"Kung kayo, kayo talaga"
Bumitaw ako sa pagkakayakap at niyaya syang kumain sa baba,
Pagbaba namin ng elevator nakita namin ang team ni Mike at kasama nila si Gabriel.... kakain rin ata sila
Nandito kana pala.
Siniko naman ako ni Sam at tinuro si Gabriel pero pinandilatan ko lang sya ano to teen ager lang? Magkakasalubong kasi kmi, akala ko papansinin nya ako pero.... nilagpasan nya lang ako at parang tinusok yung puso ko dahil dun. Hinawakan lang ni Sam ang kamay ko ng mahigpit at umupo na kmi sa table na kakainan namin.
Tahimik kong pinagmamasdan si Gabriel habang kumakain, parang nangsisisi ako na hindi ko sya binigyan ng chance ayyyyy! Erase erase! Pano ba ako makakamove on neto :(
"Baka matunaw si Papabol nyan ah! Akala ko ba let go na?" Pangaasar ni Sam "Bawal ko bang titigan sya kahit nasa malayo?" Sagot ko.. "Omg tiningnan ka nya! Wag kang titingin baka mahuli tayo" pinandilatan ko naman sya ng mata at tinapik ang kamay nya "Tumigil ka nga ikaw yung halatang halata eh" tapos kumain na ulit sya "omg omg tiningnan ka nya ulit" kinurot ko naman ang kamay nya "Di ka titigil?" Tapos napapout sya.
Pero dahil nacurious ako, lumingon ako ng pasimple tapos tiningnan ko sya omg umiwas sya! Tinitingnan nya nga ako.
Dug.dug.dug.dug
Pero nagpalusot ako kunware may hinahanap char lang. Omg para akong teen ager!
"Sabi na sayo eh, pigilan na kaya natin ang kasal?" Dinedemonyo nya talaga ako eh, kahit naman mahal ko sya hindi ko naman kayang umeksena sa kasal noh! Baka isumpa pa ako ng mga tao doon.
"Shut up Sam just eat magpakababoy ka para maging cute ang baby mo" tapos sinubuan ko sya wala naman na syang nagawa. Humagalpak nalang ako ng tawa dahil sa itchura nya haha
"Sorry to interrupt miss monteverde pero may meeting po tayo about sa project" biglang sumulpot si Mia pero sumunod naman ako sakanya sabi naman ni Sam okay na sya doon.
Pagkasakay namin ng elevator sakto pumasok rin sila Mike at binati nila ako ngumiti lang ako sakanila. Umatras naman ako sa likuran dahil madami sila dahilan para magsiksikan kami, nagulat ako dahil katabi ko pala si Gabriel at sobrang magkadikit kmi halos magkaharap na, kaya tumalikod ako.
Shit ang bango kasi nya.
"Miss Monteverde ayus lang ho ba kayo?" Tanong ni Mia nasa unahan ko kasi nya.
"Ah eh Oo hindi lang ako makahinga ng maayos" sabi ko tapos parang nag alala naman si Mia, ba kasi 10 ata kami dito sa loob pag ito bumigay lagot sila sakin.
May naramdaman naman akong parang pumapay pay saakin gamit ang panyo, pagtingin ko si Gabriel pero hindi sya tumitingin saakin. "Pawis na pawis ka kasi" yun lang sabi nya pero di parin sya nakatingin... Ene be yen! Baka makalimutang kong ikakasal ka na next week.
Natapos na yung meeting, ang napagusapan namin ay tungkol sa pagpalit ng bagong Architech, yes aalis na si Gabriel dahil sa nakatakdang kasal nya. At napagkasunduan nilang magkaroon ng despedida party mamayang gabi dito sa hotel. Hindi na sana ako makikiparty kaso bawal daw ang kj! Hayyy parang hindi nila ako boss noh? Wala naman na akong nagawa. Goobye Architech Gabriel na talaga totoo na to.
Nasa isang malaking mesa kami ngayon kasama ang mga team ni Mike at siempre pati si Gabriel. "Para kay Sir Gabriel na ikakasal na next week, best wishes sainyo ng soon to be wife mo, cheers!" Sabi ni Mike, kahit hindi naman ako masaya sa sinabi nya naki cheers din naman sila. Lumaklak nalang ako ng todo.
Tawa sila ng tawa habang nagkkwentuhan at nagbubukingan. Enjoy na enjoy sila pwera saakin na magisang lumalaklak ng alak, pansin ko lasing na silang lahat at feeling ko ako rin. Mas nakakabuti pala ng pakiramdam pag umiinom noh? Feeling nangmamanhid ang buong katawan ko. Samantalang si Gabriel pangiti ngiti lang sa mga pinagsasasabi ng buong team, sure, masaya sya. Pakyu sya!
![](https://img.wattpad.com/cover/159303631-288-k542200.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romansa#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...