Chapter 3

4.5K 50 0
                                    

"Apo ko" Pagbati saakin ni Lola sabay akap.

"I miss you Lola" sabi ko habang nakayakap.

Gustong gusto ko si Lola makasama dahil sabi nila kamukangkamukha nya si Mommy.

"Halika apo dadalhin kita sa kwarto mo, alama mo ba na labis akong nagalak nang tumawag ang Daddy mo na dito ka mamamalagi upang magbantay sa hycienda" Sabi nya habang papalad kami papunta sa kwarto ko. Infairness not bad, kahit makaluma malinis at malaki naman sya.

"Ahhhhh" bigla akong napasigaw ng may makita akong daga na tumatakbo.

Tumawa naman si Dad, yaya at Lola.

"Masanay kana apo, luma na itong bahay kung kaya't marami narin ang mga daga at ipis dahil sa mga gamit na tambak sa bodega sa ibaba" Paliwanag ni Lola.

What? Daga at Ipis? As in rat and cockroach?

Napatingin naman ako kay Dad na parang sinasabi na iuwi nya na ako.

"Wag kang mag alala Aliya apo nandyan ang Yaya Marta mo para bantayan ka"

Wew oo nga naman.

Napanganga naman ako ng makita ang kwarto ko. Pang makaluma ang style pero ang laki pati ang kama Wow.

"Ito ang kwarto ng Mommy mo, hahayaan muna kitang magpahinga at ihahatid ko na palabas ang Daddy mo"

Oo nga pala ihahatid lang ako ni Dad. Kawawa naman sya walang pahinga para lang maging responsable ako.

Kinaumagahan nagising nalang ako sa mga tilaok ng manok.

Tumayo na ako at dumako sa bintana pag kabukas ko nito, tinaas ko ang mga kamay ko para magstretching kasabay non ang paghikab ko with matching nakapikit pa.

Pag dilat ko ng mata ko nagulat ako dahil....

Si Gabriel nasa baba pinapakain ang mga alagang manok OMG.

Narealize ko nakataas ang mga kamay ko at naka sando lang ako pantulog hala ang kili kili ko.

Binaba ko agad ito.

Tumawa naman ng pasimple si Gabriel.

Omg baka nkita nya kilikili ko di pa naman ako nakapagshave. Nakakahiya.

Sinara ko agad ang bintana ang shunga mo talaga Aliya. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina,

"Apo gising kna pala halika at mag almusal na tayo dahil pagkatapos nito sisimulan mo na ang iyong trabaho sa hycienda wag kanh mag alala dahil meron na akong inatasan para turuan ka sa mga gagawin mo" Sabi ni lola habang nilalagyan ako ng sinangag, tuyo at itlog.

Kinuha ko yung tuyo at tinaas ito bago amuyin.

"Ew" sabi ko. "Ang langsa naman nyan" reklamo ko pa sabay binitawan.

Napasmile naman si Lola pero si Yaya siniko ako. Ouch.

"Lola wala bang ham or bacon?" Request ko.

"Apo dito sa probinsya hindi uso yan, hayaan mo sa susunod mamalengke ka bilhin mo ang ulam na gusto mo"

Ako talaga? Mamamalengke?

Tiningnan naman ako ni Yaya na parang sinasabi na umayos ka wala ka sa bahay ninyo.

"Ay Lola wag na po pala sabi ko nga kumakain ako nito" sabi ko tapos sabay smile ng fake kay Yaya na meaning ano-masaya-kana-look.



Naligo na ako and all para magready mag tour sa Hycienda. Infairness kala ko building lang ang meron kami iba din si Daddy rich kid pala sya noong panahon. Kaya pala ganun nalang kung pumilipit sakanya ang paborito kong Madrasta. Naku kung pareho lang ako ni cinderella siguro inalila nya na ako kaso sorry sya mas mataray pa ako sa pinakamataray kaya hindi sya uubra saakin.

Tagpuan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon