Chapter 25

3K 35 1
                                        

Pagkabalik ko ng hotel agad akong pumunta sa office ko at nandoon sa loob si Gabriel naghihintay.

"Ito ang totoo, tapos na tayo....."

Bigla kong naalaa ang sinabi nyang iyon saakin. Aissshhhh Aliya erase erase! Ang tagal na nun.

Tumayo sya ng mkita nya akong pumasok at sinenyasan ko nman sya na umupo ulit at agad naman nyang ginawa. Shocks ang laki ng pinagbago nya. So natupad pa rin naman pala ang plano nya sa pagiging Arkitekto, napabilib nya naman ako.

"So Mr. Architech alam mo na siguro ang sadya ko sayo?" Panimula ko at umupo naman sya ng maayos bago magsalita. "Alam kong hindi mo nagustuhan ang plano na gawing vintage ang extension ng hotel na to..." sabi nya at nakatingin lang ako sakanya.. shemay kakayanin ko ba ang mga titig nya? "Di mo siguro alam pero binase ko ang theme na to sa personalities mo na galing mismo sa team mo, at ayun sa mga sinabi nila...ikaw yung taong mahilig magreminisce ng nakaraan kung kaya't-" hindi nya na natuloy ang sinabi nya dahil di ko kaya.... di ko kayang marinig ang boses nya ng ganun katagal.

"O-okay I get it, that's all what I want to hear from you as the Architech. Everythings clear already so makakaalis kana" I sounded rude at napakunot naman ang noo nya at parang ayaw pang umalis. Tinaasan ko naman sya ng kilay "What? Di ka pa ba aalis sa pagkakaalam ko expert ka dyan eh... ang umalis agad" patama ko sakanya at nagiba naman ang expression ng mukha nya at napayuko nalang saka nagpaalam na aalis.

Pagkasara nya ng pinto nabato ko bigla ang ballpen sa inis. Bakit parang dedma lang skanya ang lahat? Pano nya nakayanan na harapin ako ngayon dito sa opisina ko? Ganun ba sakanya kadali lahat ng ginawa nya saakin.

At dahil wala akong makausap pumunta ako kina Liam dahil si Sam naman ay hindi pa tapos sa lakad nya. Nakaupo kmi ngayon sa bar ng bahay nya, "You sure na okay kana?" Tanong ni Liam, duhhhh makakalimutan ko ba ang mukha ng lalaking yun pati ang sakit na dinilot nya saakin. "Are you crazy? Bakit naman ako hindi magiging okay?" tumawa naman sya. "Bakit parang apektado ka pa rin? It's been like what? 5 years?" Sabi nya. Tama sya 5 years na anh nakalipas pero ang sakit nandito parin.

Binigyan nya ako ng wine saka nag salita ulit "Galit ka pa rin ba sakanya? I mean maayos na ang lahat and even kayo ni Tito Eduardo does it still matter kung magiging magkatrabaho kayo ng ex mo?" Tanong nya.

"Ofcourse not! Mas nagagalit ako dahil ayaw kong nakikita syang okay sa harapan ko samantalang ako halos mabaliw ng dahil sakanya" sagot ko.

"Pero humingi sya ng chance hindi ba? Pero di mo naman binigay?" Napatahimik naman ako sa sinabi nya. Pagkatapos ng ilang linggo ng maghiwalay kami, araw araw syang pumupunta sa bahay at nagsisigaw sa labas tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko sya hinarap. Tumigil lang sya ng si Daddy na ulit mismo ang kumausap sakanya which is hindi ko na naman alam kung anu yun. Mula noon hindi na sya bumalik at nagpakita pa at hindi rin natuloy ang pagpapadala sakin ni Dad sa U.S.

Gani na kaya bumalik na ako sa Hotel, may sarili akong room dito dahil gusto ko na ring mahiwalay sa bahay dahil nasa tamanh edad naman na ako para maging independent mabuti nalang at pumayag si Dad. Pagpasok ko sa room ko kinuha ko ang maliit na box sa drawer ko at laman nun ang panyong puti na pinahiram saakin ni Gabriel at ang tulang ginawa nya nung napasagot nya ako pati narin ang picture namin na punit-punit.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang mga iyon. Hindi ko namalayan na may mga luha na palang pumapatak mula sa mga mata ko dahil pilit na binabalik ng tadhana ang mga alala ko kay Gabriel nung mga panahong mahal na mahal ko pa sya. Naalala ko kung pano ako nagmakaawang wag nya akong iwan, habang inaalala ko ang mga sinabi nya saakin ng gabing iyon ay ang labis naman na pagkadurog ng puso ko.

Sa pagbabalik nya, magiging maayos kaya ang lahat? Tama! Magiging maayos naman dahil wala na rin naman akong nararamdaman para sakanya hindi ba? Kinalimutan ko na sya at siguro'y ganun din sya saakin. Baka nga may asawa na yun eh, kahit torpe yun malakas parin yun sa mga babae. Kung wala naman syang asawa eh sigurado nobya meron yun. Teka teka! Bakit ko ba iniisip yun! Erase erase!

Tumawag sakin si Mike na magsisimula na raw sila bukas at nagrequest ang team nila na bigyan si Gabriel ng room exclusive only for his team din wala naman akong nagawa kundi pumayag. Great! So dito rin sya mag sstay? 8 months pa naman ang duration ng project. Hayyyy sana maging smooth ang lahat ng mangyayari.

Nagshower ako sandali at hindi na rin ako nagdinner, parang gusto ko nalang kasi matulog at mananalangin na sana panaginip lang lahat ng to, na nandito na ulit si Gabriel.

Kinaumagahan naglibot libot ako sa buong hotel, para mag inspect dahil may nakarating saakin na yung mga bellboy daw namin dito ay tatamad tamad at panay lang ang pakikipaglandian sa mga receptionists. Naginit ang ulo ko nang malaman ko yun at dahil doon nagpasama ako kay Mia.

Feeling ko okay naman eh kasi nagttrabaho naman sila ng maayos, mga inggetera at inggetero lang siguro ang nagsumbong saakin nun. Nasa lobby naman ako ngayon para tingnan ang records ng mga nagcheck in sa hotel ngayong araw. "Ang gwapo talaga ni Sir Gabriel, kasama sya ngayon ni Sir Mike para sa bagong project ng hotel!" Narinig kong sabi nung receptionist sa kasama nya, pinakikinggan ko lang sila. "Ayan na sya tama ka nga ang pogi na ang hot pa" sabi nila ulit. Napa irap naman ako, as always chick magnet parin sya. Nagulat naman ako ng mapapapadyak ng paa yung isang receptionist langya to ah hoy andito ako boss mo ako. "Sino ba yang kasama nya" inis nyang sabi, hindi ko alam pero hindi ko napigilang sumilip habang nagchecheck ng records sa system namin. Shit may kasama nga, babae, ang ganda at ang sexy. "Baka asawa nya!" Sabi pa nung isa. Nakasilip parin ako kina Gabriel at nagulat kasabay ng pagwala ng receptionist sa tabi ko dahil kiniss ng babae sa pisngi si Gabriel saka sumakay ulit ng kotse. Napatayo ako bigla at umubo "E-rher-m" napatingin naman saakin yung dalawa at ngayon lang ata nila na realise na nandito ako katabi nila saka nagsorry. "Gusto nyo bang bigyan ko kayo ng Memo? Nagdadaldalan habanh nagttrabaho?" Pagtataray ko. "Pinapainit nyo ang ulo ko ha!" Sabi ko sakanila at nakayuko lang sila panay ang sorry. Hmp! Badtrip ako ngayon! Wag ako! Naglakad na ako paalis sa tabi nila at naiwang nakabukas ang records sa system

Pero nawala ang takot nila ng lumapit sakanila si Gabriel at nagtago naman ako sa gilid upang makichismis malay mo itanong nung receptionist kung ano nya yung babaeng humalik sakanya para akong tangang spy dito na nka corporate attire . "Excuse me itatanong ko lang sana ang room ko" magalang na sani ni Gabriel. Nginitian naman sya ng receptionist saka tiningnan ang system..... shit sinearch ko pala ang pangalan nya at hindi ko pa naclose yun dahil hindi ko pa nababasa. "Ah Sir 4872 po" sabi nung receptionist.

4872? Eh 4874 ako! Waaahhhh baka isipin nya ako ang nagdecide kung saang kwarto sya mapupunta.

"Ang bilis mong nahanap ah" nagtatakang sabi ng kasama nya. Malamang! Ako nagsearch nung record eh! Tsk. "Nakasearch na kasi eh, tiningnan ata ni Miss Monteverde." Ay tanga!

Nkita ko naman si Gabriel na napangiti saka kinuha ang susi nya. Aba! Lumilingon lingon sya sa paligid at muntikan na nya akong makita kaya nagtago ako ng mabilis. Napahawak naman ako sa dibdib ko at napapikit Whew! Muntik na ako doon ah!

"May pinagtataguan ka ba?"

"Ay tae ng kalabaw!" Gulat kong sabi.

Mas nagulat ako ng makita na si Gabriel iyon.

"Sorry nagulat ata kita" inirapan ko lang sya at tumalikod at naglakad paalis na parang penguin maglakad napapikit nalang ako sa kahihiyan. Omg!

An: nagkapalit po ata ang chapter 26 at 27 sorry guys, i have no time para maedit sana po masundan niyo yung chapters :) Thank you

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon