ikaw lang ang babaeng sasabihan ko ng salitang I love you, ang ang babaeng gusto kong tawaging Mommy ng mga magiging Anak ko. Habangbuhay kong ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal pangako yan" sabi nya tapos hahalikan nya sana ako kaso nagreact yung mga tao pati pari at sinabing mamaya pa yung kiss haha nakapamot nalang sya sa ulo dahil sa hiya. Kitang kita ko naman na tawang tawa sakanya si Danilo at mga taga hacienda. Oo Imbitado lahat ng tao na saksi ng pagmamahalan namin.

Oh. Its my turn na pala.

"Gabriel, Sinta ko at Mister ko na rin ngayon" nakangiti kong sabi tapos pinunasan na naman nya ng panyo ang mata nya. Ano ba yan wala pa nga!

"I love you, today and forevermore. I promise to cherish you and our future kids. Yes kids kasi gusto ko marami!" Sabi ko dahilan para matawa sya at sila.

"Kahit pa paulit ulit tayong pinaglaruan ng tadhana nagpapasalamat ako dahil hindi tayo bumitaw sa pagkakahawak sa isat isa, kahit pa maraming pogi dyan sa paligid wala akong pake dahil ikaw lang ang baby ko yiie" tapos nagtawanan ulit sila at si Gabriel halatang kinikilig na.

"Naalala ko pa noong crush na crush kita tapos di mo naman ako pinapansin tapos yun pala nagpapakipot ka lang, pahard to get ka eh pasalamat ka pogi ka" parang tawa sila ng tawa pagnagsasalita ako haha

"Pati yung inaasar asar mo ako dahil sanaging amoy baboy ako kakalinis ng kulungan ng mga pigs doon sa hacienda, okay lang saakin kasi kahit ganun ang amoy ko ng mga oras na yun alam kong ako lang ang pinakamabangong babae para sayo" Dagdag ko pa at tumango naman sya at nagthumbs up saakin.

"Pero pinamatindi yung napagkamalan kitang bading gosh!" Nagtawanan yung mga tao lalo na si Aling Rosario dahil naalala nya siguro yung mga tanaong ko sakanya noon about kay Gabriel, Napapout naman sya tapos nagflying kiss nalang ako sakanya

"And hinding hindi ko makakalimutan ang pagharana at paggawa mo ng tula saakin, sbi ko noon sa sarili ko wala na akong mahahanap na ganitong lalaki kaya sabi ko wag mo nang ilet go yan girl itago mo na yan sa bulsa mo goooooo" para akong timang sa mga pinagsasasabi ko.

"Pero inaway tayo ni Dad char! Joke lang dad love you" pagbibiro ko tsaka nag peace sign kay dad at tumawa na naman sila.

"Pero mahal talaga natin ang isat isa eh, kahit ilang taon tayo hindi nagkita tingnan mo ngayon kung nasaan na tayo, nasa simbahan na tayo yehey!" Pagchecheer ko at nag cheer din sya pero ngayon may mga luha nang tumulo sa mga mata ko pati rin sa mga mata nya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya "Mahal?" Tapos nag 'po?' Sya. "I l-love you s-so m-much" sabi ko habang naiiyak at tumango sya kasabay rin nun ang pagtulo rin ng mga luha nya ulit.

Nakikita ko rin na umiiyak na din sina Sam, yaya ,aling rosario at Tita Amy.

"Ito yung pangarap ko, ang makasama ka habang buhay. Thank you dahil dumating ka sa buhay ko at minahal mo ako. Ayaw ko nang magsalita naiiyak na talaga ako sobra" yun yung huli kong sinabi






at sinuot na namin ang sing sing sa isat isa at yung pinakahihintay ng lahat "You may now kiss the Bride" sabi ni Father saka tinanggal ni Gabriel ng dahan dahan ang belo ko at pinunasan ang luha ko kasi naman hindi ko mapigilang maiyak!

*mwa*

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" Hiyawan nung mga tao.

Well I'm married! To the Man of my dreams, and the only Man in my heart.

Sa crush ko, first love, first boyfriend ko, first heart break ko at first sa lahat ng bagay pero last sa buhay ko dahil wala nang kasunod dahil nakatali na kmi sa isa't isa.

Masaya akong nahantong sa happy ending ang love story namin.

Nakakainlove nang paulit ulit yung thought na finally akin na sya, legally. Wala nang makakaagaw at makakapaghiwalay.

"I Love You Sinta" -sya

"I Love you too Pagibig" -ako

Saka umandar ang sasakyan na may nakalagay na 'JUST MARRIED♡'

-WAKAS-

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon